Tuesday, June 1, 2010

Cake

Kahapon nagcelebrate ako ng birthday ko.

Masaya na malungkot.

Masaya kasi may bumati ng kusa. Yung iba tumawag pa. Me mga tunay na kaibigan na nagbigay ng konting salu-salo. Meron din namang nagbigay ng konting pag-asa.

Malungkot kasi may mga nagtext pero kinalimutan ang araw kong iyon. Kelangan ko pang ipaalala sa kanila. Yung iba sinabihan na nga ayaw pang maniwala. Yung iba humihingi ng blowout, kaso wala akong sapat na pera. At me mga nagalit pa yata.

Sa pagtapos ng araw, umuwi na ako sa bahay. Bubungad pa lang ako sa pinto, tumakbo palapit ang aking magtatatlong taong pamangkin. Naghihintay na pala sa akin. tinitingnan kung may cake akong bibit.

Duon ko lang naalala ang isang pangako. Sa sobrang pilit kong maging normal ang araw na iyon at sa sobrang hanap ng mga bagay na makakapagpaligaya sa akin , nakalimutan ko palang may mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Sila ang mga taong iniiwan ko sa umaga at binabalikan mo sa gabi. Ang aking Pamilya. Masyado kong inisip ang kaligayahan ko. Nakalimutan kong ang kaligayahan ko pala ay makita ko silang masaya. At makita ang tuwa sa mukha ng isang munting bata.

No comments: