Friday, April 3, 2009

Ang Lalaking Nagturo sa akin kung Paano maging Makabuluhan ang Buhay

Ilang beses ko na siyang nakita. Hindi ko matandaan kung ilang beses na nga. Ni hindi ko nga matandaan kung kelan ko siya unang nakita. Ang alam ko lang doon siya nagtatrabaho sa isang favorite restaurant ko. Familiar lang siya at first sa ‘kin. Siyempre kung ilang beses akong pabalik-balik doon para kumain. Siguro alam din niya na parati ako doon kumakain sa pinatatrabahuhan niya.
Na-aantay ako nang order ko ng mga sandaling iyon. Nakikita ko siyang pabalik-balik sa loob ng restaurant. May bitbit na kung anu-ano. Tray na lagyanan ng pinagkainang plato at mga kubyertus. Tapos palipat – lipat din siya table na inaayos. Lumapit siya sa table ko at pinunasan niya ito. Tinititigan ko kung ano ang mga ginagawa niya. Nag-ispray siya ng konting tubig sa basahan saka pinunas uli sa table ko.
Habang nagpupunas siya napansin ko ang mga malalaking ugat sa kamay niya. Binaling ko ang tingin sa kamay ko. Wala masyadong ugat. Binalik ko ang tingin sa mga kamay niya, ang lalaki nang mga daliri. Mukhang namamaga. Naalala ko tuloy ang kwento ng dalawang matalik na magkaibigan. Yung isa nais niyang mag-aral. Yung isa naman nais lang magtrabaho. Dahil kapos din sa pera ang isang nagnanais na mag-aral e humingi ng tulong sa kaibigan. Pinagbigyan naman ng kanyang kaibigan ang kanyang hiling. Nagtapos sa kursong pagpipinta ang isa sa kanila. Sa loob ng mahabang taong pagpapakahirap ng isang kaibigan ay naging paralisado ang mga kamay nito. Minsan, nakita ni Pintor ang kaibigan niya na nanalangin. Nakatuon ang kanyang pansin sa dalawang kamay ng kaibigan na nakadikit ang mga palad. Pilit na pinagtutugma ang mga daliri nito. Inilarawan ng Pintor ang hirap na dinanas ng kaibigan niya. Kulubot na mga kamay. Magang mga daliri. Baku-bakung palad. Malalaking ugat. Larawan ng isang pagod na kamay. Ngunit para sa kaibigan ng pintor isang karangalan na natunlungan niya ang kaibigan sa hangarin nito. Ang larawang iginuhit ng Pintor diumano’y pinagsimulan ng tanyag na likha na “The Praying Hands”. Hindi ko lang matandaan kung saang libro ko nabasa ang kwentong iyon. Ngunit malaki ang dinulot na aral sa akin. May mga taong handang magsakripisyo para sa atin.
Natigil ang pag-iisip ko nang dumaan na naman ang the same na lalaking may hawak ng tray at iniipon niya ang mga naiwan sa mesa sa bandang kaliwa ko. Nakatalikod siya at napansin kong may mga bahid ng dumi ang damit niya. Wala siyang apron kaya siguro natatapunan ng dumi. Pero sa likod iyon. Nang humarap siya ganun din. May manaka-nakang dumi kumakalat sa damit niya. Naalala ko tuloy ang pelikulang “Slamdog Millionaire” na hakot awards sa Oscars. May isang eksena doon na hindi mo aakalaing isasama sa palabas kasi nga masyadong yucky. Tumalon ang bida sa balong may dumi ng tao. Wala na siyang choice noon para maka escape sa kinaroroonan niya makapagchance lang siya na makita ang idolo niyang artista. Kakahiya man, eh ano ngayon. Nakalapit naman siya sa idolo niya nagpag-autograph. Marami sa atin ang ayaw sa madudumi. Pero may mga ibang tao diyan na dumi ang paraan ng ikinabubuhay. Ang tiyuhin ko noon tagalinis ng poso negro ng mga kapit bahay nila. Masyadong literal, ‘no? Pero ito wag ka. May mga mukhang sosyal na lugar na hindi kalinisan ang palikuran nila, ha! may iba namang tao na mukhang sosyal lang pero ang totoo ang ikinabubuhay nila ay ang pagbebenta ng aliw. Isang maduming gawain din. Buti pa itong lalaking ito sa restaurant, madumi man ang damit panlabas na hitsura lang. Marangal naman kasi ang trabaho niya.
Lilipat sana siya sa isa pang mesa nang biglang tinawag siya ng isang kasamahan. Lumingon ito at dali-daling pumunta sa kinaroroonan ng tumawag. Sa hindi inaasahan ay kamuntik siyang madulas. Buti na lang nakakapit siya isang upuan. Tiningnan ko ang sahig. Hindi naman madulas ah. Hindi naman basa ang tiles. O baka style lang niya pang-agaw pansin. Naalala ko tuloy ang text sa ‘kin ng isa kong kaibigan. Nagsagutan daw sila ng superior niya dahil sa text. Sa kung anong pagkakataon na tinitext siya ng estudyante niya tungkol sa isang bagay about her superior. Sa hindi inaasahang pagkakataon ang message na para sana sa estudyanter niya ay napunta sa superior niya. Buti na lang ‘kamo hindi siya nadulas ng pagsasabi ng kung anu-anong negative things about her superior. Pero parang lumalabas pa rin na idinidiin niya ang superior niya sa estudyante niya. Minsan kasi hindi natin maiwasang hindi madulas. Ako. Ilang beses na akong nadudulas sa mga sinasabi ko. Minsan nga masasakit na salita pa ang lumabas sa bibig ko eh.
Natigil na naman ako sa pag-iisip nang biglang may narinig ako na boses at tinatawag niya akong: “Sir, narito na po order niyo. May kulang pa po ba sa order niyo?” ang lalaki sa restaurant ang naghatid sa akin ng order ko. Kaya pala siya tinawag ng kasamahan niya. Sumagot ako ng thank you. Tapos nakafocus na ako sa food ko kasi gutom na gutom na rin ako. Habang ninanamnam ko ang noodles na inorder ko naalala ko ang kwento nuong bata pa ako. Tuwing may bertday sa amin dapat daw pansit para long life. Oo nga naman. Kaya ako kahit hindi ko bertdey long life pa rin. Wala akong choice yun lang ang kaya kong bayaran eh. Pero kahit papaano pinagsisilbihan pa rin ako ah. Naghihintay lang ako na dumating ang pagkain sa harap ko. At least mainint naman ang pagtanggap ng crew nag restaurant sa ‘kin. Kasing init ng sabaw ng noodles na hinihigop ko. Sinabayan pa ng ice cold na tea paghigop ko. Hindi kaya masisira ang internal organs ko dahil dalawang elemento ang dumadaan sa esophagus ko bawat higop ng sabaw at lagok ng iced tea?
Pero kahit papano natupad naman ang pangarap ko na makaahon sa restaurant na iyon. Siyempre alal na ‘kong perang pambayad pag nag add pa ‘ko ng order. Dinaanan ko ang lalaking nagsilbi sa akin sa isang mesang naglilinis. Nilingon niya ako at ngumiti sabay sabi ng: “Sir.” Hindi ko alam kong tama ang pagkakadinig ko. Masyado namang malabo kung sinabi niya “mam” di ba? Ngiti lang din response ko. Habang naglalakad ako palabas ng restaurant naisip ko ang mga nangyari. At mga nakikita ko. Kahit gaano mang hirap ang dinadaanan niya sa mahabang araw ng pagtatrabaho sa restaurant na iyon at pagsisilbi sa customer nila, hindi pa rin niya nakakalimutang ngumiti.
Siguro nasa puso niya pa rin ang kahalagahan ng pagngiti at pagbibigay pugay sa mga taong nakakasalamuha niya. Gaano man kahirap ng buhay buhay niya bilang trabahador na pinatutunayan naman ng kanyang mga kamay; gaano man kadumi ng basahan , o plato, o kubyertos na hinahawakan niya; gaano man kadulas ng sahig na aapakan niya; pagsisilbihan pa rin niya ang bawat customer na pumapasok sa restuarant nila. At babaunan pa niya ito ng isang ngiti para bumalik.
Mga bagay sa lalaking ito na nagturo sa ‘kin kung paano maging makabuluhan ang buhay. Kung ikukumpara sa akin; walang bahid peklat ang kamay, walang kalyo, malinis nakaalkohol pa minsan, hindi madulas ang inaapakan, at higit sa lahat pinagsisilbihan. Wala na dapat akong dahilan pa para maging malungkot at magreklamo sa nagyayari sa akin. Siya pinapahalagahan ang lahat na nagyayari at dumarating sa kanya. Kaya naging makabuluhan ito. Kaya naging makabuluhan ang buhay para sa kanya. Dapat ako din. Pahahalagahan ko din ang bawat bagay at pagkakataon na dumarating sa akin. At iconsider ko itong makabuluhan sa buhay ko. Para maging makabuluhan din ang buhay ko...

Ang TANGA (bow!) EPISODE 2

Sa pagpapatuloy ng ating blog series ng mga TANGA...
Babala (ULI): Basahin mo ito ng maigi baka isa ka sa kanila...
TANGA # 3: DAKILANG TANGA
Sila ang mga TANGA sa aking paligid na hindi halos ko malaman at maarok ang kanilang nasasaloob. Unahin natin ang isang Dakilang Tanga at tatawagin natin siyang Danica deVito. Siya ay mula sa Kingdom Animalia, Phylum Chordata, Class Aves, Infraclass Neognathae, Order Sphenisciformes, Family Spheniscidae. Siya ay isang kakaibang breed of aquatic, flightless bird. Oo, tama! Flightless. Si Danica deVito ay flightless.
Bakit kamu? Mahilig siyang magpalipad ng mga salita sa kanyang mga tauhan. Walang pakialam kung tama ang kanyang mga sinasabi o hindi. Hindi muna inaalam kung tama ang impormasyong binibitawan niya. Palibhasa utak ibon, kaya hindi masyadong malaki (malawak) ang pang-unawa niya sa mga bagay-bagay.
Kagaya ng kanyang mga kalahi, maliksi ito kung kumilos na pinatutunayan naman ito ng kanyang maliksing mga disisyon na minsan ay hindi akma sa sitwasyon. Pilit niyang iniinsist ang kanyang mga policies na siya mismo ang sumisira nito.
Minsan nagsumite ang isang estudyante sa kanya ng isang dokumento. Nang tiningnan niya, may typographical error daw. Kaya ng tinanong siya ng estudyante kung palitan ang dokumentong mali, nagkibit balikat lang si Danica. Hayaan na lang daw. Hindi na daw pwedeng palitan pa.
Siyempre na shock ako! Bakit hindi na pwedeng palitan ang isang gawang may mali. Bakit? Para ano? Para ipamukha mo lang sa estudyante mo na wala silang alam at hindi sila kalevel mo. Masyado mo naman yatang ina underestimate ang kakayanan nila...
Tanga siya dahil akala niya super magaling siya at inakala niyang kaya niyang gawin ang kahat ng bagay. Well, isa lang masasabi ko...wala siyang katalent – talent. TANGA!
Isa pang Dakilang Tanga ang aking ipi-feature. Tawagin natin siyang Valentino. Hindi dahil isa siyang mangingibig. Dahil nanggaling siya sa lahi ni Valentina. Alam mo na kasama sila Medusa at iba pang gorgons. Nagmula sila sa Kingdom Animalia, Phylum Chordata, Class Reptilia, Order Squamata, Suborder Serpentes, Family Hydrophiidae, Genus Laticauda, Species L. Schystorhyncha. Siya ay isang sea reptile at ang haba ay until i meter lang. Yes! Si Valentino ay hanggang isang metro at kalahati lang. Hindi apat na dangkal lang ata eh! Magkagayunpaman, masyado siyang venomous, that makes him dangerous. Oo. Talagang ang galing niyang mag-iba ng anyo. Kagaya ng mga kalahi niya ang galing niyang magpalit ng balat. From time to time nagpapalit siya ng balat. Bawat taong nakakasalamuha niya ay nag-iiba siya ng anyo.
Eh kaso tanga, hindi niya alam na marami na ang nagmamatyag sa kanya. Bistado na nga siya. Mula sa kanyang personal hanggang sa political aspect niya bistado. Bakit ko nasabing political kasi hindi bagay sa kanya ang present position niya. Dapat kasi maging politiku siya kasi ang galing magsalita. Sorry sa mga gud politician ha. Pero marami pa ring mga pulitiko na magaling lang magsalita eh. Naaalala mo pa ba ang classic quote sa mga pulitiko na nag speech nang:
Kung sino man sa inyo ang walang pagkain, lumapit lang sa akin at bibigyan ko nang pagkain.
Kung sino man sa inyo ang hindi makakapag-aral, ay lumapit lang sa akin at aking pag-aaralin.
Kung sino man sa inyo ang walang tulay, ay aking pagagawan ng tulay.
Kung sino man sa inyo ang walang ilog, ay aking pagagawan ng ilog.
Eto mas matindi...
Kung sino man sa inyo ang walang sakit, ay bibigyan ko ng pasakit...

Hehehe. Ganyan si Valentino. Ganun ka venomous ang dila niyan. Tanga ka kapag madulas ka sa mga pangako niya. Kung hindi nga niya natupad ang isang pangako sa isang tao noon eh. Pano pa ba niya matutupad yan sa ngayon sa kung kani-kanino lang? At sino bang tao ‘tong sinasabi ko. At ano ang kaugnayan niya kay Valentino? Ang taong ito lang naman ang karugtong ng buhay ng isang taong mahalagang-mahalaga kay Valentino. Yun na.
Pero may karugtong pa ang katangahang ito ni Valentino. Sino ba ang may matinong utak na nakalimutan kung ano ang kulay ng damit niya sa isang mahalagang okasyon? Ako nang graduation ko nang elementarya ako naaalala ko kulay puting polo ang damit ko. Sa kapatid kong nakakatandang lalaki hiniram. Tapos ang pantalon kong itim hiniram ng nanay ko sa cousin ko. Wag ko nang sabihin kung ano ang kulay ng underwear ko kasi may punit yun. Sinulsi ko lang gamit ang point five na karayom. Palibhasa kasi TANGA.

Eto ang pangatlong Dakilang Tanga. Tatawagin natin siyang Queen Elizabeth. Hindi dahil kasing ganda siya ng Reyna ng Inglatera. Hindi rin dahil pinanganak siya kasabay ng anak na babae ni Manny Pacquiao. Kundi dahil Reyna-reynahan ang drama niya. Siya ay nanggaling Kingdom Animalia, Phylum Chordata, Class Mammalia, Order Carnivora, Suborder Felifomia, Family Hyaenidae, Genus Crocuta, species Crocuta crocuta. Siya ay reyna-reyna sa opisina niya. Yes, si Queen Elizabeth natin ay kagaya ng kanyang mga kalahi at sila ay parang wolf kung magalit. Parang parang tiger kung tumingin. At parang lion kung magroar.
Kaya lang may katangahan itong si Queen. Minsan pumunta ang inyong abang lingkod sa kanya para asikasuhin ang pinagdadaanan ng alaga niyang hippopotamus. I mean aayusin ko lang naman sana. Eh nagfreak out ang lola mo nang malaman niyang hindi gumagawa ng tama ang alaga niya. Ayun tinawag ang alaga niya at pinagpapalo, pinagtatadyakan, dinurog-durog niya hindi pisikal ha, kundi ng mga masasakit na salita.
Lahat na yata ng scientific name tawag sa mental illness e natawag na niya sa alaga niya. No wonder na kakaiba itong si Hippo. Kawawa naman. Masyado kasing binibeybi, kaya yun.
Pero hayaan mo na. Tanga din queen e. Di tanga din si Hippo.

Pader (Episode 2)

Ang nakaraan...

Oo. Si Chikinini, si Debutant, at si Barbie Doll, minsan ding naging langgam sa buhay ko. Sinubukan kung tulungan sa abot nang makakaya ko. Ang disisyon sa kanila pa rin. Salamat na lang at nakikinig pa rin sila sa akin kahit papaano. Isa akong langgam na hinihingan ng tulong ng iba pang langgam. Para din akong pader na sinasandalan ng langgam para wag mahulog.

Kung ako ang pader na sinsandalan ng langgam, paano ako? Saan ako sasandal? Saan ako kakapit para manatiling nakatayo?

Sa pagpapatuloy...


Nakaharap ako sa laptop ko. Naghihintay na maconvert into movie file ang ginagawa kong presentation para sa project ng isa ko pang estudyante, si Wine Glass. Project at the same time memoir din nila sa teacher nila, si Beautiful.

Pagkalipas ng 48 years na paghihintay, nag lag ang laptop ko sabay hang. Alas tres na ng madaling araw ng mga sandaling iyon. Ilang beses na ring nangyari ang pag lag at pag hang ng laptop ko. Ayaw kasi makipagcooperate ng movie maker sa ginagawa ko eh. Tapos ang sony vegas na video editor masyadong malaki ang kinakain na space. Ang laptop ko pa naman eh, vintage ‘ika nga. Ala akong magawa kundi pagtiyagaan ang movie maker. Pero masyadong malaki ang file na ginagawa ko. Hindi pa rin malinaw kung kelan matatapos ang ginagawa ko. Ang totoo isa lang yan sa mga ginagawa ko. May isa pang brochure na pinapagawa sa kin. Buti na lang natapos ko na nung nagdaang gabi ang pinpagawa din sa ‘kin ng co-teacher ko, si Swangit, ng wedding invitation niya. Kelangan daw ihabol kasi nagagalit na manugang niya. Ayun, pinagpuyatan ko din magdamag.

Pero hindi ko na inantay pa ang isa pang paglag at pag hang ng laptop ko. Sapilitan ko nang pinatay (inoff po) ang laptop ko dahil hindi ko na kaya ang antok. Pinabukas ko na lang. Hinayaan kong lamunin ako ng himbing at maglaro sa aking panaginip.

Kinabukasan, pumasok ako sa skul. Papaakyat pa lang ako sa hagdan sinalubong na ako ng isa ko pang estudyante, si Pakpak, para magbayad ng one thousand five hundred pesos na inutang ko din sa isa ko pag co-teacher, si Alta Sosyodad. Si Pakpak na nangutang sa kaklase niyang si Kim Sam Soon ng one thousand five hundred pesos pandagdag sa skul fees nito. Pinautang naman ni Kim Sam Soon si Pakpak. Ang problema, ang perang pinautang ay pambili pala ni Kim Sam Soon ng ticket papuntang Maynila. Okey na naman sana ang hangarin ni Kim. Nangako naman kasi si Pakpak na babayaran siya sa susunod na lunes. At ngayon na nga ang lunes na iyon. Kung panu nalaman ng nanay ni Kim Sam Soon na pinahiram niya ang pera ay dahil nung magtext back si Kim sana para kay Pakpak, sa ina nito napindot. Ayun napagalitan tuloy siya at hinihingi ang kopya ang ticket niya. Naabutan kong nakahandusay sila sa sahig ng skul at iyak ng iyak si Kim. Ala rin magawa ang mga kaklase niya. Kaya nang lumapit ako, dinulog nila ang problema. Ayun sa tulong ni Alta Sosyodad na solusyunan ang problema. Kaya nang lunes na yun ang bayaran para maibalik ko kay Alta ang perang hiniram na one thousand five hundred pesos.

Mga bandang tanghali ng araw na iyon nakita ko ang isa kong estudyanteng lalaki, si Songster. Kasama ang dalawa pa niyang classmates. Wala. Nag-uusap lang. Umupo ako sa tabi nila at nagsimula uli ng pag-iimbistiga. Si Songster ayun sa aking bubuwit may problema. Nitong mga nakaraang linggo habang papalapit magclosing ay naging pariwara. Tinanong ko ng mga sandaling iyon kung totoo. Honest naman siya. Sinabi niyang may problema daw. Ang problema. Ang girlfriend ni Songster inilayo sa kanya ng mga magulang nito. Siyempre mahal na mahal ni Songster ang babae. Ayaw niya sanang pakawalan. Mahal din daw ni babae si Songster. Naintindihan ko ang posisyon ni Songster. Pero hindi ako nagconclude kaagad. Hindi ko kakilala ang mga parents ni babae. Hindi ko rin alam kung ano ang mga dahilan nila. Ang sinabi ko lang kay Songster, you’re still young and you still have a long way to go. Kung kayo ni babae, kayo. Kung hindi di hindi. Naawa lang daw siya kay babae. Kasi daw masyado itong inaapi ng mga magulang niya at kapatid. Hindi ko alam kung nagsasabi ng totoo si Songster, ang tanging alam ko lang kelangan ni Songster na i-fix ang sarili niya. He has to pick up the broken pieces of himself. Not for anyone else but for himself and for the one he is going to love in the future.

Gabi na ng umalis ako ng iskul, dali-dali akong pumunta ng Mall malapit sa skul namin. Nakita ko duon ang mga studyante ko sa fudkort. Nag-uusap at parang may kinakalabang mga demonyo. Tinawag nila ako at inayang umupo duon sa kinaroroonan nila. Lukot ang mga mukha nila kaya ko tinanong. Anong problema? Sagot ng isa, si Debutant: Daddy may problema. Bakit? Ang naging tanong ko. Ang trainor namin na kinontrata sinisingil na kami. Ah, trainor nila. Sa isang sayawan na final activity nila sa kanilang rythmic activities na subject. Nagbayad na daw sila ng half, kaya lang ayaw maghintay ng trainor ng remaining half. Natakot si Debutant na pagalitan ng kanyang ina at masira ang pangalan niya sa trainor. Ayun, on the rescue na naman ako uli. Tiningnan ko ang pwedeng mangyari sa financial aspect ko. Nag-online ako kung dumating na sweldo namin. Dumating naman siya kaya pinahiram ko na lang ang kalahati ng perang pang allowance ko.

Pagkatapos ng mahabang meeting na yaun sa mall nagpasya na akong umuwi sa dorm. Binalikan ko ang ginagawa kong presentation ni Wine Glass. Umasa ako na sana maging maayos na lahat para matapos na at makapagcheck na ako ng mga final answer sheets ng makapass ako ng grades on time. Eh ang kaso, inabot na ako ng siyam-siyam ganun pa rin ang nangyayari. Maglalag ang laptop saka mag hahang. Nainis na ako. Ayoko na ngang ipagpagpauloy sana. Kaya lang naiisip ko kailangan na nila Wine Glass ang project nila.

Buti na lang may nagtext sakin mga bandang ala una ng madaling araw. Si Rebel. Estudyante ko rin. Kinausap ko at sinsabi ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Sinabi ko kay Rebel na magpapakamatay na ako dahil ayaw pa rin magcooperate ng movie maker. Naghahang pa rin sa t’wing icoconvert ko na sa movie file. Saka ako nakatikim nang panlalait at pag-aalipusta ng aking estudyante. Pinaalalahan niya ako ng mga sinabi ko sa kanya nuong siya’y nasa matinding problema.

Bigla akong natigil sa pag-iisip, pagkurap, at paglunok ng laway. Ano nga ba ang mga sinabi ko sa kanya nuon? Balikan natin ang gabi ng lagim ni Rebel. Si Rebel, matalino, student-leader , may paninindigan. Rebel nga di ba? Minsan gumawa siya ng isang move laban sa mga tagapamahala ng isang kaharian. Ang kaharian na iyon ay tawagin nating “TRALALA”. Okey naman sana ang sitwasyon duon kaya lang may mangilan-ngilang mga incidents na taliwas sa inaakala nila Rebel. Siguro hindi lang naipapliwanag ng maayos ang mga sitwasyon. In other words, misunderstanding.

Takot na takot nuon si Rebel. Akala lang ng lahat malakas siya. Sa ‘kin kumuha ng lakas si Rebel nuon. Sinabi ko sa kanya, huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyayari. Things happen for a reason. Lahat may dahilan. Ikaw lang ang naging instrumento na ginawa para sa isang pagbabago. Sinabi niya wala naman daw pagbabago na nangyayari pagkatapos ng ginawa niyang pag-aklas. Sabi ko naman sa kanya, hindi naman para sa’yo ang pagbabagong iyon eh. Kundi para sa susunod na lipi. Ibig sabihin lahat ng ginawa mo ngayon hindi para sayo kundi para sa susunod sa ‘yo. Para pagdating nila maayos na ng namumuno ang mga mali nila. Ang mga nagyari ay di na maaring balikan. At ang mga maling ginawa ay hindi na mabubura sa isipan ng kasalukuyan. Ilang taon ba bago nakamtan ng Pilipinas ang Kalayaan? Nuon bang umaga pagkatapos barilin si Rizal Luneta? Hindi. Taon at dekada ang binilang bago tuluyang nakuha ng Pilipinas ang soveriegnty niya.

Kayat ibinalik sa ‘kin ni Rebel ang mga salitang “things happen for a reason”. Ano man ang dahilan kung bakit nag-iinarte ang laptop ko hindi ko alam. Wala na akong pakialam kung anuman. Natulog na lang ako ng mga oras na iyon at pinanalangin ko na lang na sana sa susunod na araw makakaisip ako ng magandang paraan.

Oo. Nang sumunod na araw saka ko lang naisip na hatiin sa dalawang tracks ang isang mahabang presentation. Nagkasya naman. Higit sa lahat na convert into movie file. Duon ko naisip na hindi lahat ng gustuhin natin ay nakukuha natin. Ang strategy ng paghahati sa dalawang tracks ay alam ko na iyan for years bakit hindi ko pa naisip kaagad. Minsan ang hinahanap pala natin ay nandidiyan lang sa tabi – tabi. Hindi na natin kelangan pang lumayo. Lahat ng nangyari ay isang test lang sa akin kung gaano ako katatag bilang tao. At kailangan natin ng mga taong maging tulay upang matawid natin anumang ating minimithi sa buhay. Dun ko rin naisip na sa pagtulong ko sa maraming tao naging watak-watak na rin ang sarili ko, ang puso ko, at ang concentration ko. Kelangan ko din palang pulutin lahat ng mga nagkalat kong sarili para mabuo ako muli. Hindi ko pala kayang ibigay ang lahat-lahat sa mga mahal ko sa buhay. Kailangan na tirhan ko rin ang para sa sarili ko. Dahil tao rin ako; nabubuhay tulad ng maraming mga taong tinulungan ko.

Oo. Pader nga ako. Kung sa pakiramdam ko babagsak na ako, nagkamali ako. Ang pader pag walang bubong nagiging marupok. Walang silong na lalaban sa init at ulan. Pero ako pader na may bubong. Ang bubong ko parati kong tinitingala. Nandidiyan sa taas; parating nakatingin, gumagabay, at pumuprotekta sa ‘kin. Ang Diyos. Ang bubong ko. Ang kanlungan ko.

Kahit anumang unos ang darating sa buhay ko; alam ko mananatili akong matatag... ako... pader...nanatili pa ring buo...

Pader

Nagising ako isang madaling araw mula sa pagkakahimbing dahil sa tunog ng cellphone ko. Mensahe para sa ‘kin ang nilalaman ng text na yaon. Ang sabi...
“Dad, pwedeng mahiram ang calculator mo for tomorrow? Kasi finals na namin.”
Naalimpungatan ako bigla. Tiningnan ko ang orasan mula sa cellphone ko. Alas tres ng madaling araw. Hayup, ang estudyante ko gising pa hanggang mga oras na yun? Nag-aaral Kasi finals na pala nila. Eh, kaso nakakontrata na ang calculator ko. Syempre two days before the scheduled exam may nagpaschedule na makahiram ng calculator ko.
Tumayo ako sa pagkakahiga at nagbawas ng mga masamang likido sa aking katawan. Habang nakatayo ako sa harap ng toilet bowl (syempre dapat nakatayo ako di ba? Helo, alangan namang nakaupo ako, hehehe)napansin kong may dalawang langgam na pula sa pader ng toilet ko. Nagtutulakan sila. Naisip ko, naglalampungan ba ang dalawang langgam na iyon? Yuck kadiri sila, ha? And take note class, ay readers pala, dala-dalawa lang sila. Tinitigan ko nang mabuti ang dalawang langgam at napansin kong hindi pala sila naglalampungan. Nagtutulak pala (hindi ng droga, ha?) sila ng isang butil na kulay puti na parang tirang kanin ‘ata. Hindi lang ako masyado sure, ha? Pero pagkatapos kong magkisay dahil paubos na ang masangsang na likido mula sa aking kaibuturan, naiisip ko pa rin ang dalawang langgam na iyon. Hanggang sa aking pagkahiga ay dala-dala ko (hindi ang mga langgam, ha?) ang alaala ng dalawang langgam na nagtutulungang pasanin ang isang maliit na butil. Siyempre, obvious ba, kagaya ng kwento nung tayo ay bata pa, ang mga langgam daw nag-iipon ng makakain nila sa tag-araw ng sa gayun ay may kakainin sila pagdating ng tag-ulan.
Binalikan ko ang cellphone at nag-reply sa mensahe ng estudyante ko. Nagsori ako syempre dahil hindi ko na siya mapapahiram. Kung bakit kasi nahuli siya ng pagkakasabi eh. Nagreply naman siya na okey lang daw. Hanap na lang siya ng ibang mahihiraman. Mabigat din sa loob ko yun. Eh, anong magagawa ko. Iisa lang ang calculator ko sa buong buhay ko. Dinaan ko na lang sa panalangin na sana may magpapahiram sa kanya. Parang tulong na rin. Kagaya ng langgam na may karamay sa pagbitbit ng isang butil ng kung ano.
Oo. Kahit sa anong paraan kailangan natin ng tulong. Pisikal man, mental man, emosyonal man, ispiritwal man, at sa marami pang bagay. Naalala ko tuloy isang araw ng marso ngayong taong ito. Araw ng sabado, katorse ang petsa. Ang ganda nga ng mga pagkakatugma-tugma eh no? Marso. Fire Prevention Month. Maiinit. Naglalagablab. Katorse. Pelikula ni Dina Bonevie noong araw. Yun ata ang launching movie ni Dina eh. Me mga mga nag-aapoy ding eksena duon ah. Tapos year of the ox pa. Wala lang. Hindi ko alam kung ano significance ng ox sa susunod kong kwento eh.
