Thursday, December 25, 2008

AMA NAMIN

(Tatlong Kwento ng mga Ama sa Mata ng Kanilang mga Anak)

Paano ba tinitingnan ng isang anak ang kanyang ama? Siya ba ang taong tinatakbuhan ng mga anak pag sila’y nangangailangan? O siya ba ay ang taong parating wala sa isang tahanan at iniiwan sa kanilang mga asawa ang kanilang mga anak? Siya ba ang taong naging dahilan kung bakit nabigyan ng buhay ang isang anak? Ang mga susunod na kwento ay hango na naman sa isang totoong buhay ng tatlong mga anak at inilalarawan nila ang kani-kanilang mga ama sa pamamagitan ng kanilang mga nakikita. Titingnan natin kung paano napagdugtong-dugtong ng panahon ang tatlong mga anak na ito na pilit naghangad ng isang ama.

Lunes…

Sa isang maliit na kainan malapit sa isang eskwelahan, duon nakaupo sa isang mesang pandalawahan ang dalawang tao. Isang trenta anyos na lalaki at isang desisyete anyos na babaeng estudyante. Tatawagin nating Daduz ang lalaki dahil yun tawag sa kanya ng batang babae. Tatawagin nating Belle ang batang babae. Belle, isang karakter sa fairy tale, ibig sabihin ay beauty.
Si Belle nagkukwento sa kanyang Daduz. Isang kwentong sana sa ina’t ama sinasabi. Ngunit hindi magawa ni Belle. Sa kadahilanang takot ang batang babae malaman ng ni isa sa pamilya niya ang tungkol sa kanyang pakikipagboyfriend. Iba ang religion nila Belle sa lalaking napili niya. Sa tradisyon ng pamilya nila, ang lalaki’t babae dapat ay magkapareho ng paniniwala ng sa gayun ay magiging matiwasay ang kanilang pagsasama. Pero hindi naniwala duon si Belle. Ayun sa kwento ni Belle hindi rin ganun ang nangyari sa mama niya. Siya at ang kapatid niya ay bunga ng isang malaking pagkakamali. Sa tradisyon uli ng religion nila naniniwalang tama ang arranged marriage. Kaya ang mama niya pinakasal sa isang lalaking hindi nito minsan at ginawang mahalin. Ngunit dahil sa reputasyon ng pamilya pinilit nitong makipag-ayos. Ngunit ang reputasyon ding iyon ang nagbuwag ng isang pagsasama. Kaya naiwan si Belle at ang kapatid nito sa kanyang ina. Ang kanyang ama nagpakasal sa iba at meron din itong mga anak.
Para maitaguyod ng maayos ang kanilang pamilya nag-asawa muli ang kanyang ina – na siyang kinikilalang ama ngayon ni Belle. Totoong walang anak ang kanyang ina sa bagong asawa ngunit masyadong mahigpit ang pamamalakad ng kanyang ama-amahan sa kanila. Hindi naging madali para sa isang nagdadalagang anak na wala sa piling ng tunay na ama. Paano niya maiintindihan ang pagpoprotekta ng kanyang ama-amahan sa kanya gayung alam niya na hindi ito magiging bukal sa sarili?
Kung ilang beses naghanap ng pagkakataong maintindihan ang isang nagdadalagang anak. Kinailangan niyang magsinungaling na sumali siya sa isang beauty contest. Kinailangan niyang magsinungaling na sumama sa kanyang mga kamag-aral sa isang outing. At sa muli kinailangan niyang magsinungaling na may boyfriend siyang hindi magkatulad ang kanilang paniniwala.
Paano ba ang isang Belle mabubuhay ng normal kung napapalibutan ito ng pader ng paniniwala? Paano ba ang isang Belle maniniwala sa isang kautusan kung nakita na niya ang epekto nito? Siya na naging biktima ng isang arranged marriage. Siya na biktima ng isang paniniwalang panrelihiyon. Masisi ba niya ang ama kung bakit sila iniwan? O masisi ba niya ang taong binigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng ama muli?
Para sa isang Belle na naghahanap ng isang isang ama. Nandun si Daduz niya para alalayan siya sa isang bahagi ng kanyang buhay.

Martes…

Sa isang faculty room tumunog ang message tone ng isang cell phone. May lumapit sa isang N76 model na gadget at binuksan. Binasa niya ang text message. Bitbit ang cell phone bumalik ang lalaking iyon sa kanyang kinauupuan at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Maya’t maya may dumating na isang disesyete anyos na batang lalaki. Lumapit sa taong nadun sa room na iyon at umupo sa tabi niya. Ang batang lalaki, tatawagin nating Lumiere. Ibig sabihin tagadala ng candelabrang punung-puno ng kandilang nakailaw. Nabibigay liwanag at magdadala sana ng liwanag sa buhay at isip ng ibang tao. Ang taong nilapitan niya, tawag niya ay Sir.
Si Lumiere, nang makaupo ay nagsimulang magkuwento. Isa siyang anak ng isang OFW. Panganay sa apat na anak. Nakatira sa bahay ng kanyang lola. Me sarili silang bahay ngunit ayaw niyang pumirmi duon. Sa totoong bahay nila, nanduon ang kanyang ama. Walang permanenteng trabaho, at nakadepende ang buong buhay sa kaniyang ina na kumakayod sa ibang bansa. Ang ina niya rin ang tumataguyod ng kaniyang pag-aaral. Ang ina din nya ang taong inspirasyon niya upang ipagpatuloy at pagbutihin ang kanyang pag-aaral. Para matulungan din ang kanyang sarilli at ina, minsan ay sumasama siya sa kanyang tiyahin sa kanilang catering business.
Ang kaniyang “dakilang” ama ay walang ginawa kundi maghintay ng rasyon ng kanyang ina. At higit sa lahat wala man pangalawang pamilya ang kaniyang ama, meron naman itong mga anak sa labas.
Si Lumiere sa murang edad ay naging saksi kung paano umikot ang buhay ng kanyang ama. Sa murang edad ay nakita niya kung paanong ang isang tao ay hindi natuto sa bawat taon na dumadagdag na kanyang edad. Sa murang edad ay natuto siyang magalit sa kanyang ama. Nakikita man niya ang kanyang ama – parati at sa anumang oras niya gustuhin, para kay Lumiere mas ikakabuti pang hindi niya nakilala ang kayang ama.
Paano ba magiging isang mabuting ama sa hinaharap kung ang sarili mong ama sa kasalukuyan ay hindi nagbigay sayo ng tamang halimbawa? Paano ba maintindihan ang isang inang pilit na isinisiksik ang sarili sa kanyang asawang ni hindi siya binibigyan ng kahalagahan? Siya, si Lumiere, biktima ng isang maling pag-ibig. Siya ay biktima ng isang maling halimbawa. Masisi ba niya ang kanyang ama kung naging iresponsable ito sa kanila?
Para sa isang nagbibinatang anak na nagnanais na maging huwarang ama balang araw, ang paghahanap ng isang amang mag-aalalay sa kanya sa daan patungo sa magandang kinabukasan ay tapos na. Si Sir tutulong sa kanya upang buuin ang nasirang tulay ng pagiging ama dulot ng bagyong dala ng kanyang ama.

Miyerkoles…

Sa isang Internet Shop nakaupo ang isang tao at gumagawa ng kanyang blog. Lumapit ang isang binatilyong mga diseotso anyos. Malungkot ang mukha, tila may sasabihing alam niyang ikagagalit ng nilapitan niya. Ngunit naglakas – loob pa rin itong lumapit. Siya ay tatawagin nating si Cogsworth. Ibig sabihin, isang fantasy character ng orasan. Ang lalaking nilapitan niya ay tinatawag niyang Amay (ibig sabihin sa Hiligaynon Ama).
Si Cogsworth, lumapit sa kanyang Amay at humingi ng dispensa. Isang dispensa ng pagtanggi sa isang okasyon. Krismas parti ng mga kaklase kasama ang nag-iisang Amay nila. Wala siyang nakitang kakaibang reaksyon sa mukha ng kanyang kausap. Wala ring pagtutol sa mukha ng kanyang Amay sa kaniyang naging desisyon. Mas lalong wala rin halos ang atensyon ng kanyang kausap sa kanya.
Mula sa isang mahabang katahimikan nagsimulang mag-eksplika ang binatilyo. Siya, Cogsworth, anak ng kanyang ama. Lumaki siya na ang kanyang kasama sa buhay ay ang kanyang ama, at dalawa pang nakababatang kapatid. Walang ina na nasilayan ang isang Cogsworth. Ayun sa kaniyang kwento, maliit pa sila iniwan na sila ng kaniyang ina. Hindi na niya halos nakilala ang ina dahil sa ama na siya lumaki. Simula’t sapul galit ang nasa puso niya para sa ina.
Ngunit ang galit na iyon ay hindi nagtagal. Isang katotohanan ang gumimbal sa kanya. Mali man na iniwan sila ng kanyang ina, mas karumaldumal isipin na apat na taong lumipas ng umalis ang ina ay may kalaguyo na rin ang kanyang ama. Sa loob ng hindi kahabaang panahon inakala niya isang huwaran ang ama ay hindi pala.
May pangakong iniwan nuon ang kanyang ama na walang magbabago kahit may iba na itong pamilya. Ngunit hindi iyon nangyari, kagaya rin lang ng pangakong binitawan nuong umalis ang kanilang ina na hindi na siya mag-aasawa pang muli. Dalawang pangakong napako sa isang katotohanan-na siya, si Cogsworth, nabubuhay na walang inang nag-aalaga at walang amang gumagabay.
Paano ba aakuin ng isang anak ang responsibilidad na iniwasan ng isang ama? Paano ba makikihati ang isang anak sa atensyon ng isang ama? Siya si Cogsworth, biktima ng isang maling desisyon. Siya ay biktima ng isang pagkakataon na umaayon lamang sa ibang tao. Masisi ba niya ang kanyang ina kung bakit sila iniwan nito? Masisi ba niya ang kanyang ama kung bakit ito nag-asawang muli? Hanggang kelan matatapos ang kwento ng mga ulilang anak? Sa anong oras ba at panahon mangyayari ang isang pagkakataong hindi na kinailangan ni Cogsworth na makilimos sa pagmamahal at paggabay ng isang ama.
Para sa isang nagbibinatang humihingi ng pagkakataong mabuo ang pamilya niya, nahanap niya ang pagkakataong maunawaan siya sa isang ama-amahang tintawag niyang “Amay”. Si Amay ang naghihimuk sa kanya upang malagpasan ang dagok ng pag-aalinlangan.


Si Belle, si Lumiere, si Cogsworth. Tatlong anak na nagkwento at naglarawan ng kani-kanilang mga ama. Kung paano ang kanilang mga ama nakaapekto sa buhay ng kanilang mga ina. Si Daduz, si Sir, si Amay. Tatlong karakter ngunit iisang tao lamang. Siya ang nagdudugtung-dugtong ng mga kwento. At sinusubukang maging ama sa kanila.

Monday, December 15, 2008

Adventures of “Little Women”

The Prologue

“Little Women” is a novel written by Louisa May Alcott in 1868 – 1869. The story happened during the Civil War in the middle of the 19th century in New England, USA. It is about the March Family with four daughters namely: Meg, Jo, Beth and Amy. Meg, the eldest, is very beautiful and grown up to be elegant. Jo, the second daughter, is independent and wants to be a writer. Beth, the third daughter, is tenderhearted and delicate. But she died in the middle of the story. Amy, the youngest of the four, is tomboyish and precocious. She envies Meg. So, she imitates her ways as an elegant lady.

This story of the four women inspires me to write the adventure we had. We, Amy, Mich, Moon, and I, were like the four characters in the story of “Little Women”. We played a specific role in the adventure we made in a foreign land – the small island called Guimaras. Though people already been to the island but our adventure was never the same to any of them.

The story that follows is a story of the four Japanese girls, far away from home, and we call ourselves “Japanese Little Women of Neo”.

The Plan

When Amy (one of my friends in Neo who lived in China for 6 years) invited me to go to Guimaras, in all honesty, I was reluctant to accept. But she emphasized that this is the last chance to travel with Mich (my Japanese best friend in Neo, a former social worker) and Moon (one of my friends in Neo too who look like a little girl) because they are leaving for Japan in a week. So, I changed my mind and accepted her invitation. We planned immediately our trip to Guimaras.

The Rain, the Sea, the River, and the Boat

In the morning, Amy had a hangover. She, Mich, and I drank the night before. Maybe Amy drank too much, but she really wanted to go to Guimaras. Moreover, that day, the rain fell heavily and the wind blew strongly. We pressed our trip, however.

We left the harbor in Iloilo though the sea was rough. When arrived at Guimaras harbor, one of the resort staff picked us up. She took us by car about an hour. Then we were dropped off at the entrance of a river. We were really surprised because the boat was so small like a canoe. Since the rain fell heavily the night before, the river was so dirty and deep that makes heart beat fast. If we drop in it, we will die, certainly. In addition, the weather was stormy, so the boat waved rickety. But Moon and I enjoyed feeling the drift. Moon is cheerful like Amy of “Little Women”. Behind me, Mich was almost crying. She shouted for help. Mich was so scared she resembles Beth’s (of “Little Women”) cowardice. Moon and I were composed to take photos. Like Meg (of “Little Women”), Amy was still elegant in a wobbly canoe we’re in.

The Island, the Firefly, and the Lantern

Somehow we go in the small island. The servants met us at the inn on the lake. As soon as we arrived at the cottage, we fell asleep. We were so tired. The servant woke us up for dinner. His name was Ted. We ate dinner outside the inn at the early dusk.

While we were talking in our room after dinner, Ted brought us a lantern and informed us about fireflies. We were excited to see them. We rushed outside and saw the flitting fireflies in the dark night. There I said to myself ‘I’ve never seen fireflies as big and as many as these before!’ it was a romantic scene!

After that, we prepared to sleep hastily because we couldn’t let the lights stay on anymore after five minutes. The electric power of the island is very limited, so we had to talk with the light of a lantern. Amazingly romantic was the night, indeed!

The Beach, the Cave and the Raft

When we woke up the next morning, we expected that we could not go back to Neo that day because the weather was as boisterous as the other day. The waves ran high, and the rain came down in buckets. Actually, we were awakened by the sound of the storm. But it stopped raining toward noon, so we had a chance to play on the beach. Moon and I found a little cave. We tried to go into it. The cave was black a pitch, but we couldn’t find anything. We took photos at the entrance of it.

Ted suggested having lunch on a raft. We got on it and waited for other servants. But all of us got seasick. And we went back to our room and took a little rest. Moon and I felt sick, but Amy and Mich enjoyed floating on water in the beach.

The Car, the Wind, and the Sore

When the time of leaving the island came, we had to get on the raft again. We went half of the way; we had to transfer from the raft to the boat on the sea. Brave Japanese ladies transferred by turns. Mich, at that time, was ready for death and tried. All of us returned to the shore at last.

We had to drive for one hour to the harbor in Guimaras. Amy and I got on the carrier of the car. Truthfully, I was a little scared at first because the road was steep and bumpy. I felt like thrown off in the carrier. But I became accustomed to do that and enjoyed feeling the wind and seeing the view. Amy also looked delighted. Fortunately, the sun came out of the morning thick clouds. The scene was perfect!

Unfortunately, my hip got sore after I got off from the carrier.

The Epilogue

I decided to compose our memoir, like Jo (of Little Women), after I came back. I tried to recall all the things that happened to us in that two-day and one-night trip. It was one wonderful experience we had. That was one of the most remarkable trips we had while we were still together as students of Neo Language School in the Philippines. Like the story of “Little Women”, we, the Japanese ladies looked at each other as sisters. We met here in Iloilo for the will to learn English but we did not know we learned more from our experiences.

The heavy rain and the dull weather did not stop us from pushing the plan through. The anger of the sea, river and waves did not threaten us for we know we have each other. The shaking boat and the unstable raft did not terrorize us for we know one would definitely save the others. We were like fireflies in the dark, gloomy cave enlightening each other in the midst of danger and fear.

We, the “The Japanese Little Women of Neo”, will never forget this adventure-an adventure for life.

The Crossroad



This a story written by Karen, one of my Japanese students in 2007.





Daisy, a stray cat, and Hal, a pet dog, were good friends. They first met in one of the crossroads of their village. Since then, these two were always together. Daisy used to come to Hal’s house. They always had a good time.

But one day, Hal could nowhere to be found. Daisy looked for him.

“Where? Where is he?” she asks herself. She started to feel lonely at that time.

She looked for him desperately as if she won’t see him anymore for her dear life. “Won’t I meet him anymore?” and her eyes were flooded with tears. “No way!” she sobbed.

At that time, she was tired to move.

On the same crossroad where they first met, she stopped for a while to take a rest. Without her notice, a stray dog was also resting beside her.

“Why do you look so sad?” she spoke to Daisy.

“I’m looking for someone.”

The stray dog admonished. “I’m Olive. You don’t need to look for him. You already met him, right?”
Daisy could not understand her statement.

That night, Daisy dreamt of memories with Hal.

“I envy you,” he said. “You have freedom. You can go anywhere you like. You don’t have the master to dictate you where to go.”

But Daisy argued, “Don’t say that. You haven’t suffered hunger, have you? That is because you have the master who can take care of you!”

When she woke up, she regretted. “Why did I ever say so? If only I knew he would leave me, I’d never said those words to him.”

While she was remembering about him in the crossroad, she felt so sad. She wanted to apologize to him. She has many things to give him. His absence made her sorrowful.

“You seem brood over your failure,” Olive appeared and stole a curious look. “I know your feeling because I also have an experience like you,” she began to talk about her past. “I was a pet dog until my master died. He was not only my master but also my friend.” Olive was musing about her past memories. Daisy also reminisced about her good old days with Hal. She gazed mournfully to Olive.
By: Akiko Ishibashi (Karen)

“The worst thing friends can do is leaving. And we will never understand their importance unless they leave us.”

Olive smiled, “Friends never leave.” She continued, “My master said before he died, ‘Don’t feel lonely. We have shared bonds and memories together.’ Don’t you think that encounter with Hal is precious for you? Yes, he left but good memories with him remain. He may be far beyond our eyes, but he is close deep in your heart.”

Daisy thought of Hal under a starry sky. She closed her eyes and asked him in the air, “Are you happy now? If so, I am heartily glad of your happiness.” At that very moment, she decided to stop looking for him and went on her own way. She also stopped asking herself a question why Hal had to leave.

She left Olive and began to move a journey. She believed that one day she will meet him again on a crossroad.

How many crossroads does she need to pass before she meets him again? Or, will they be given another chance to meet again?

Tuesday, December 9, 2008

Tatlong Babae, Tatlong Kwento ng Pag-ibig

Ano ba ang pag-ibig para sa isang tao? Bakit may pagkakataong magkakahawig ang mga kwento ng ilan? Itong kwentong ibabahagi ko sa inyo ay kwento ng tatlong babaeng may iba’t ibang karanasan, ngunit nauuwi lahat sa isang pakikipagsapalaran ng puso. Mga pusong nais magmahal at mahalin.

Ang Kwento ng Babaeng Puno ng Puso

Tatawagin natin ang babaeng ito sa pangalang Aphrodite. Siya ay isang simpleng babae. Katamtaman ang pangangatawan, ang taas, at ang ganda. Isang masigasig na estudyante. Hindi man nagunguna sa klase, hindi naman pahuhuli. Siya ang tipo ng babaeng hindi mo aakalaing mamahalin ng isang mabait, matangkad,matalino, mayaman at higit sa lahat gwapong lalaki. Tatawagin natin ang lalaking ito sa pangalang Achilles. Hindi dahil siya ay isang magiting na warrior at anak ng diyos-diyosan kundi magiting na mangingibig at anak ng may de-kalibreng pamilya. Literal na may kalibre. Ama lang naman niya ang namumuno ng isang Security Agency. Si Achilles sa simula ay kaibigan or matalik na kaibigan ni Aphrodite. Mga ilang taon din sila sa ganitong sitwasyon. Inaalalayan ni Achilles si Aphrodite sa lahat ng bagay. Tinitext araw-araw, gabi-gabi. Tinatawagan mula umaga hanggang sa susunod na pagbukas ng bukang liwayway. Pinapayuhan, pinapapaalalahanan, inaalam kung kumain na siya, nakauwi na siya sa kanila, kung nakapagalmusal, tanghalian, o hapunan na siya. Naipakilala na ni Aphrodite si Achilles sa pamilya niya. Ganun din si babae sa pamilya ni lalaki.

Kinikilatis ni Achilles bawat lalaking lumapit kay Aphrodite. Minsan nagkasakit si Achilles, nais niyang bisitahin siya ni Aphrodite. Para maipakita ang concern ni babae, pumunta rin ito at inalagaan. Sa tuwing hinahawakan ni Achilles ang mga kamay ni Aphrodite, ramdam ni babae ang init ng pagmamahal na nagmumula sa kaibuturan ni lalaki. Isang paglalambing ‘ika nga ni lalaki. Ngunit ang lambing na iyon ay hindi lamang nagtatapos sa isang hawak; nariyan ang paminsan-minsang pag-akbay; manaka-nakang paghawak sa balikat na nauuwi sa yapusan. Ang mga bagay na iyon ay nagbunga ng isang maliit na “spark”. Isang maliit na “spark” na naging sapat na dahilan upang malaman nilang mahal nila ang isa’t isa hindi lang bilang kaibigan. Kundi higit pa sa pagiging magkaibigan. Pagmamahal na hindi maaring ipagyabang at ipagkalat.

Ni halos ayaw nilang aminin sa isa’t isang nagmamahalan sila. Dahil sa may kung anong bagay na pumipigil sa kanila upang pagyabungin ang pagmamahalang yaon. Hindi dahil matalik silang magkaibigan. Hindi dahil ayaw nilang masira magandang simula ng kanilang pagkakaibigan. Kung hindi, si Achilles ay may minamahal na ding iba. Si Venus. Mas nauna sa buhay ni Achilles na maging kasintahan. Isang lehitimong kasintahan. Alam ng mga kaibigan nila, alam ng pamilya nila, alam ng buong madla, at mas lalong alam ni Aphrodite.

Ngunit paano ba pipigilin ang isang nag-aalab na damdamin? Damdaming nag-aapoy mula sa puso ng dalawang nagmamahal na pilit na iwinawaksi ngunit nakadikit sa kailalimlaliman. Paano ba kakayanin ni Achilles ang mahalin ang dalawang babae ng sabay? Paano kakayanin ni Aphrodite ang isang bawal na pag-ibig? Paano niya sasabihin sa kanyang mga kakilala na ang iniibig niya ay pag-aari na ng iba? Paano niya aaminin sa sarili niya na ang kanyang minamahal ay may mahal ding iba? Paano niya malalagpasan ang hamon ng pagpigil sa sariling damdamin na mahalin ng labis ang matalik niyang kaibigan. Kaibigang espesyal. Kaibigang ayaw siyang mawala sa tabi niya pag wala si Venus. Isang kaibigang sa maraming minsan ninakawan siya nito ng halik. Isang kaibigang minahal niya ng labis.

Sa kabilang banda, paano tatanggapin ng isang nagmamahal ang kanyang minamahal ay may mahal ding iba? Paano niya susugurin ng sampal ang babaeng pinuproteksyunan din ng mahal niya. Paano matatanggap ni Venus ang katotohanang dalawa sila sa buhay ni Achilles.

Kawawang Venus, niloloko lang ng kanyang sinisinta. Kawawang Achilles, biktima ng pag-ibig na nahahati sa dalawa. Kawawang Aphrodite, naiipit sa gitna ng pag-ibig at pag-aalinlangan. Si Venus, ipinagtatanggol ni Achilles sa harap ninuman. Si Aphrodite ipinagtatanggol lamang ni Achilles sa karimlan.

Si Aphrodite, isang aninong mangingibig lamang, nagtatago sa kabihasnan…

Ang Kwento ng Babaeng Tagapagtanggol ng Kaalaman

Tatawagin natin ang babaeng ito na si Athena. Isang babaeng maganda, matalino, at may ipinaglalabang prinsipyo. Ang babaeng punong-puno ng wisdom. Siya ang babaeng kayang-kayang itago ang totoong nararamdaman. Madalas ay naikukubli niya ang totoong emosyon sa kanyang mga tawa at ngiti. Isang palabiro, masayahin, mahilig kumain at ang tanging kaligayahan sa buhay ay tumulong. Opo, tumulong!

Tumulong sa kanyang mga kapwa mag-aaral. Na minsan ay napagkakamalan siyang masyado siyang nagmamarunong. Tumutulong din siya sa kanyang mga guro. Na minsan ay napagkakamalan siyang sipsip. Tumutulong din siya sa kanyang mga kaibigan. Na minsan ay napagkakamalan siyang masyado kung makialam. Pero magkaganun pa man ay natatayo pa rin niya ang kanyang sarili at ta-as noo pa rin niyang nilalabanan ang anu mang dagok na dumarating sa kanyang buhay. Oo, kinakaya niya lahat. Aniya, pangalawang pagkakataon na niya ito sa kolehiyo. Tapos na siya ng Komersyo, ngunit nais pa rin niyang maging magaling na chef. At kahit anong init ng kalan pilit niyang nilalabanan. Kahit anong lamig ng yelo pilit niyang sinisisid makuha lang ang tamang timpla.

Ngunit sa isang banda, may isang laban si Athena na hindi niya matalo-talo. Parang isang mainit na kawa na puno ng mantika; pumuputok-putok tila sinusunog ang kanyang kalamnan. Parang isang galong frozen iced tea, nais na i-freeze ang kanyang damdamin. Ang laban na iyon ay patungkol sa isang pag-ibig. Opo, PAGIBIG! Pag-ibig sa isang lalaking mayroon nang komitment sa buhay. Hindi lang talaga tiyak kung anong klaseng komitment meron siya. At tatawagin natin ang lalaking ito na si Bacchus. Si Bacchus tinuturing na matalik na kaibigan ni Athena. Si Athena tinuturing din na matalik na kaibigan ni Bacchus. At maraming role ang ginagampanan ni Athena sa buhay ni Bacchus: hingahan ng sama ng loob ni Bacchus; tagagawa ng kanyang mga assignments, projects, at kung anu-ano pa. Paminsan-minsan ipinagluluto nito ng kung anu-anong pagkain. Kinakaibigan din ni Athena ang mga kaibigan niyang mga lalaki.

Sa paningin ni Athena mabait, magalang, matalino, may sense kausap, at higit sa lahat malinis sa katawan itong si Bacchus. At marami itong mga kaibigan. Ngunit habang tumatagal sila sa ganung set up, pinilit ni Athena alamin ang komitment nito. Ito ay komitment niya sa isang babae! Tawagin natin siyang Cassandra. Si Cassandra, isang babaeng nasa larawan lamang ng isipan ni Athena. Babaeng ni minsan ay hindi niya nakita. Nakilala lamang niya sa mga kwento ni Bacchus. Ayon sa kwento, hindi totoong may komitment si Bacchus kay Cassandra. O mas mabuting sabihin natin na hindi absolute ang komitment ni Bacchus kay Cassandra. Sabi nga ng mga malapit na kaibigan ni Bacchus, Cassandra is just a friend with benefits. Na matindi namang pinaniniwalaan ni Athena.

Ngunit umabot sa puntong si Athena nakatanggap ng text message mula kay Cassandra gamit ang cell phone ni Bacchus. Doon nagsimulang maging magulo ang pakikipagsapalaran sa pag-ibig ni Athena. Dahil matalino at ayaw masabihang nagpapakabobo sa pag-ibig, nagdisisyon ang diyosa na magdistansya kay Bacchus. Na siya namang tinututulan ni lalaki. Ayaw niya ng ganun. Gusto niya nandun ang si Athena sa paligid niya. Ngunit buo ang loob ni Athena na umiwas. At ang masaklap na katotohanan na gumigimbal kay Athena ay; sa bawat hakbang na ginagawa ng katawan niya papalayo kay Bacchus, dalawang hakbang naman pabalik ang humahatak sa kanyang puso pabalik.

Mahirap. Masakit. Mahirap dahil hindi alam ni Athena kung paano labanan ang isang taong hindi niya kakilala. Masakit dahil hindi niya alam kung may pagmamahal nga ba sa kanya si Bacchus. O kung may pagmamahal pa bang natitira sa puso niya.

Si Athena isang paru-paro, hindi kayang lumipad dahil tinatangay ng malakas na hangin…



Ang Kwento ng Babaeng May Matinding Kapangyarihan

Tatawagin natin ang babaeng ito sa pangalang Hera. Babaeng makapangyarihan. May nakapatong na korona sa ulo. Isang magiting na tagapagtanggol ng kanyang nasasakupan. At ang kanyang kaharian ay ang Panitikan. Siya ay ang babaeng punung-puno ng katalinghagaan. Ang kanyang mga salita tila isang musika. Ang kanyang mga balarila ay parang isang awit ng panghele sa isang sanggol. At magbibigay ito ng himbing sa kanyang pag-idlip. Siya ang babaeng may korona ng kadakilaan sa Literatura. At Literatura din ang magbibigay sa kanya ng sakit na mararanasan.

Katulad ng isang simpleng kabataan nuong kanyang kapanahunan, natuto rin si Hera maghanga sa kabilang kasarian. Bata at alipin ng kapangyarihang bumabalot sa kanyang katauhan, pilit nilabanan ni Hera ang tukso ng kamunduhan noong mga panahong hindi kalayuan. Nairaos niya ang kolehiyo na may makulay na katapusan. Nakipagsapalaran siya sa totoong mundo ng sangkatauhan at hindi naman siya binigo ng kapalaran. Naging maganda ang pakikitungo sa kanya ng lahi ni Adan.

At si Hera naglakbay mula sa panitikan hanggang sa totoong mundo, marami na ring naging karanasan. Kahit sabihin natin na siya’y may magandang kinaluklukan sa trabahong pinili, may kung anong kulang sa kanyang pagkatao. Duon nagsimula siyang maghanap ng bagay na aangkop sa kung anumang puwang sa kanyang katauhan. Minsan sa kanyang paghahanap, natisod siya at nakakita siya ng tala. Akala lang niya tala hindi pala. Isang lalaki ang kayang minulatan. Lalaking may kung anong pintig sa kanyang puso hanggang sa kaibuturan. Ah, ang lalaking iyon pala ay si Zeus. Si Zeus, mas makapangyarihan, mas dakila, at para kay Hera may mas malaking puso para sa nakakarami. Para kay Hera, si Zeus ay diyos ng mga hindi masyadong biniyayaan ng swerte. Kaya’t laking paghanga ang umiral sa puso niya ng malamang isang volunteer group member itong si Zeus. Pumupunta sila sa mga liblib na pook at doon ibinabahagi ang kung ano mang kaalaman na pwedeng maging ugat ng pag-asenso.

Doon umusbong ang isang pag-ibig na dati nang naramdaman ni Hera para kay Zeus. Dati pa nuong sila’y kolehiyo. At sa muli nilang pagkikita ay bigla na lang naramdaman ni Hera ang dagliang pagbukadkad ng pag-ibig sa kanyang puso para kay Zeus. Ang dating wala halos ngiti ay naging malarosas sa ganda. Lalo pa’t matamis ang dila ni Zeus. Isang hari ng panitikan si Zeus. Ano pa ba ang iisipin ni Hera? Bagay sila. Si Zeus ang Hari, siya ang Reyna.

Ngunit unti-unting nararamdaman ni Hera ang malayong damdamin ni Zeus. Naging masyadong abala si Zeus sa maraming bagay. Ang mga taong nangangailangan sa kanya, ang mga kaibigan, ang mga librong kinababaliwan. Bagama’t alam ni Hera na parang parati lang siyang pumapangalawa sa mga prayoridad ni Zeus, hindi ito naging dahilan para mag-isip siya nang kung anu-ano. Bagkus naging tapat pa siyang tagapaglingkod ni Zeus. Dahil siya ay alipin ng pag-ibig ni Zeus. Ang reyna isinuko ang koronang suot suyuin lamang ang puso ng minamahal.

Sa bawat pag-ibig laging may kaagaw o kahati. Si Hera ang kahati sa atensyon ni Zeus ay si Hades. Si Hades ay matalik na kaibigan ni Zeus. Kasamahan sa grupung kinasapian nito. Nung una hindi alintana ni Hera ang pagiging matalik nilang magkaibigan. Ngunit habang tumatagal naging palaisipan kay Hera ang pagiging concern ni Zeus kay Hades. Lalo na nang magkasakit ito. Ayaw ding maging masama ni Hera.

Pasensya man ay isang bukal na patuloy sa pagdaloy, nanunuyo rin pagwala nang tubig na panggagalingan. Tuyo’t na ang pag-asa ni Hera na mapansin ng may katotohanan ang kanyang nararamdaman.

Si Hera, isang diyosa ng panitikan, nasa kalangitan man, natatabunan ng kumpul-kumpol na kaulapan…

Si Aphrodite, si Athena, si Hera. Tatlong Babae. Tatlong makapangyarihan, ngunit alipin ng pag-ibig.

HINDI AKO MABAIT!

Hindi ako mabait. At mas lalung hnid ako santo. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Bakit ako magiging apektado sa sasabihin ng iba? Marami daw nasasaktan sa mga sinabi ko. E nagsasabi lang naman ako ng totoo.

Kapag sila magpakita ng totoo nilang nararamdaman, hinahayaan ko lang. pinababayaan kong gutay-gutayin nila at durug-durugin ang aking wasak ng pagkatao.

Pero bakit pag ako naghiganti sa kanila, nagagalit sila. Lumalabas in the end ako ang may kasalanan. Well, sa isip ko insecure sila. Teka, ang tanong ano ba ang dapat nilang ikainsecure sa akin? Helo? Isa lang akong simpleng tao, simpleng likha ng Diyos, na may simpleng hangarin sa buhay at may simpleng kaligayahan.

Pagiging simpleng tao?

Wala akong kiyeme at arte sa katawan. Walang relo, walang alahas, old-fashioned ang cell-phone, gasgas ang sapatos, gasgas ang tsinelas. Oo, nagtatie ako! Pero, helo? Uniform kaya yun… pagnakacivilian ko; t-shirt, shorts, tsinelas at sombrero (baseball cap) lang solve na ‘ko. Siyempre dapat nandiyan ang aking walang kamatayang backpack at may bitbit pang tuwalyang pamunas ng pawis at sipon. Kaya nga ako nasita one time dahil pumunta ako sa skul ng “NAKACIVILIAN”. Akalain mong sinita ako Friday, wala akong pasok at take note past 6 pm na. Wala naman akong balak mag overnight duon. Nagdrop by lang ako para kunin ang laptop ko. It just happened na inantay ko ng sampung segundo ang nag CR kong kasamahan. Well, the scolding line was :”#$%%&^%*(pangalan ko kunwari) next time do not come into the skul with your tsinelas and shorts. You don’t look DECENT in that attire.” Siyempre naalimpungatan ako. Bakit kasi ang salitang ginamit eh, DECENT! As in negative ng DECENT! In other words INDECENT! Wow ha! Syempre sinagot ko naman na: “*&^%$#@! (pangalan niya) ibig mong sabihin mukha akong POKPOK? Baka ibig mong sabihin UNPROFESSIONAL? ”

Well, whatever yaya. I don’t care whatever the exact word should be. The bottom line that “scolder” wanted to tell me is, hindi raw ako karespe-respeto. Again in all capital letters KARESPE-RESPETO! How nice! Sino kaya sa amin ang hindi KARESPE-RESPETO: ang taong nakikijam nang pagsisigarilyo sa mga estuyante anytime of the day o ako na nagsuot ng shorts at t-shirt sa skul past six na nang gabi at wala pa akong duty ng araw na iyon para mag drop by lang ng laptop ko? Kayo na ang humusga. Whatever yaya!

Pagiging simpleng likha ng Diyos?

Oo. Napakasimple kong nilikha ng Diyos! Ika nga eh, isang simpleng obra maestra ng Diyos. Simple lang ako kasi wala akong masyadong iskedyul sa pagsimba. In other words, hindi ako OA sa pagkareligious. Well, no offense sa mga daily mass attendees. Sorry. Peace tayo. Hindi sa tinatamad ako, kundi siguro kulang ako sa motivation. O di kaya eh kulang ang time ko para magsimba. Pero kanina may naginterview sa akin na mga students. Assignment daw nila sa Communication Skills subject nila. And my question goes this way: (hehehe) “What is the first thing that you do when you wake up in the morning?” Syempre shocked ako! Alam mo yung feeling na para kang contestant sa Ms Universe. Starstruck ka sa mga tanong. Takot ka na baka ka “mabackstroke” sa sarili mong sagot. Siyempre in a split of a second nag-isip ako. (Kahit kokonti na lang ang utak ko, dahil naagnas na sa sobrang init ng Pilipinas, hehehe) At ang naisagot ko in straight forward manner at hindi halatang scripted ay: “The first thing I do in the morning before everything, before brushing my teeth, before facing the mirror, before removing the ‘muta’ in my eyes, is to pray”(Clap naman diyan!)O perfect di ba? Pero may dagdag pa yan. And it goes this way: “The last thing I do before I sleep and the first thing I do in the morning is to pray. Wanna know what I pray for? To thank God for giving me another brand new day, brand new challenge, brand new life to live on.” Palakpakan uli sila ni Fritz.”

Oo. Totoo. I pray at night and in the morning. Pero ito pa. kailangan niyong tumambling sa isa ko pang kuwento. One time kami naman ni Joemar ang magkasamang pauwi. Gabi na. Mga bandang alas nuebe na nang gabi. E hindi pa ako nagdodorm nun. Habang nag-aabang kami ng masasakyan, biglang may pumarang sasakyan sa di kalayuan. Tumakbo si Joemar papalapit duon. Maya’t maya tinawag ako ni Joemar. Nakihitch kami sa sasakyan ng tiyuhin niya. Bingo! Iba talaga pag may pananalig sa Diyos. Pero bago ako makababa nuon, tinanong ako ng may-ari na siya ring drayber ng, “Sir, do you know Jesus?”

Siyempre shocked na naman ako. Wow! Naisip ko , what a question. Wala akong maisip na sagot sa mga sandaling iyon. Nablangko ako at hindi ko namalayang sumagot ako ng “YES”. Dali-dali na sana akong bababa ng biglang sinundan niya ng isa pang tanong na, “Then who is Jesus?” Gusto ko nang magfreak out. Sana sinabi ko na lang hindi para wala nang tanong-tanong pa! Pero dahil nakihitch lang kami, therefore I conclude, magtodo project ako para hindi naman mapapahiya ang lolo mo. Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis at sabay nag-isip. Pero walang nakarehistro na sagot sa aking memory chip. Para akong nagsuffer nang temporary loss of memory. I was simply trapped in a rib cage. Buti na lang nadun ang guardian angel ko at may ibinulong siya sa akin. And I answered franctically without hesitation pero cool na cool ang dating with matching poise, bearing and projection plus proper diction and delivery na:

“Tita, Jesus is my savior.”

Panalo ang ninong mo! Palakpakan na naman uli dapat. Nagulat din ako sa sinabi ko. Pero mas nagulat ako sa reaction niya pagkatapos na pagkatapos kong sumagot. Napasigaw siya ng, “Alien! Praise The Lord!” Natuwa naman ako na naapreciate niya ang sagot ko. O di ba? Simple lang akong niliha ng Diyos. Kahit wala sa itsura ko at sa aura ko ang pagiging relihiyoso, lalung – lalo ang aking malisyosong pag-iisip at matabil na mga labi, idagdag mo pa ang aking mga makamandag na mata at nakakatetanung dila, pero paminsan-minsan relihiyoso din ako. Lalo na pag nagigipit ako!

Ako ang taong may simpleng hangarin sa Buhay!

Bakit ‘kamo? Dahil simple lang ang gusto ko sa buhay. Ayoko ng marangyang buhay. Kasi natatakot akong maholdap. O di kaya’y makidnap at hihingan nang ransom money ang pamilya ko. Ayokong magkakotse kasi takot akong magmaneho. Ikaw ba nama ang reregalohan ng color blind na mga mata, anong gagawin mo? Ayoko nang maraming damit. Hindi ako marunong maglaba at mamalantsa. Ang totoo alam ko rin tinatamad lang ako. Ayoko magkaroon nang malaking bahay. Tinatamad din akong maglinis. Gusto ko lang ang simpleng buhay. Walang kaaway. (Dahil walang pumapatol sa akin.) walang maraming girlfriend. (O baka boyfriend?) Walang maraming magulo sa buhay ko. Nais ko lang ay ibahagi sa mga kabataan ang aking mga walang kwentang kaalaman ng sa gayon ay masasabi din nila sa kanilang mga sarili na kakaiba ako. Indi dahil sa magaling na magaling ako kundi dahil sa naging parti ako ng buhay nila. Sa maigsi gusto ko lang magturo. Gusto kong maiahon ang kanilang papalubog na kaisipan. Gusto kong iangat ang kanilang kaalaman mula sa tradisyunal patungo sa makabagong teknolohiya. Gusto kong maging outspoken sila nang marinig naman ng lahat ang boses nila (kahit pangit itong pakinggan). I want them to enjoy their college life. I want to share laughters with them. I want to be part of their struggles to get the degree they want. I want to be complete.(Commercial muna!) kaya dapat panindigan ko kung ano man ang nasimulan ko. At iyon ay ang pagiging guro, teacher, mentor, educator, trainor, tutor at kung anu-ano pang tawag sa mga taong bumabahagi ng kanilang kaalaman (kung meron man o kung may kabuluhan man) sa mga kabataan. Yun lang ang gusto ko. Yun lang ang aking simpleng hangarin sa buhay. In other words, “Man, I just simply love teaching.”

Simple lang din ang kaligayahan ko.

