Sunday, May 23, 2010

ESKAPO

Nitong lingo, maraming nangyari sa kin. Maraming mga bagay akong natutunan. Pero masyadong boring. Kakainis na nakakbagot. Pero sobrang challenging. Sumabak kasi ako sa isang training, refresher course in programming. Ang ending, narealize ko na hindi pala refresher course ang kailangan ko. Kundi isang intensive training on hard coding. In short, hirap na hirap akong tapusin lahat nang mga test cases na inasign sa amin. Pero magkagayun pa man, hindi lang ako ang nahirapan. Mga classmates ko din pala.

Kaya’t para makatakas pansamantala sa hirap at dusa ng training, nagpasya akong lisanin ang Iloilo at lumarga patungong Roxas City.

Tinex ko ang kaibigan ko sa Roxas City na pupunta ako for a night. Si Abnoy. Wala lang. Magnanight out lang. Gusto ko lang makakakita ng mga bagong mukha. Gusto ko lang makahanap ng bagong adventure at bagong istorya. Nagpaunlak naman sa akin si Abnoy. Pero sabi niya hanggang night out lang kami dahil hahanapin siya sa kanila. Okey lang naman sa akin eh. Di naman niya kelangang samahan ako the whole night.

Pagdating ko nang Roxas City bandang alas singko y medya ng hapon, tumuloy ako kaagad sa hotel. Maliit na room. Okey lang. ako lang naman mag isa eh. Mainit ang room. Okey lang. Tight ang budget eh. Walang TV. Okey lang. hindi naman ako magbababad sa loob eh. Me maayos at safe lang akong matutulugan, solve na ako.

Dahil pagod ako sa biyahe, napaidlip ako ng hindi ko namamalayan. Wala ng araw ng magising ako dahil sa katok sa pinto ng aking room. Si Abnoy pala. At may bitbit na pagkaing pinadala ng nanay niya para me makain ako for dinner. Habang kumakain ako, nagkukuwento siya ng kung anu-ano. Buhay, pag-ibig, trabaho, kalokohan. Lahat na lang ng pwedeng mapag-usapan.

Mga bandang alas otso ng gabi, umalis siya para sunduin ang “asawa” niya mula sa trabaho. Kaya may oras ako para i-go-over ang mga tasks ko sa mga assignments ko. Bandang alas diyes na ng gabi nang magtext sa akin si Abnoy para magnight out. Kaya nag-ayos na rin ako para makaalis na pagdumating siya para sunduin ako.

Buhay na buhay naman pala ang night life sa Roxas City eh. Nagvideoke muna kami. Siyempre kinanta ko ang aking dalawang masterpieces – Photograph ni Ariel Rivera at Each Day with You ni Martin Nievera. Nag-inuman kami ng konti. Saka kami lumipat ng place for disco with live band. Duon nakilala ko ang mga kasamahan niya sa trabaho.

Dati akala ko sa movies lang meron nila. Akala ko theory lang sila. Pero hindi, totoo sila. Sila ni Abnoy ang mga kasamahan niya, mga Dance Instructors. In short DI. Oo DI sila at ang dalawa sa kanila may bitbit na dalawang lola. Sila lola mga 50’s na pero nakikipagsabayan pa rin sa mga DIs. In short mukha silang matrona. Pero don’t care at deadma lang ang drama nila.

Biglang may nag-aya ke Abnoy na isayaw siya. Pinagbigyan naman siya. At ang galing palang sumayaw ng kaibigan ko ha? Hindi mukhang bading, pero pag sumayaw; may kembot ang bawat galaw.

Ako? Sa tabi lang hindi naman ako magaling sumayaw eh. Paminsan-minsang nilalapitan ng mga kaibigan at kasamahan ni Abnoy para kausapin at ayaing sumayaw. Wala naman akong pakialam kung hindi nila ako kakausapin eh. Basta ako masaya sa pag-indak sa saliw ng musika ng buhay na banda.

Me ale pang pawisan na at halos labas na ang kaluluwa pero sige pa rin ng sige hataw kasama ang mga DIs. Lahat na yata ng mata at atensyon nasa kanya na eh. Ay naku, si ale nagmumurang kamatis. E ano naman ngayon? Nag-eenjoy lang amg lola mo eh. Bakit ba? Na-eenjoy lang si murat eh.

Bandang alas dos na nang magpasya kaming umuwi. Antok at pagod na rin ako. Nagpahatid na lang ako ke Abnoy sa hotel pagkatapos namin magkape.

Bago ako natulog napaisip ako habang nakahiga. Tapos na ang maligayang gabi ko. Bukas isang panibagong umaga na naman. Isang simula ng bagong araw. Isang simula ng bagong lingo. Isang pagbabalik sa nakaraan---ang normal kong buhay. Normal kong buhay na punung-puno ng hamon. Hamon na sumusubok sa aking katatagan bilang tao at bilang isang guro sa kolehiyo. Bilang indibidual. Bilang isang anak. Bilang isang ama (ng mga estudyante ko syempre, dahil virgin pa po ako!) Bilang isang kaibigan. Bilang isang mag-aaral.

Ahhh… Tapos na ang aking gabi, masaya at nakakatwang gabi…tapos na ang aking pag ESKAPO.

No comments: