Sunday, May 23, 2010

PAGHIHINTAY

Alas singko y medya ng hapon na. Wala pa rin akong balak umuwi. Kahit tapos na ang first day of training namin. Kasi may hihintay pa akong kaibigan.

Sa aking tabi, namdang kaliwa, may dalawang magkakaibigan din. Bro, pre, meg, pare, tol, mga madalas na tawagan ng dalawang lalaking magkakaibigan.

Nakatawag ng pansin ko ang kanilang tawanan. Halakhakan. Sikuhan. Turuan. Tapikan ng balikat. Bulungan. Tinginan. At halos magkadikit na ang kanilang mukha habang nag-uusap. Sabi nga ni JLC, “soooooobbrangcheeeeeeeeeeeeeezzzzzzzzzzzzzzzyyyyyyyyyyy nilang dalawa”.
Pero ano ba ang trip nilang dalawa? Wala lang. pinagtatawanan lang nila ang bawat taong nakikita nila. Lahat na yata ng topiko napag-usapan na nila eh.

Naisip ko tuloy, ano ba ang dalawang to, adik? Hindi naman sila mukhang bading, pero bakit ang sweet nilang tingnan? Yung isa panay pa sulyap sa akin. Siguro iniisip niya ay kung ano ang sinusulat ko. O di kaya baka akala niya crush ko silang dalawa (yuck, may magagalit…). Tingin ko hindi pa sila lagpas bente. Naaalala ko tuloy ang aking kabataan.

Nung aking kabataan sobra akong matino. Sobra akong magalang. Sobra akong mapagmahal. Hindi ako nun madalas magskul dahil nagbobolakbol kami ng mga kaklase ko. Iniwan naming ang room pag fifteen minutes na wala pa ang teacher namin. Syempre ako ang promoter ng lahat. Sinigaw-sigawan ko lang naman ang supposedly humanities teacher (sana di niya ako makilala) ko dahil pinilit niya akong ilipat sa kabilang section dahil puno na ang klase niya. Nagwalkout lang naman ako sa classroom officers election namin ng nanalo akong President. E ayokong maging President, nagwalkout ako. Nang pinilit ako ng teacher-adviser namin, sinumbong ko kaya siya sa Dean namin. Ayun napagalitan siya. (Thanx ma’am, Mau. Sana naalala mo pa ako. Love mo ko eh.) Ganun ako nung aking kabataan. Isang napakagandang halimbawa sa mga kabataan ngayon!

In short, masaya, puno nga lang ng kalokohan. Ano kaya ang kinalolokohan ng dalawang batang lalaking ito? Pero feeling ko, may kakaiba sa kanila. Kung hindi sila nakadrugs pareho, malamang magjowa sila! Halos magyakapan na eh. Ganyan nab a talaga ang mga bata ngayon? Masyado ng agresibo?

Pero, hindi! Baka nakainom lang nang konti. Saying naman, may itsura pa naman sila pareho. Ang aga pa yata nilang lumandi kung nagkataon.


Hehehe…

No comments: