Tuesday, May 18, 2010

Paglalakbay

Ito ang mga nilalaman ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong namaramdaman pagkatapos ng nangyari kahapon. Buti na lang may nagtext sakin kaninang umaga. Sabi niya,

You messed up yesterday. You said the wrong words, took the wrong turn, loved the wrong person, reacted the wrong way. You spoke when you should have listened, walked when you should have waited, judged when you should have trusted, indulged when you should have resisted. You messed yesterday. But you ‘ll messed up more if you let yesterday’s mistakes sabotage today’s attitude.

Today’s a new day. Live well. Have a great day!

Sabi ko sa sarili ko, panu nalaman ng co-teacher ko ang bigat na nararamdaman ko nung nakaraang gabi.Noong araw bago naging ngayon? Ngayong umaga nagising ako sa isang text message. Yun na nga ang message na iyon. Pero kahapon, ibang umaga ang gumising sa akin. Exciting na umaga.

Isang mainit na halik ng sikat ng araw ang gumising sa akin nuong sabadong yaon. Mainit ngunit malamlam pa. Dali-dali akong bumangon sa aking higaan at nag-ayos ng aking sarili. Araw yon kung saan pupunta ako sa birthday party ng baby ng isa sa mga students ko noon, si Maldita.

Pag kalipas ng dalawang oras nakita ko na ang sarili kong nakasakay sa bus patungo sa isang bayan ng Probinsiya ng Capiz. Saka ko bigla naalala ang isang kaibigan. Isang kaibigan na nakatira sa ibayong probinsiya. Isang kaibigan na naging confidant ko for a quite sometime. Tawagin natin siyang si Adik. Tinext ko siya. Sabi ko,

If I decide to head my way to Roxas City tonight instead of going home, will you be willing to spend the night with me?

Sounds like a pick up line, right? But it was intended for a very wholesome cause. Tapos, nag reply siya. It was a nice offer naman daw. Kaya lang ayaw niya magdisisyon nang agad agad. Well, alam ko namang hindi siya pupunta ng ganun-ganun na lang. Kasi dapat pa siyang magpaalam sa minamahal niya. Hindi ko na inalam ang dahilan dahil alam ko naman. Dapat nga hindi ko na sinabi sa kanya ang ganun eh. Bakit ko pa kasi siya inaya.

Pero sa part naman niya, nakita ko ang sincerity sa pagreject niya ng offer ko. Kaya may nireto siya sa akin na ipagmit para man lang may kasama ako kung saka-sakali. Ayoko ko nga sana nung una eh. Kaya lang, naconvince naman ako later kasi nagtext din sakin yong ibinigay niya. Tawagin na natin siyang si Abnoy. Madalang kung magtext si Abnoy. Kadalasan one word lang. minsan nga one letter lang eh. Para naman siyang nice. Kaya nagplan na ako na I’ll be staying for Roxas City overnight kasi may kasama na ako.

Nang dumating ako sa bayan nila Maldita mga bandang alas dose na. Nagkamustahan kami nung nanay, tatay, kapatid at ng kung sinu-sino pa. Para na rin nila kasi akong pamilya eh.

Alas dos na hapon na ako umalis sa bayan nila para sumakay ng bus papuntang Roxas City. Halong kaba at excitement ang naramdaman ko ng time na iyon. Although hindi iyon ang una kong papunta duon. Pero iyon ang unang pagkakataon kong mag night out duon. Habang sa bus ako eh, panay ang text ko sa ke Abnoy. Sa sampung text ko ata isa lang ang reply niya. Nang dumating ako ng Roxas City, dumiretso na ako sa isang mall kung san kami magkikita. Paikot-ikot ako dun habang tinitext ko si Abnoy. Mga ilang minutong pag-iikot ko ay napagpasyahan kong magpalamig sa isang paborito kong fast food.

Malapit ko nang maubos ang kinakain ko at malapit na ring malobat ang cp ko pero wala pa rin akong naaaninag na anino ni Abnoy. Maski man lang kaluluwa wala. Maski man lang text na isang letter, wala. Wala. Point blank. In short, naghihintay ako sa wala. Ang bait nga niya eh. Very silent siya. Mga isang oras at kalahati din ang aking katangahan bago ko narealize na kailangan ko nang magising sa katotohanan na inindian na ako ng kaibigan ng kaibigan ko. Ganun naman ang mga magkakaibigan di ba? Nag-iindianan. Kaya nagpasya na lang akong bumalik na sa kung saan ako nagmula. Alas singko na rin kasi ng hapon eh. Kelangan ko pang dumaan dun sa bayan ni Maldita para magpaalam. Saka ako babalik sa aking tinubuang lupa.

Nang nasa terminal na ako ng bus saka ko tinex si Adik. Sabi ko,

Pakisabi sa kaibigan mo, salamat sa pag-indian sa akin.

Nagulat rin ata si Adik kaya sinubukan niya din sigurong kontakin si Abnoy. Again, nakita ko naman ang sincerity ni Adik sa pagpatch ng nadiskaril na pagkikita. Kaya lang bago ko pa nareceive ang paliwanag ni Abnoy kung bakit hindi siya nakarating, kaalis lang nang bus na sinasakyan ko. Sinubukan naman niyang magpaliwanag. Natuwa naman ako kahit hindi ako sigurado sa mga paliwanag niya. Pero kahit paano masaya naman ako kasi nag-eeffort naman siyang magtext nang mahaba-haba dahil nagpapaliwanag siya. Paliwanag niya, nakatulog daw siya kaya hindi niya narinig mga tunog ng celpon niya ng tinitext ko.

Inaaya nila akong bumalik. Pero nakaalis na nga ang bus eh. Wala naman kami sa movie na kahit nakaalis na ang bida papatigilin ang bus dahil dumating ang prince charming niya. Tapos magyayakapan sila at magpapalakpakan ang mga taong nasa bus na binayaran ng tagbebente pesos para maging extra. E kaso, hindi ako bida. Ang totoo niyan pareho kaming bida sa sarili naming mga pelikula…ang totoong buhay…

Kaya tuloy-tuloy ako sa pagbabalik. Tinatawagan ako ni Adik at nakikipag-usap tungkol sa nangyari. Masama ang loob ko, oo. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Nagagalit ako, oo. Napakaplastic ko naman kung sasabihin kong okay lang sakin ang nangyari. At mas lalong hindi ko alam kong tooo ang paliwanag niya. Ang maliwanag lang sa akin, kelangan kong bumalik para kahit paano maibsan ang bigat kong nararamdaman.

Alas sais na nang marating ko ang bayan ni Maldita. Kumain lang ako sandali saka nagpaalam. Sumakay ako sa bus na daladala ang pagkaing pinadala nang nanay ni Maldita kasabay ng sama ng loob ke Abnoy.

Quarter to nine ako nakarating ng Iloilo City. Pero hindi pa dun ang bahay ko. Malayo pa ang bayan naming. Kinailangan kong humabol sa last trip. Sa kabutihang palad ang last trip ay eksaktong alas diyes umalis. At sa muli naghintay na naman ako ng halos isang oras. Alas onse na ang gabi ng marating ko ang bahay namin.

At dahil napakaswerte kong tao, brownout nang dumating ako. Gusto kong magpatiwakal para matapos na lahat ng kamalasan sa buhay ko. Kaya lang naisip ko, Kelangan ko pang isulat ang experience ko na ito…

Kaya ipinagpaliban ko na lang ang pagpapatiwakal sa ibang araw….

No comments: