Friday, April 3, 2009

Pader

Nagising ako isang madaling araw mula sa pagkakahimbing dahil sa tunog ng cellphone ko. Mensahe para sa ‘kin ang nilalaman ng text na yaon. Ang sabi...
“Dad, pwedeng mahiram ang calculator mo for tomorrow? Kasi finals na namin.”
Naalimpungatan ako bigla. Tiningnan ko ang orasan mula sa cellphone ko. Alas tres ng madaling araw. Hayup, ang estudyante ko gising pa hanggang mga oras na yun? Nag-aaral Kasi finals na pala nila. Eh, kaso nakakontrata na ang calculator ko. Syempre two days before the scheduled exam may nagpaschedule na makahiram ng calculator ko.
Tumayo ako sa pagkakahiga at nagbawas ng mga masamang likido sa aking katawan. Habang nakatayo ako sa harap ng toilet bowl (syempre dapat nakatayo ako di ba? Helo, alangan namang nakaupo ako, hehehe)napansin kong may dalawang langgam na pula sa pader ng toilet ko. Nagtutulakan sila. Naisip ko, naglalampungan ba ang dalawang langgam na iyon? Yuck kadiri sila, ha? And take note class, ay readers pala, dala-dalawa lang sila. Tinitigan ko nang mabuti ang dalawang langgam at napansin kong hindi pala sila naglalampungan. Nagtutulak pala (hindi ng droga, ha?) sila ng isang butil na kulay puti na parang tirang kanin ‘ata. Hindi lang ako masyado sure, ha? Pero pagkatapos kong magkisay dahil paubos na ang masangsang na likido mula sa aking kaibuturan, naiisip ko pa rin ang dalawang langgam na iyon. Hanggang sa aking pagkahiga ay dala-dala ko (hindi ang mga langgam, ha?) ang alaala ng dalawang langgam na nagtutulungang pasanin ang isang maliit na butil. Siyempre, obvious ba, kagaya ng kwento nung tayo ay bata pa, ang mga langgam daw nag-iipon ng makakain nila sa tag-araw ng sa gayun ay may kakainin sila pagdating ng tag-ulan.
Binalikan ko ang cellphone at nag-reply sa mensahe ng estudyante ko. Nagsori ako syempre dahil hindi ko na siya mapapahiram. Kung bakit kasi nahuli siya ng pagkakasabi eh. Nagreply naman siya na okey lang daw. Hanap na lang siya ng ibang mahihiraman. Mabigat din sa loob ko yun. Eh, anong magagawa ko. Iisa lang ang calculator ko sa buong buhay ko. Dinaan ko na lang sa panalangin na sana may magpapahiram sa kanya. Parang tulong na rin. Kagaya ng langgam na may karamay sa pagbitbit ng isang butil ng kung ano.
Oo. Kahit sa anong paraan kailangan natin ng tulong. Pisikal man, mental man, emosyonal man, ispiritwal man, at sa marami pang bagay. Naalala ko tuloy isang araw ng marso ngayong taong ito. Araw ng sabado, katorse ang petsa. Ang ganda nga ng mga pagkakatugma-tugma eh no? Marso. Fire Prevention Month. Maiinit. Naglalagablab. Katorse. Pelikula ni Dina Bonevie noong araw. Yun ata ang launching movie ni Dina eh. Me mga mga nag-aapoy ding eksena duon ah. Tapos year of the ox pa. Wala lang. Hindi ko alam kung ano significance ng ox sa susunod kong kwento eh.
Pero nung araw na iyon ay araw ng 18th birthday ng isa kong estudyante. Debut nga kung tawagin. Syempre imbitado ang lolo mo. Okey na sana ang sitwasyon ko eh. Nakapagbili na ako ng regalo sa kanya. E dahil gago ako, ng sinabi ng isa ko pang estudyante na aayusin ko ang presentation na ginagawa niya for the debutant, umuoo ako ng walang kagatol-gatol. Sa kabutihang palad nag-iinarte lang naman ang laptop ko na vintage model ng isang sikat na brand ‘ika nga, ang 4-minute presentation ko ay inabot ng 4 na oras na pagkakaarrange. Nagsialisan na lahat ng dadalo sa party ako naiwan pa rin kasi may class pa ‘ko until 3 pm. Nagtiyaga lang ako.
Okey na rin naman sana lahat eh. Kaya lang biglang may pumasok sa room kung saan nirereview ko na lang ang presentation na ginagawa ko. Isa ko pang estudyanteng babae. Tawagin natin siyang Barbie Doll. Tinawag ko siyang Barbie Doll hindi dahil kamukha niya. Wala lang akong mabigay na code sa kanya eh. Umpisang nagsalita si Barbie Doll. Nagsosori siya saken dahil nga mga dalawang linggo na siyang absent sa classes niya. Hindi na ako nagtaka nung una. Ano pa ba? Estudyante rin ko dati kaya alam ko ang bawat diskarte ng alibi. Nagjoke ako sa kanya na bakit ka absent that long? Sinagot niya ako na hindi daw maganda ang pakiramdam niya lately. Nagjoke ako uli. Bakit ‘kako. “Buntis ka ba? “ tanong ko sabay ngisi. Sinagot naman niya ako ng mabilis pa sa alas kwatro ng “oo”. Nashock ako! Hindi pa pala... deadma ako muna. Sinong ama? Si Ferdinand Marcos? Si Elpidio Quirino? O si Fernando Poe Jr? Siyempre joke yun di ba? Sinagot ba naman ako na: “Hindi mo kakilala, sir. Pero boyfriend ko siya mga six months NA kami.” Dun ako nagulantang! In english, shock ako. Totoo na pala ang sinasabi niya. Tiningnan ko siya sa mata. Nakangiti siya. Parang ngiti ng mga Barbie Dolls. Nakasteady lang; walang bahid ng kasinungalingan, inosenteng tingnan, walang pakialam kung sasampalin ng batang naglalaro sa kanya. Basta ngiti lang ang walang kabuhay-buhay na manika. Lifeless. Sampalin ko kaya ‘tong estudyante ko ano? Hindi na ako nakapagsalita pa. Siya na mismo ang break ng silence ko ng 48 years. Sabi pa sakin na may matinding assurance na, “Oo, sir, maniwala ka buntis ako. One month today.” Today. Kelan kayo nagjugjug? Tanong ko. Twice daw sabi niya. February 1 at 14. Oo nga. Tanga ako. One month nga today di ba?
Gulat man ako, malugod kong tinanggap na hindi na siya virgin. Ang tanong kung tanggap ba ng parents niya? Ayaw nga daw siya kausapin ng mga magulang niya eh. Syempre sino ba namang magulang magkakagusto. Tinanong ko siya uli kung alam na ng lalaki ang sitwasyon niya. Alam naman daw. At nais din nito panindigan ang responsibilidad. So, okey may tatayong ama. So, walang problema. Hindi rin daw kasi confuse siya. As in siya mismo confuse. Ayaw niyang magpakasal sa ama ng bata. Sabi pa sakin, one month pa lang so pwede pang mawala. Sabi ko naman sa kanya bakitmo iwawala eh gift from God yan. Pinabulaanan ba naman ako ng “eh kung gift from God ‘to, dapat this should come at a proper time.” Sinisi pa Diyos, eh kayo ang may gawa niyan eh. Pero siyempre alam ko ang sitwasyon niya, besides hindi natin alam kung kelan ang time ni God. Siguro hindi proper time sa atin, pero kay God iba. Ang time natin is different for God’s. Sabi ko nga sa kanya, its more than just a gift, its a blessing. At walang kasalanan ang bata.
Hindi nagtatalo pa rin ang takot sa kanya. Panu daw kung masira ang pag-aaral nya dahil sa sitwasyun niya. Oo, nga naman. Pero sa kabilang banda, sabi ko nga sa kanya, hindi naman lahat ng ninanais natin for ourselves eh naabot natin di ba? Hindi din naman siya sure kung mawawala ang pinagbubuntis niya eh makakapagpatuloy siya sa pag-aaral dahil alam na nga ng parents niya. Pano kung mas masisira pa lalu ang buhay niya pagnawala iyon. Kung ano man ang nasira sa kanya, ang anak niya ang magpapatuloy nung itinigil niya at magpapatuloy ng kanyang nasimulan. Alagaan lang niya at palalakihin ito sa kabutihan.
Ngunit tinanong pa rin niya ako kung tama bang ipalaglag niya. Siyempre sinabi ko sa kanya na, Go! Pero tanungin mo muna sarili mo alin ang kakayanin mo. Ang sasabihin ng ibang tao sa loob ng siyam na buwan na pagbubuntis o ang pag-uusig ng konsensya mo habangbuhay. Malinis ka nga sa harap ng maraming tao, pero malinis ka nga ba sa sarili mo? We can always lie to others but not to ourselves.
Nakikita ko naman na unti-unti nagliwanag ang kanyang mukha. Pero may isa pa siyang problema idinulog. Kung magpapakasal ba daw siya o maging single mom. Kasi hindi daw siya sigurado sa sarili niya eh. Sa nararamdaman niya. Pano kung bigla na lang aayaw na siya sa lalaking iyon. Sayang din naman ang pagpapakasal. Sabi ko naman sa kanya, ang pag-ibig parang halaman yan. Paghinayaan mong mabilad sa araw at kulang sa pag-aalaga, malalanta at mamamatay. Pero pag-inalagaan mo at diniligan mo ito, yayabong at mamumukadkad.
Natapos na lang ang pag-uusap namin ng nagsimula na ang one o’clock class ko. Its a two-hour class kaya natapos kami 3 pm. Dali-dali naman akong pumunta na sa party ng debutant nung araw na iyon. Masaya ang party nila. May poi – fire dancing. Siyempre mainit nga di ba? Mainit din ang pagtanggap sa kin. Kasing init ng mensaheng ibinigay ko sa debutant. Ang message ko kasi has something to do with the gift na ibinigay ko sa kanya as treasure. Marami nga ang nagtaas ng kilay sa binigay kong gift kasi nga kwentas na panlalaki. And my speech goes something like this:
Once there was a little girl, who came out from nowhere,
She was an angel to her family and to her friends;
Now that little girl is going to celebrate her womanhood.
And that little girl is you.
Now that you are a woman, your parents can’t hold you back for relationships.
Whether they like it or not you will someday look for the man –
Whom you will love and share your life with.
How will you choose the man to love?
Love not a man for treasures, for riches dont last;
Love not a man who loves you now, because impulse is temporary;
Rather, love a man who can survive the test of time,
for only time is capable of understanding what true love is all about.
I am giving you this gift not for you to wear, but for the man you choose to love-
for the rest of your life.
Do not just give this to any man who doesnt deserve it. Give this on the day
of your wedding.
How do you look for someone to share your life with?
Look not for a man whom you think perfect for no one is.
Look not for a man whom you are in compatible with, for you might get suffocated.
Rather, look for the man whom you are in complement with, to make you complete.

At sa speech ko nasagot lahat ng tanong nilang bakit panlalaki na kwintas ang binigay ko. Afterall, I am a father to her and that is my treasure for her. Pagkatapos ng party, hindi pa kami dumiretso ng uwi. Nag night out kami ng mga students ko. Sa isang coffee shop kami natigil. Hindi kami umabot ng dalawang oras sa pagkakaupo ng napapansin kong kakaiba ang kilos ng isa sa kanila. Tawagin natin siyang Chikinini.

Si Chikinini, balisa. Hindi alam ang gagawin niya ng mga oras na yaon. Siyempre nahalata ko. Sinubukan ko siyang kausapin. Natatameme siya at times ngunit naghihimagsik at nag - aalab din ang mga salita niya minsan. Nagsimula akong mag-imbistiga direkta sa kanya. Ayaw niyang magpahalata na uneasy siya sa akin. Nagsimula ako. Sabi ko, may hindi ka sinsabi sa akin. Tumaas ang kilay niya. Ano daw iyon. Wala daw. Siyempre tinanong ko siya uli. Ano ba problema. Wala pa rin daw. Deadma lang ako. Pero pinapapili ko siya sa dalawang bagay. Revelation o confrontation. Nagtaka siya. Sabi ko sa kanya, pagkusa kang magsasalita, thats revelation. Pag ako nagtanong sa ‘yo, that’s confrontation. Dun siya nagimbal sa sinabi ko. Alam na niya na may idea ako sa mga nangyayari sa kanya. At nagsimula siyang magkwento. Si Chikinini in-love pala. At may karelasyon. Si Cute. Si Chikinini, gwapo, si Cute gwapo din. Ibig sabihin, same sex relationship. Okey lang. Sana. Kaya lang on-the-rock ang relationship nila. May doubt si Chikinini na niloloko lang siya ni Cute. Ewan ko lang si Cute kung may dudang niloloko siya ni Chikinini. Nakikipaglaro din kasi ‘tong si Chikinini eh.(Sa pagkaka-interpret ko ha?) ano ba pwede kong maadvice sa same sex relationship? Hindi ako against, pero hindi ko rin pinopromote. Tinanong niya ako kung mali bang makipagrelasyon sa same sex. Sinabi kong hindi. Totoo namang hindi di ba? For as long as mahal mo ang isang tao and you’ve been happy being with that person, so be it. Ang mali kung pareho niyong niloloko ang mga sarili niyo. Parang sila ni Chikinini at Cute.
Hindi nga fully defined ang relationship nila eh. Parang wala lang. Parang sila na hindi. Pero infairness naman nagkakaintindihan naman sila sa text. Sa text lang. Tinanong uli ako ni Chikinini kung paano ba niya malalaman kung totoong mahal siya ni Cute o kahit minahal man lang. Simple lang sagot ko. Makipagbreak ka! I mean pormal na break up. Ang tanong niya pano nga malalaman. Ang sagot simple lang din uli.
“ Kung gagawa siya ng paraan to win you back then he could have loved you and is still willing to love you more. Pero kung hahayaan ka lang niyang mawala, then he could not have loved you. In full qoute; if you love the person set him free, if he comes back he is yours, but if not, he was never yours.”

Masakit man para kay Chikinini tinanggap naman niya ang sinabi ko. It was indeed a test for him and for Cute.

Hindi man naging maganda ang ending ni Chikinini sa karelasyon, hindi naman iyon naging dahilan para tumigil ang mundo niya. Hindi pa man klaro para kay Debutant kung para kanino ang kwitas na iyon, hindi iyon naging hadlang para hanapin ang lalaking para sa kanya. Hindi man naging bukal kay Barbie Doll ang disisyong magpakasal, hindi naman dahilan iyon para kitlin ang isa pang buhay sa kanyang sinapupunan.

Oo. Si Chikinini, si Debutant, at si Barbie Doll, minsan ding naging langgam sa buhay ko. Sinubukan kung tulungan sa abot nang makakaya ko. Ang disisyon sa kanila pa rin. Salamat na lang at nakikinig pa rin sila sa akin kahit papaano. Isa akong langgam na hinihingan ng tulong ng iba pang langgam. Para din akong pader na sinasandalan ng langgam para wag mahulog.

Kung ako ang pader na sinsandalan ng langgam, paano ako? Saan ako sasandal? Saan ako kakapit para manatiling nakatayo?

Ikukuwento ko ang sagot sa susunod kong article... (Pader, episode 2)

No comments: