Monday, May 31, 2010

Birthday

Panu ba maging masaya kung may bigat kang dinadala?

Panu ba makikita ang ngiti sa mata kung masama ka sa tingin ng iba?

Panu ba malalasahan ng tuwa ang iyong mga labi kung sinasabi ng iba’y gago ka?

Panu ba maaaninag ang galak sa iyong mukha kung wala ka nang mukhang ihaharap sa kanila?

Panu ba umibig muli kung ang puso mo ay durog na?

Panu ka pa ba mabubuong muli kung ang pagkatao mo’y wasak na?


Kaya ang araw na ito ay espesyal para sa akin…Ito ang araw ng aking kapanganakan at araw ng aking kamatayan…

Sunday, May 30, 2010

Bida

Ang buhay ay isang pelikula…

Bawat tauhan ay isa-isang ipinakikilala…

Bawat isa may ginagampanang mahalaga…

May bida at may mga karamay siya…

Merong kontrabida at kasabwat niya…

Sa tuwing nag-aaway ang bida at ang kontrabida, kadalasan kawawa ang nauuna…

Pero hindi dun nagtatapos ang storya…

Magpapakasaya pa ang kontrabida habang naghahanda ang bida ng paghihiganti niya…

At sa kanyang pagbabalik pababagsakin niya ang antagonista…

Lalasapin niya ang tagumpay na nakamtan ngunit makokonsensya siya…

Dahil hindi gaya ng kontrabida my puso ang bida…

Patatawarin pa rin niya ang nagpahirap sa kanya…

Ang buhay ko, parang isang pelikula…
At sa pelikulang ito, sinisiguro kong ako ang bida…

Sunday, May 23, 2010

ESKAPO

Nitong lingo, maraming nangyari sa kin. Maraming mga bagay akong natutunan. Pero masyadong boring. Kakainis na nakakbagot. Pero sobrang challenging. Sumabak kasi ako sa isang training, refresher course in programming. Ang ending, narealize ko na hindi pala refresher course ang kailangan ko. Kundi isang intensive training on hard coding. In short, hirap na hirap akong tapusin lahat nang mga test cases na inasign sa amin. Pero magkagayun pa man, hindi lang ako ang nahirapan. Mga classmates ko din pala.

Kaya’t para makatakas pansamantala sa hirap at dusa ng training, nagpasya akong lisanin ang Iloilo at lumarga patungong Roxas City.

Tinex ko ang kaibigan ko sa Roxas City na pupunta ako for a night. Si Abnoy. Wala lang. Magnanight out lang. Gusto ko lang makakakita ng mga bagong mukha. Gusto ko lang makahanap ng bagong adventure at bagong istorya. Nagpaunlak naman sa akin si Abnoy. Pero sabi niya hanggang night out lang kami dahil hahanapin siya sa kanila. Okey lang naman sa akin eh. Di naman niya kelangang samahan ako the whole night.

Pagdating ko nang Roxas City bandang alas singko y medya ng hapon, tumuloy ako kaagad sa hotel. Maliit na room. Okey lang. ako lang naman mag isa eh. Mainit ang room. Okey lang. Tight ang budget eh. Walang TV. Okey lang. hindi naman ako magbababad sa loob eh. Me maayos at safe lang akong matutulugan, solve na ako.

Dahil pagod ako sa biyahe, napaidlip ako ng hindi ko namamalayan. Wala ng araw ng magising ako dahil sa katok sa pinto ng aking room. Si Abnoy pala. At may bitbit na pagkaing pinadala ng nanay niya para me makain ako for dinner. Habang kumakain ako, nagkukuwento siya ng kung anu-ano. Buhay, pag-ibig, trabaho, kalokohan. Lahat na lang ng pwedeng mapag-usapan.

Mga bandang alas otso ng gabi, umalis siya para sunduin ang “asawa” niya mula sa trabaho. Kaya may oras ako para i-go-over ang mga tasks ko sa mga assignments ko. Bandang alas diyes na ng gabi nang magtext sa akin si Abnoy para magnight out. Kaya nag-ayos na rin ako para makaalis na pagdumating siya para sunduin ako.

Buhay na buhay naman pala ang night life sa Roxas City eh. Nagvideoke muna kami. Siyempre kinanta ko ang aking dalawang masterpieces – Photograph ni Ariel Rivera at Each Day with You ni Martin Nievera. Nag-inuman kami ng konti. Saka kami lumipat ng place for disco with live band. Duon nakilala ko ang mga kasamahan niya sa trabaho.

Dati akala ko sa movies lang meron nila. Akala ko theory lang sila. Pero hindi, totoo sila. Sila ni Abnoy ang mga kasamahan niya, mga Dance Instructors. In short DI. Oo DI sila at ang dalawa sa kanila may bitbit na dalawang lola. Sila lola mga 50’s na pero nakikipagsabayan pa rin sa mga DIs. In short mukha silang matrona. Pero don’t care at deadma lang ang drama nila.

Biglang may nag-aya ke Abnoy na isayaw siya. Pinagbigyan naman siya. At ang galing palang sumayaw ng kaibigan ko ha? Hindi mukhang bading, pero pag sumayaw; may kembot ang bawat galaw.

Ako? Sa tabi lang hindi naman ako magaling sumayaw eh. Paminsan-minsang nilalapitan ng mga kaibigan at kasamahan ni Abnoy para kausapin at ayaing sumayaw. Wala naman akong pakialam kung hindi nila ako kakausapin eh. Basta ako masaya sa pag-indak sa saliw ng musika ng buhay na banda.

Me ale pang pawisan na at halos labas na ang kaluluwa pero sige pa rin ng sige hataw kasama ang mga DIs. Lahat na yata ng mata at atensyon nasa kanya na eh. Ay naku, si ale nagmumurang kamatis. E ano naman ngayon? Nag-eenjoy lang amg lola mo eh. Bakit ba? Na-eenjoy lang si murat eh.

Bandang alas dos na nang magpasya kaming umuwi. Antok at pagod na rin ako. Nagpahatid na lang ako ke Abnoy sa hotel pagkatapos namin magkape.

Bago ako natulog napaisip ako habang nakahiga. Tapos na ang maligayang gabi ko. Bukas isang panibagong umaga na naman. Isang simula ng bagong araw. Isang simula ng bagong lingo. Isang pagbabalik sa nakaraan---ang normal kong buhay. Normal kong buhay na punung-puno ng hamon. Hamon na sumusubok sa aking katatagan bilang tao at bilang isang guro sa kolehiyo. Bilang indibidual. Bilang isang anak. Bilang isang ama (ng mga estudyante ko syempre, dahil virgin pa po ako!) Bilang isang kaibigan. Bilang isang mag-aaral.

Ahhh… Tapos na ang aking gabi, masaya at nakakatwang gabi…tapos na ang aking pag ESKAPO.

FLUSH

Bakit kaya ganun? Alam ko di dapat pero ito ang aking nararamdaman…

Nananabik ako sa’yo, kagaya ng pananabik ng langgam sa asukal. Gusto kitang halikan, kagaya ng paghalik ng langaw sa tae. Gusto kitang hawakan kasing higpit ng kuko ng agila sa unggoy. Gusto kitang yapusin, kasing swabe ng yapos ng sawa sa kahoy ng karunungan. Gusto kong ingudngod ang mukha ko sa’yo gaya ng ginagawa ng baboy sa dumi nito. Gusto kong ialay ang sarili ko sa’yo kagaya ng pag-alay ng kalabaw ng kanyang sarili sa putikan. Gusto kong maramdaman mo ang alab ng aking katawan gaya ng init na pinadadama ng tubig sa kutsara tuwing ako nagkakape.

Para kang kuto, hindi maalis sa ulo ko. Para kang libag, ayaw matanggal sa katawan ko. Para kang kulugo, araw araw tumutubo, bumabalikbalik.

Mabuti pa ang BO, ligo lang ang katapat. Mabuti pa bad breath “swish” lang ang sagot. Mabuti pa ang balakubak gaas lang remedyo.

Hirap na ako sa aking nararamdaman. Kasing hirap ng molds tanggalin sa pagitan ng dalawang tiles ng CR namin. Kasi ingrone ka na kay hirap kutkutin at masakit kunin. Ngunit kailangan para na rin sa aking kaginhawaan.

Ano ba ang madaling solusyon para ika’y tuluyan ng mawala sa isip ko? Sana tae ka na lang, para pagFLUSH ko wala ka na sa pananaw ko.

BODY EXTRACTS

Sana nanggaling ako sa’yo para masabi kong inaangkin mo na ako…

Sana laway mo’ko, mahulog man pilit mo pa ring saluhin…
Sana pawis mo’ko, mapunas man masisinghot mo rin…
Sana ihi mo’ko, mailabas mo man maamoy mo pa rin…
Sana utot mo’ko, idedeny mo man ginhawa pa rin ang dulot ko…
Sana luha mo’ko, papahirin mo man mananatili ako sa alaala mo…
Sana uhog mo’ko, tumatakas na nga pinababalik mo pa…
Sana muta mo’ko, pilit mo mang tanggalin minsay may naiiwan pa rin…
Sana kulangot mo’ko, hindi mo malalaman ang amoy pag di mo natatanggal…
Sana tutule mo’ko, tuwing kinakalikot mo nasasarapan ka…
Sana tae mo’ko, itakwil mo man sigurado ako lilingunin mo pa rin…

TURNING POINT

I was stuck in the middle of a crossroad these past few weeks. I thought I will make the most significant turning point in my life. Again. Last year of this same month, I was officially kicked out from the school where I used to work for three semesters. This year the sister school of that school is trying to convince to apply for a very important job. Teaching. Teaching hardware and software subjects. Unfortunately, I don’t know what to do and I don’t know what to expect. I know the Human Resource Personnel Supervisor, the School Director himself, and the OIC Dean herself. They know me well, too.

How did I say, I am in a crossroad? Well, let me tell you this. When I was kicked out from Abraham School last year, three schools picked me up. One electronic school, one aeronautics school, and one business school. My schedule is always divided into three. Every Monday, Wednesday, and Friday, I render my service to the business school. Every Tuesday and Thursday, I give my service to the aeronautics school. Every Saturday, I render my service to the electronic school. Things were not that easy but everything’s doing fine. Every school has its own schedule that would fit in every moment at a proper setting. If I get too busy in one school the others were not. It seems that the three schools are working hand in hand in my convenience. Hence, I was very happy.

Things were alright then. But this Father School which were trying to get my service this year was very insistent. Though the HR supervisor would tell me that they are suppose to hire me as full time instructor, I kept on telling her too that I will still get part time job for the electronic school. In that, I will be willing to give up the two others but not the electronic school.

During the teaching demonstration, I prepare a very short lesson to discuss. Short enough to prove my worth to be hired. Short enough, but the School Director didn’t mind to listen and allow me to finish. He stopped my discussion and asked questions. After answering those questions that deals with educational attainment, experience and expertise, he then told me that they are more than willing to hire me; to hire me as full time instructor. I said yes, I am more than willing to render my full time service too.

But he told me that the “full time” they mean talks about the service that is only with them. There should be no other part time jobs. So that means I have to drop all the three schools. I said no; that could not be. In fact, I am under training that time and the electronics school paid for my expenses making me bound to them for five months.

There was exchange of statements at that time. I don’t have anything against them or the school either. With due respect to them, I applied because they need teachers. In short, I am not looking for a job that time; it’s the job that is “haunting” me. From my end, I am willing to render my full-time service with them. But I am not opt for leaving the electronics school. I can drop the two other schools for the sake of their school. But, again, not the electronics school. Call it unfair, unethical and unprofessional to teach on two different schools with the same course offering and on the same umbrella organization with their two heads being the president and the vice president, I don’t care. For as long as I know I am doing my job as a teacher and not as a marketer of the school, I won’t give a damn care.

The reason is simple. I am just just making a place in that school and at the same time taking a chance. It’s not me to decide to leave the electronics school. It is the choice of the administration of the Father school if they want to hire me as full-time instructor but they will not hinder me to render my service to the electronics school; though they try to bribe me with a higher pay. Well, who doesn’t want to have a higher pay, right? I am interested. That is why I accept the challenge of appealing to render my full time service with them. But I just don’t want to get rid the electronics school in my life.
Not because of money, not for the matter of security. It’s more than that. They trust me more than I could ever think.

ANGHEL DE LA GUARDIA

Pag malungkot ka, text ka lang. pasasayahin kita.

Pagnababagot ka, kol ka lang.Pagtitiyagaan kita.

Pag naiinis ka, online ka lang sa Facebook. Papawiin ko ang inis mo.

Pagnagagalit ka, magfriendster ka lang. Anjan lang ako.

Kung pakiramdam mo na nauupos ka na, ibigay mo lang sa akin ang twitter account mo.

At ihuhubug kita muli.

Kung sa palagay mo unti-unti ka nang naaagnas, YM tayo. Subukan kitang buuin muli.

Kung iniisip mong iniwan ka na nang mundo MSN mo lang ako, hindi ko papayagang magpatiwakal ka.

Wag kang mag-alala. Isang blogpost mo lang ako.

Wag kang mangamba. Iwordpress lang ako.

Wag ka nang mag-alinlangan pa, hindi ka nag-iisa.

Dahil ako, ako ang iyong ANGHEL de la GUARDIA.