Sunday, May 23, 2010

FLUSH

Bakit kaya ganun? Alam ko di dapat pero ito ang aking nararamdaman…

Nananabik ako sa’yo, kagaya ng pananabik ng langgam sa asukal. Gusto kitang halikan, kagaya ng paghalik ng langaw sa tae. Gusto kitang hawakan kasing higpit ng kuko ng agila sa unggoy. Gusto kitang yapusin, kasing swabe ng yapos ng sawa sa kahoy ng karunungan. Gusto kong ingudngod ang mukha ko sa’yo gaya ng ginagawa ng baboy sa dumi nito. Gusto kong ialay ang sarili ko sa’yo kagaya ng pag-alay ng kalabaw ng kanyang sarili sa putikan. Gusto kong maramdaman mo ang alab ng aking katawan gaya ng init na pinadadama ng tubig sa kutsara tuwing ako nagkakape.

Para kang kuto, hindi maalis sa ulo ko. Para kang libag, ayaw matanggal sa katawan ko. Para kang kulugo, araw araw tumutubo, bumabalikbalik.

Mabuti pa ang BO, ligo lang ang katapat. Mabuti pa bad breath “swish” lang ang sagot. Mabuti pa ang balakubak gaas lang remedyo.

Hirap na ako sa aking nararamdaman. Kasing hirap ng molds tanggalin sa pagitan ng dalawang tiles ng CR namin. Kasi ingrone ka na kay hirap kutkutin at masakit kunin. Ngunit kailangan para na rin sa aking kaginhawaan.

Ano ba ang madaling solusyon para ika’y tuluyan ng mawala sa isip ko? Sana tae ka na lang, para pagFLUSH ko wala ka na sa pananaw ko.

No comments: