Monday, May 31, 2010

Birthday

Panu ba maging masaya kung may bigat kang dinadala?

Panu ba makikita ang ngiti sa mata kung masama ka sa tingin ng iba?

Panu ba malalasahan ng tuwa ang iyong mga labi kung sinasabi ng iba’y gago ka?

Panu ba maaaninag ang galak sa iyong mukha kung wala ka nang mukhang ihaharap sa kanila?

Panu ba umibig muli kung ang puso mo ay durog na?

Panu ka pa ba mabubuong muli kung ang pagkatao mo’y wasak na?


Kaya ang araw na ito ay espesyal para sa akin…Ito ang araw ng aking kapanganakan at araw ng aking kamatayan…

Sunday, May 30, 2010

Bida

Ang buhay ay isang pelikula…

Bawat tauhan ay isa-isang ipinakikilala…

Bawat isa may ginagampanang mahalaga…

May bida at may mga karamay siya…

Merong kontrabida at kasabwat niya…

Sa tuwing nag-aaway ang bida at ang kontrabida, kadalasan kawawa ang nauuna…

Pero hindi dun nagtatapos ang storya…

Magpapakasaya pa ang kontrabida habang naghahanda ang bida ng paghihiganti niya…

At sa kanyang pagbabalik pababagsakin niya ang antagonista…

Lalasapin niya ang tagumpay na nakamtan ngunit makokonsensya siya…

Dahil hindi gaya ng kontrabida my puso ang bida…

Patatawarin pa rin niya ang nagpahirap sa kanya…

Ang buhay ko, parang isang pelikula…
At sa pelikulang ito, sinisiguro kong ako ang bida…

Sunday, May 23, 2010

ESKAPO

Nitong lingo, maraming nangyari sa kin. Maraming mga bagay akong natutunan. Pero masyadong boring. Kakainis na nakakbagot. Pero sobrang challenging. Sumabak kasi ako sa isang training, refresher course in programming. Ang ending, narealize ko na hindi pala refresher course ang kailangan ko. Kundi isang intensive training on hard coding. In short, hirap na hirap akong tapusin lahat nang mga test cases na inasign sa amin. Pero magkagayun pa man, hindi lang ako ang nahirapan. Mga classmates ko din pala.

Kaya’t para makatakas pansamantala sa hirap at dusa ng training, nagpasya akong lisanin ang Iloilo at lumarga patungong Roxas City.

Tinex ko ang kaibigan ko sa Roxas City na pupunta ako for a night. Si Abnoy. Wala lang. Magnanight out lang. Gusto ko lang makakakita ng mga bagong mukha. Gusto ko lang makahanap ng bagong adventure at bagong istorya. Nagpaunlak naman sa akin si Abnoy. Pero sabi niya hanggang night out lang kami dahil hahanapin siya sa kanila. Okey lang naman sa akin eh. Di naman niya kelangang samahan ako the whole night.

Pagdating ko nang Roxas City bandang alas singko y medya ng hapon, tumuloy ako kaagad sa hotel. Maliit na room. Okey lang. ako lang naman mag isa eh. Mainit ang room. Okey lang. Tight ang budget eh. Walang TV. Okey lang. hindi naman ako magbababad sa loob eh. Me maayos at safe lang akong matutulugan, solve na ako.

Dahil pagod ako sa biyahe, napaidlip ako ng hindi ko namamalayan. Wala ng araw ng magising ako dahil sa katok sa pinto ng aking room. Si Abnoy pala. At may bitbit na pagkaing pinadala ng nanay niya para me makain ako for dinner. Habang kumakain ako, nagkukuwento siya ng kung anu-ano. Buhay, pag-ibig, trabaho, kalokohan. Lahat na lang ng pwedeng mapag-usapan.

Mga bandang alas otso ng gabi, umalis siya para sunduin ang “asawa” niya mula sa trabaho. Kaya may oras ako para i-go-over ang mga tasks ko sa mga assignments ko. Bandang alas diyes na ng gabi nang magtext sa akin si Abnoy para magnight out. Kaya nag-ayos na rin ako para makaalis na pagdumating siya para sunduin ako.

Buhay na buhay naman pala ang night life sa Roxas City eh. Nagvideoke muna kami. Siyempre kinanta ko ang aking dalawang masterpieces – Photograph ni Ariel Rivera at Each Day with You ni Martin Nievera. Nag-inuman kami ng konti. Saka kami lumipat ng place for disco with live band. Duon nakilala ko ang mga kasamahan niya sa trabaho.

Dati akala ko sa movies lang meron nila. Akala ko theory lang sila. Pero hindi, totoo sila. Sila ni Abnoy ang mga kasamahan niya, mga Dance Instructors. In short DI. Oo DI sila at ang dalawa sa kanila may bitbit na dalawang lola. Sila lola mga 50’s na pero nakikipagsabayan pa rin sa mga DIs. In short mukha silang matrona. Pero don’t care at deadma lang ang drama nila.

Biglang may nag-aya ke Abnoy na isayaw siya. Pinagbigyan naman siya. At ang galing palang sumayaw ng kaibigan ko ha? Hindi mukhang bading, pero pag sumayaw; may kembot ang bawat galaw.

Ako? Sa tabi lang hindi naman ako magaling sumayaw eh. Paminsan-minsang nilalapitan ng mga kaibigan at kasamahan ni Abnoy para kausapin at ayaing sumayaw. Wala naman akong pakialam kung hindi nila ako kakausapin eh. Basta ako masaya sa pag-indak sa saliw ng musika ng buhay na banda.

Me ale pang pawisan na at halos labas na ang kaluluwa pero sige pa rin ng sige hataw kasama ang mga DIs. Lahat na yata ng mata at atensyon nasa kanya na eh. Ay naku, si ale nagmumurang kamatis. E ano naman ngayon? Nag-eenjoy lang amg lola mo eh. Bakit ba? Na-eenjoy lang si murat eh.

Bandang alas dos na nang magpasya kaming umuwi. Antok at pagod na rin ako. Nagpahatid na lang ako ke Abnoy sa hotel pagkatapos namin magkape.

Bago ako natulog napaisip ako habang nakahiga. Tapos na ang maligayang gabi ko. Bukas isang panibagong umaga na naman. Isang simula ng bagong araw. Isang simula ng bagong lingo. Isang pagbabalik sa nakaraan---ang normal kong buhay. Normal kong buhay na punung-puno ng hamon. Hamon na sumusubok sa aking katatagan bilang tao at bilang isang guro sa kolehiyo. Bilang indibidual. Bilang isang anak. Bilang isang ama (ng mga estudyante ko syempre, dahil virgin pa po ako!) Bilang isang kaibigan. Bilang isang mag-aaral.

Ahhh… Tapos na ang aking gabi, masaya at nakakatwang gabi…tapos na ang aking pag ESKAPO.

FLUSH

Bakit kaya ganun? Alam ko di dapat pero ito ang aking nararamdaman…

Nananabik ako sa’yo, kagaya ng pananabik ng langgam sa asukal. Gusto kitang halikan, kagaya ng paghalik ng langaw sa tae. Gusto kitang hawakan kasing higpit ng kuko ng agila sa unggoy. Gusto kitang yapusin, kasing swabe ng yapos ng sawa sa kahoy ng karunungan. Gusto kong ingudngod ang mukha ko sa’yo gaya ng ginagawa ng baboy sa dumi nito. Gusto kong ialay ang sarili ko sa’yo kagaya ng pag-alay ng kalabaw ng kanyang sarili sa putikan. Gusto kong maramdaman mo ang alab ng aking katawan gaya ng init na pinadadama ng tubig sa kutsara tuwing ako nagkakape.

Para kang kuto, hindi maalis sa ulo ko. Para kang libag, ayaw matanggal sa katawan ko. Para kang kulugo, araw araw tumutubo, bumabalikbalik.

Mabuti pa ang BO, ligo lang ang katapat. Mabuti pa bad breath “swish” lang ang sagot. Mabuti pa ang balakubak gaas lang remedyo.

Hirap na ako sa aking nararamdaman. Kasing hirap ng molds tanggalin sa pagitan ng dalawang tiles ng CR namin. Kasi ingrone ka na kay hirap kutkutin at masakit kunin. Ngunit kailangan para na rin sa aking kaginhawaan.

Ano ba ang madaling solusyon para ika’y tuluyan ng mawala sa isip ko? Sana tae ka na lang, para pagFLUSH ko wala ka na sa pananaw ko.

BODY EXTRACTS

Sana nanggaling ako sa’yo para masabi kong inaangkin mo na ako…

Sana laway mo’ko, mahulog man pilit mo pa ring saluhin…
Sana pawis mo’ko, mapunas man masisinghot mo rin…
Sana ihi mo’ko, mailabas mo man maamoy mo pa rin…
Sana utot mo’ko, idedeny mo man ginhawa pa rin ang dulot ko…
Sana luha mo’ko, papahirin mo man mananatili ako sa alaala mo…
Sana uhog mo’ko, tumatakas na nga pinababalik mo pa…
Sana muta mo’ko, pilit mo mang tanggalin minsay may naiiwan pa rin…
Sana kulangot mo’ko, hindi mo malalaman ang amoy pag di mo natatanggal…
Sana tutule mo’ko, tuwing kinakalikot mo nasasarapan ka…
Sana tae mo’ko, itakwil mo man sigurado ako lilingunin mo pa rin…

TURNING POINT

I was stuck in the middle of a crossroad these past few weeks. I thought I will make the most significant turning point in my life. Again. Last year of this same month, I was officially kicked out from the school where I used to work for three semesters. This year the sister school of that school is trying to convince to apply for a very important job. Teaching. Teaching hardware and software subjects. Unfortunately, I don’t know what to do and I don’t know what to expect. I know the Human Resource Personnel Supervisor, the School Director himself, and the OIC Dean herself. They know me well, too.

How did I say, I am in a crossroad? Well, let me tell you this. When I was kicked out from Abraham School last year, three schools picked me up. One electronic school, one aeronautics school, and one business school. My schedule is always divided into three. Every Monday, Wednesday, and Friday, I render my service to the business school. Every Tuesday and Thursday, I give my service to the aeronautics school. Every Saturday, I render my service to the electronic school. Things were not that easy but everything’s doing fine. Every school has its own schedule that would fit in every moment at a proper setting. If I get too busy in one school the others were not. It seems that the three schools are working hand in hand in my convenience. Hence, I was very happy.

Things were alright then. But this Father School which were trying to get my service this year was very insistent. Though the HR supervisor would tell me that they are suppose to hire me as full time instructor, I kept on telling her too that I will still get part time job for the electronic school. In that, I will be willing to give up the two others but not the electronic school.

During the teaching demonstration, I prepare a very short lesson to discuss. Short enough to prove my worth to be hired. Short enough, but the School Director didn’t mind to listen and allow me to finish. He stopped my discussion and asked questions. After answering those questions that deals with educational attainment, experience and expertise, he then told me that they are more than willing to hire me; to hire me as full time instructor. I said yes, I am more than willing to render my full time service too.

But he told me that the “full time” they mean talks about the service that is only with them. There should be no other part time jobs. So that means I have to drop all the three schools. I said no; that could not be. In fact, I am under training that time and the electronics school paid for my expenses making me bound to them for five months.

There was exchange of statements at that time. I don’t have anything against them or the school either. With due respect to them, I applied because they need teachers. In short, I am not looking for a job that time; it’s the job that is “haunting” me. From my end, I am willing to render my full-time service with them. But I am not opt for leaving the electronics school. I can drop the two other schools for the sake of their school. But, again, not the electronics school. Call it unfair, unethical and unprofessional to teach on two different schools with the same course offering and on the same umbrella organization with their two heads being the president and the vice president, I don’t care. For as long as I know I am doing my job as a teacher and not as a marketer of the school, I won’t give a damn care.

The reason is simple. I am just just making a place in that school and at the same time taking a chance. It’s not me to decide to leave the electronics school. It is the choice of the administration of the Father school if they want to hire me as full-time instructor but they will not hinder me to render my service to the electronics school; though they try to bribe me with a higher pay. Well, who doesn’t want to have a higher pay, right? I am interested. That is why I accept the challenge of appealing to render my full time service with them. But I just don’t want to get rid the electronics school in my life.
Not because of money, not for the matter of security. It’s more than that. They trust me more than I could ever think.

ANGHEL DE LA GUARDIA

Pag malungkot ka, text ka lang. pasasayahin kita.

Pagnababagot ka, kol ka lang.Pagtitiyagaan kita.

Pag naiinis ka, online ka lang sa Facebook. Papawiin ko ang inis mo.

Pagnagagalit ka, magfriendster ka lang. Anjan lang ako.

Kung pakiramdam mo na nauupos ka na, ibigay mo lang sa akin ang twitter account mo.

At ihuhubug kita muli.

Kung sa palagay mo unti-unti ka nang naaagnas, YM tayo. Subukan kitang buuin muli.

Kung iniisip mong iniwan ka na nang mundo MSN mo lang ako, hindi ko papayagang magpatiwakal ka.

Wag kang mag-alala. Isang blogpost mo lang ako.

Wag kang mangamba. Iwordpress lang ako.

Wag ka nang mag-alinlangan pa, hindi ka nag-iisa.

Dahil ako, ako ang iyong ANGHEL de la GUARDIA.

IKAW ANG LANGIT KO

Sa tuwing tinitingnan ko ang cellphone ko, pangalan no ang nais kong makita. Hinihintay ko kung may text ka. Parati kong chinicheck baka nagmiskol ka. Pero madalas wala. O di kaya, ibang tao pala.

Bakit kaya ganun? Gusto kitang itext pero pinipigilan ko sarili ko. Wag baka masyado na akong distorbo. Pero gusto ko lang naman sanang malaman kung ano ang nangyayari sa iyo eh. Kung nag-iisa ka lang. o kung nalulungkot ka. O kung nababagot ka. O baka gusto mo lang ng katext sa mga oras na iyon. O baka gusto mo lang na may makakausap ka sa panahong iyon.
Hay buhay, mahirap ang malayo sa isa’t isa. Pero higit na masakit ‘yong alam mong hindi mo siya pag-aari ng buong-buo. Pero magkaganun pa man, sa tuwing magtext ka, masaya na ako. Sa tuwing makokol ka, maligaya na ako. Dahil para sa akin, IKAW ang LANGIT ko.

MISS

Hindi ko siya pag-aari. Pero nami-miss ko siya. Bawat minuto, naiisip ko siya. Bawat galaw ko, nasa isip kita. Bakit nga ba? Siguro nga mahal kita. Ngunit alam kong imposibleng mangyari yon. Dahil may mahal ka nang iba.

Alam kong mahal na mahal mo siya. Alam kong hindi mo kayang mahalin ang isang tulad ko. Alam kong hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahalan ninyong dalawa. Naiinggit ako, oo. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan ninyo.

Bakit nga ba mahal kita? Bakit nga ba hinayaan ko ang sarili kong mahalin ka? Bawat oras iniisip ko n asana naalala mo rin ako kahit papano. Sana ako na lang ang mahal mo. Sana ako na lang ang minahal mo.

Bawat taong nakikita ko naiisip ko, ikaw! Bawat taong nguningiti nakikita ko, ikaw! Bawat taong bumabati sa akin, panalangin ko sana ikaw! Pero hindi. Hindi. Lahat sila ibang tao. Hindi ikaw, dahil nandun ka sa mahal mo….

Sa bawat araw na ginawa Nng Diyos, ikaw at ikaw lang ang nasa isip ko. Ang nasa puso ko. At nasa pagkatao ko.

Miss na miss na kita…

Pero ako lang…

PAGHIHINTAY

Alas singko y medya ng hapon na. Wala pa rin akong balak umuwi. Kahit tapos na ang first day of training namin. Kasi may hihintay pa akong kaibigan.

Sa aking tabi, namdang kaliwa, may dalawang magkakaibigan din. Bro, pre, meg, pare, tol, mga madalas na tawagan ng dalawang lalaking magkakaibigan.

Nakatawag ng pansin ko ang kanilang tawanan. Halakhakan. Sikuhan. Turuan. Tapikan ng balikat. Bulungan. Tinginan. At halos magkadikit na ang kanilang mukha habang nag-uusap. Sabi nga ni JLC, “soooooobbrangcheeeeeeeeeeeeeezzzzzzzzzzzzzzzyyyyyyyyyyy nilang dalawa”.
Pero ano ba ang trip nilang dalawa? Wala lang. pinagtatawanan lang nila ang bawat taong nakikita nila. Lahat na yata ng topiko napag-usapan na nila eh.

Naisip ko tuloy, ano ba ang dalawang to, adik? Hindi naman sila mukhang bading, pero bakit ang sweet nilang tingnan? Yung isa panay pa sulyap sa akin. Siguro iniisip niya ay kung ano ang sinusulat ko. O di kaya baka akala niya crush ko silang dalawa (yuck, may magagalit…). Tingin ko hindi pa sila lagpas bente. Naaalala ko tuloy ang aking kabataan.

Nung aking kabataan sobra akong matino. Sobra akong magalang. Sobra akong mapagmahal. Hindi ako nun madalas magskul dahil nagbobolakbol kami ng mga kaklase ko. Iniwan naming ang room pag fifteen minutes na wala pa ang teacher namin. Syempre ako ang promoter ng lahat. Sinigaw-sigawan ko lang naman ang supposedly humanities teacher (sana di niya ako makilala) ko dahil pinilit niya akong ilipat sa kabilang section dahil puno na ang klase niya. Nagwalkout lang naman ako sa classroom officers election namin ng nanalo akong President. E ayokong maging President, nagwalkout ako. Nang pinilit ako ng teacher-adviser namin, sinumbong ko kaya siya sa Dean namin. Ayun napagalitan siya. (Thanx ma’am, Mau. Sana naalala mo pa ako. Love mo ko eh.) Ganun ako nung aking kabataan. Isang napakagandang halimbawa sa mga kabataan ngayon!

In short, masaya, puno nga lang ng kalokohan. Ano kaya ang kinalolokohan ng dalawang batang lalaking ito? Pero feeling ko, may kakaiba sa kanila. Kung hindi sila nakadrugs pareho, malamang magjowa sila! Halos magyakapan na eh. Ganyan nab a talaga ang mga bata ngayon? Masyado ng agresibo?

Pero, hindi! Baka nakainom lang nang konti. Saying naman, may itsura pa naman sila pareho. Ang aga pa yata nilang lumandi kung nagkataon.


Hehehe…

Tuesday, May 18, 2010

Paglalakbay

Ito ang mga nilalaman ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong namaramdaman pagkatapos ng nangyari kahapon. Buti na lang may nagtext sakin kaninang umaga. Sabi niya,

You messed up yesterday. You said the wrong words, took the wrong turn, loved the wrong person, reacted the wrong way. You spoke when you should have listened, walked when you should have waited, judged when you should have trusted, indulged when you should have resisted. You messed yesterday. But you ‘ll messed up more if you let yesterday’s mistakes sabotage today’s attitude.

Today’s a new day. Live well. Have a great day!

Sabi ko sa sarili ko, panu nalaman ng co-teacher ko ang bigat na nararamdaman ko nung nakaraang gabi.Noong araw bago naging ngayon? Ngayong umaga nagising ako sa isang text message. Yun na nga ang message na iyon. Pero kahapon, ibang umaga ang gumising sa akin. Exciting na umaga.

Isang mainit na halik ng sikat ng araw ang gumising sa akin nuong sabadong yaon. Mainit ngunit malamlam pa. Dali-dali akong bumangon sa aking higaan at nag-ayos ng aking sarili. Araw yon kung saan pupunta ako sa birthday party ng baby ng isa sa mga students ko noon, si Maldita.

Pag kalipas ng dalawang oras nakita ko na ang sarili kong nakasakay sa bus patungo sa isang bayan ng Probinsiya ng Capiz. Saka ko bigla naalala ang isang kaibigan. Isang kaibigan na nakatira sa ibayong probinsiya. Isang kaibigan na naging confidant ko for a quite sometime. Tawagin natin siyang si Adik. Tinext ko siya. Sabi ko,

If I decide to head my way to Roxas City tonight instead of going home, will you be willing to spend the night with me?

Sounds like a pick up line, right? But it was intended for a very wholesome cause. Tapos, nag reply siya. It was a nice offer naman daw. Kaya lang ayaw niya magdisisyon nang agad agad. Well, alam ko namang hindi siya pupunta ng ganun-ganun na lang. Kasi dapat pa siyang magpaalam sa minamahal niya. Hindi ko na inalam ang dahilan dahil alam ko naman. Dapat nga hindi ko na sinabi sa kanya ang ganun eh. Bakit ko pa kasi siya inaya.

Pero sa part naman niya, nakita ko ang sincerity sa pagreject niya ng offer ko. Kaya may nireto siya sa akin na ipagmit para man lang may kasama ako kung saka-sakali. Ayoko ko nga sana nung una eh. Kaya lang, naconvince naman ako later kasi nagtext din sakin yong ibinigay niya. Tawagin na natin siyang si Abnoy. Madalang kung magtext si Abnoy. Kadalasan one word lang. minsan nga one letter lang eh. Para naman siyang nice. Kaya nagplan na ako na I’ll be staying for Roxas City overnight kasi may kasama na ako.

Nang dumating ako sa bayan nila Maldita mga bandang alas dose na. Nagkamustahan kami nung nanay, tatay, kapatid at ng kung sinu-sino pa. Para na rin nila kasi akong pamilya eh.

Alas dos na hapon na ako umalis sa bayan nila para sumakay ng bus papuntang Roxas City. Halong kaba at excitement ang naramdaman ko ng time na iyon. Although hindi iyon ang una kong papunta duon. Pero iyon ang unang pagkakataon kong mag night out duon. Habang sa bus ako eh, panay ang text ko sa ke Abnoy. Sa sampung text ko ata isa lang ang reply niya. Nang dumating ako ng Roxas City, dumiretso na ako sa isang mall kung san kami magkikita. Paikot-ikot ako dun habang tinitext ko si Abnoy. Mga ilang minutong pag-iikot ko ay napagpasyahan kong magpalamig sa isang paborito kong fast food.

Malapit ko nang maubos ang kinakain ko at malapit na ring malobat ang cp ko pero wala pa rin akong naaaninag na anino ni Abnoy. Maski man lang kaluluwa wala. Maski man lang text na isang letter, wala. Wala. Point blank. In short, naghihintay ako sa wala. Ang bait nga niya eh. Very silent siya. Mga isang oras at kalahati din ang aking katangahan bago ko narealize na kailangan ko nang magising sa katotohanan na inindian na ako ng kaibigan ng kaibigan ko. Ganun naman ang mga magkakaibigan di ba? Nag-iindianan. Kaya nagpasya na lang akong bumalik na sa kung saan ako nagmula. Alas singko na rin kasi ng hapon eh. Kelangan ko pang dumaan dun sa bayan ni Maldita para magpaalam. Saka ako babalik sa aking tinubuang lupa.

Nang nasa terminal na ako ng bus saka ko tinex si Adik. Sabi ko,

Pakisabi sa kaibigan mo, salamat sa pag-indian sa akin.

Nagulat rin ata si Adik kaya sinubukan niya din sigurong kontakin si Abnoy. Again, nakita ko naman ang sincerity ni Adik sa pagpatch ng nadiskaril na pagkikita. Kaya lang bago ko pa nareceive ang paliwanag ni Abnoy kung bakit hindi siya nakarating, kaalis lang nang bus na sinasakyan ko. Sinubukan naman niyang magpaliwanag. Natuwa naman ako kahit hindi ako sigurado sa mga paliwanag niya. Pero kahit paano masaya naman ako kasi nag-eeffort naman siyang magtext nang mahaba-haba dahil nagpapaliwanag siya. Paliwanag niya, nakatulog daw siya kaya hindi niya narinig mga tunog ng celpon niya ng tinitext ko.

Inaaya nila akong bumalik. Pero nakaalis na nga ang bus eh. Wala naman kami sa movie na kahit nakaalis na ang bida papatigilin ang bus dahil dumating ang prince charming niya. Tapos magyayakapan sila at magpapalakpakan ang mga taong nasa bus na binayaran ng tagbebente pesos para maging extra. E kaso, hindi ako bida. Ang totoo niyan pareho kaming bida sa sarili naming mga pelikula…ang totoong buhay…

Kaya tuloy-tuloy ako sa pagbabalik. Tinatawagan ako ni Adik at nakikipag-usap tungkol sa nangyari. Masama ang loob ko, oo. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Nagagalit ako, oo. Napakaplastic ko naman kung sasabihin kong okay lang sakin ang nangyari. At mas lalong hindi ko alam kong tooo ang paliwanag niya. Ang maliwanag lang sa akin, kelangan kong bumalik para kahit paano maibsan ang bigat kong nararamdaman.

Alas sais na nang marating ko ang bayan ni Maldita. Kumain lang ako sandali saka nagpaalam. Sumakay ako sa bus na daladala ang pagkaing pinadala nang nanay ni Maldita kasabay ng sama ng loob ke Abnoy.

Quarter to nine ako nakarating ng Iloilo City. Pero hindi pa dun ang bahay ko. Malayo pa ang bayan naming. Kinailangan kong humabol sa last trip. Sa kabutihang palad ang last trip ay eksaktong alas diyes umalis. At sa muli naghintay na naman ako ng halos isang oras. Alas onse na ang gabi ng marating ko ang bahay namin.

At dahil napakaswerte kong tao, brownout nang dumating ako. Gusto kong magpatiwakal para matapos na lahat ng kamalasan sa buhay ko. Kaya lang naisip ko, Kelangan ko pang isulat ang experience ko na ito…

Kaya ipinagpaliban ko na lang ang pagpapatiwakal sa ibang araw….

KADIRI

Ang buhay parang muta.
Minsan madikit, dahil kelangang kumapit sa mga taong naniniwala sa kakayahan mo.
Minsan maputik, dahil kelangan nating magkumpol-kumpol ng mga disisyon sa mga problemang buhol-buhol.
Minsan naman mamasa-masa, dahil kelangan ng mga luhang diligan ang mga pusong uhaw sa pagmamahal at mga natutuyong pangarap.
Minsan mabaho, dahil kelangan na tayong tumawag ng pansin ng iba.
Minsan naman patapun, dahil wala ng silbi ito. Kelangan ng tanggalin sa mata’t hindi na kapakipakinabang.
Maligayang paglalakbay ng kasuklam-suklam na buhay.
Kasabay ng mga muta mong kadiri man ay minsan nagpapaalala sa atin kung gaano dapat natin pahalagahan ang ating karindi-rinding buhay.