Kagaya ng hangarin ko, ang kaligayahan ko ay ang makita ang mga estudyante kong maggrow. As in GROW. Hindi lang grow up, ha! Hindi din sudden growing. Yun bang pasasalamatan ka nila hindi dahil tinuruan mo sila hindi lang tungkol sa lesson nila sa araw na iyon, kundi tinuruan mo din sila kung paano tawirin ang nagbabadyang alon ng kanilang buhay sa araw-araw na lumipas. Yun bang pagkausap mo sila, pasasalamatan ka nila dahil nandun ka para makinig sa mga hinaing nila sa buhay. Hindi rin dahil may gagawin ka( kunwari babayran mo ang tuition nila) kundi dahil alam nila na nandun ka para damayan sila. Magpapahid ng luha. O di kaya’y sabayan siyang kumain o uminom. O di kaya’y sabayan siyang magdisco. Wag lang mag druga. Masama yan.

At pagkatapos ng ilang taong pagsasama ninyo, gagradweyt sila, magdedepart kayo from one another. Magtatrabaho sila; magiging propesyunal din sila katulad mo. Pero mas mararamdaman mong mas masarap namnamin ang mga salita nilang “Sir” kapag tapos na sila. Kasi duon mo marerealize na, these people nung panahong nag-aaral pa sila, napipilitan lang silang tawagin kang “sir” dahil baka i-fail mo sila. Pero pag tapos na sila wala ng dahilan. Wala ng behavior, quiz, attitude at grade na basehan. Pero tinatawag ka pa rin nilang “sir o mam”. Dahil yun na ang nakasanayan nila. Iyon na ang gusto nilang itawag sayo. Iyon na ang respeto nila sa yo. Dahil nakita na nila ang dahilan para respetuhin ka nila. Alam na nila ang dahilan kung bat mo sila minumura-mura nuon. Alam na nila ang dahilan kung bakit mo sila sinisigaw-sigawan at pinagagalitan nuong araw. Dahil iyon ay para sa kabutihan nila. Wala kang gagawin na ikapapahamak nila. Dahil alam mong sa bawat dapang ginawa nila ay kabiguan sa iyong parti. Kayat ayaw mong maging isang talunan ang bawat isa sa kanila sa gubat ng pakikipagsapalaran.

Yan lang ang kaligayahan ko. Simple lang dahil simple akong tao.

At higit sa lahat hindi ako mabait! Simple ako, oo, pero hindi ako mabait! Bow…

PARA SA ISANG KAIBIGAN

Ano ba ang isang kaibigan?

Siya ba ang kasa-kasama mo sa trabaho?

Siya ba ang taong kakilala mo ng maraming taon?

Siya ba ang taong di nakakalimot magpadala ng text messages na kung anu-ano?

Siya ba ang taong pwede mong mauutangan pag nagigipit ka?

Siya ba ang taong tumatawa ng malakas pagnagpapatawa ka?

Siya ba ang taong kasa-kasama mong magshopping pag nababagot ka?

Siya ba ang taong ni kelan man ay hindi ka pinagsasabihan ng masasakit na salita?

O di kayay…

Siya ang taong hindi mo lang kasama sa trabaho kundi handang tumulong sayo at kinakayang saluhin ang mga responsibilidad mo maibsan lang ng konti ang iyong hirap.

Siya ang taong hindi mo kakilala ng maraming taon, kundi kilalang-kilala mo ang kanyang panlabas at panloob na katauhan. Alammo ang takbo ng kanyang isip, memoryado mo ang kanyang mga kilos, at kalkulado ang kanyang nararamdaman.

Siya ang taong di lang nagtetxt sayo ng kung anu-ano, kahit hindi parati, ngunit alam mong iniisip ka niya at kasama ka sa panalangin niya.

Siya anfg taong hindi mo lang mauutangan ng pera kundi pwede mo ring mauutangan ng loob. Na hindi mo na kailangang sabihin sa kanya kung ano ang gagawin niya. Kundi kusa itong ibinibigay sayo ng walang kapalit.

Siya ang taong hindi lang nakikitawa sayo kundi masaya siya sa mga narating mo at mas lalo siyang naduon para damayan sa iyong hinagpis at kalungkutan.

Siya ang taong hindi mo lang kasa-kasamang magshopping, magliwaliw, at kumain sa labas; kundi ang taong kasa-kasam mo rin sa mga mahahalagang okasyon sa iyong buhay at espesyal na pagkakataon para ipamalas ang kanyang pagpapahalaga.

Siya ang taong hindi lang nagsasabi ng mga magaganda para i-“please” ka; kundi nakakapagsabi din ng totoo sayo ng harap-harapan dahil gusto niyang iparating sayo ng personal ang iyong mga kagagahan at kamalian.

Oo masakit ang makarinig ng katotohanan. Pero kung iyon lang ang makakapagbago sayo, bakit hindi?

Kung iyon lang ang makakapagdulot ng kabutihan sayo, bakit hindi?

Marami sa atin ang may maling akala.

Akala natin lahat ng nagsasabi na tayo ay maganda o gwapo ay totoo…

Akala natin lahat ng nagsasabi na tayo ay magaling ay totoo sa kanilang mga sarili…

Akala natin ang mga ngiti at tawa nila ay paghanga at papuri kung hindi ay isang panunuya…

Akala natin ang mga palakpak nila ay pagbubunyi kung hindi ay isang pandidiri.

Mahirap makahanap ng tootong kaibigan sa panahon ngayon.

Dahil mahirap makahanap ng mga totoong tao.

Dahil mahirap makahanap ng tapat na tao.

Dahil mahirap makahanap ng mapagkakatiwalaang tao.

Dahil mahirap makahanap ng pinagpipitagang tao.

Dahil mahirap makahanap ng maaasahang tao.

Dahil mahirap makahanap ng mabuting tao.

Dahil walang perpektong tao.

Kung titingnan natin ang tao sa kanyang kabuuan, madidimasya lang tayo…

Lahat may deperensya.

Lahat may depekto.

Lahat may abnormalidad.

Lahat. Lahat. Lahat.

Kaya para sa isang dating kaibigan…

Maghanap ka ng kaibigan mo na gagawad ng lahat ng gusto mo. Sana maging matagumpay ka sa paghanap ng isang taong maging “PERPEKTO MONG KAIBIGAN”.