Pero nung araw na iyon ay araw ng 18th birthday ng isa kong estudyante. Debut nga kung tawagin. Syempre imbitado ang lolo mo. Okey na sana ang sitwasyon ko eh. Nakapagbili na ako ng regalo sa kanya. E dahil gago ako, ng sinabi ng isa ko pang estudyante na aayusin ko ang presentation na ginagawa niya for the debutant, umuoo ako ng walang kagatol-gatol. Sa kabutihang palad nag-iinarte lang naman ang laptop ko na vintage model ng isang sikat na brand ‘ika nga, ang 4-minute presentation ko ay inabot ng 4 na oras na pagkakaarrange. Nagsialisan na lahat ng dadalo sa party ako naiwan pa rin kasi may class pa ‘ko until 3 pm. Nagtiyaga lang ako.
Okey na rin naman sana lahat eh. Kaya lang biglang may pumasok sa room kung saan nirereview ko na lang ang presentation na ginagawa ko. Isa ko pang estudyanteng babae. Tawagin natin siyang Barbie Doll. Tinawag ko siyang Barbie Doll hindi dahil kamukha niya. Wala lang akong mabigay na code sa kanya eh. Umpisang nagsalita si Barbie Doll. Nagsosori siya saken dahil nga mga dalawang linggo na siyang absent sa classes niya. Hindi na ako nagtaka nung una. Ano pa ba? Estudyante rin ko dati kaya alam ko ang bawat diskarte ng alibi. Nagjoke ako sa kanya na bakit ka absent that long? Sinagot niya ako na hindi daw maganda ang pakiramdam niya lately. Nagjoke ako uli. Bakit ‘kako. “Buntis ka ba? “ tanong ko sabay ngisi. Sinagot naman niya ako ng mabilis pa sa alas kwatro ng “oo”. Nashock ako! Hindi pa pala... deadma ako muna. Sinong ama? Si Ferdinand Marcos? Si Elpidio Quirino? O si Fernando Poe Jr? Siyempre joke yun di ba? Sinagot ba naman ako na: “Hindi mo kakilala, sir. Pero boyfriend ko siya mga six months NA kami.” Dun ako nagulantang! In english, shock ako. Totoo na pala ang sinasabi niya. Tiningnan ko siya sa mata. Nakangiti siya. Parang ngiti ng mga Barbie Dolls. Nakasteady lang; walang bahid ng kasinungalingan, inosenteng tingnan, walang pakialam kung sasampalin ng batang naglalaro sa kanya. Basta ngiti lang ang walang kabuhay-buhay na manika. Lifeless. Sampalin ko kaya ‘tong estudyante ko ano? Hindi na ako nakapagsalita pa. Siya na mismo ang break ng silence ko ng 48 years. Sabi pa sakin na may matinding assurance na, “Oo, sir, maniwala ka buntis ako. One month today.” Today. Kelan kayo nagjugjug? Tanong ko. Twice daw sabi niya. February 1 at 14. Oo nga. Tanga ako. One month nga today di ba?
Gulat man ako, malugod kong tinanggap na hindi na siya virgin. Ang tanong kung tanggap ba ng parents niya? Ayaw nga daw siya kausapin ng mga magulang niya eh. Syempre sino ba namang magulang magkakagusto. Tinanong ko siya uli kung alam na ng lalaki ang sitwasyon niya. Alam naman daw. At nais din nito panindigan ang responsibilidad. So, okey may tatayong ama. So, walang problema. Hindi rin daw kasi confuse siya. As in siya mismo confuse. Ayaw niyang magpakasal sa ama ng bata. Sabi pa sakin, one month pa lang so pwede pang mawala. Sabi ko naman sa kanya bakitmo iwawala eh gift from God yan. Pinabulaanan ba naman ako ng “eh kung gift from God ‘to, dapat this should come at a proper time.” Sinisi pa Diyos, eh kayo ang may gawa niyan eh. Pero siyempre alam ko ang sitwasyon niya, besides hindi natin alam kung kelan ang time ni God. Siguro hindi proper time sa atin, pero kay God iba. Ang time natin is different for God’s. Sabi ko nga sa kanya, its more than just a gift, its a blessing. At walang kasalanan ang bata.
Hindi nagtatalo pa rin ang takot sa kanya. Panu daw kung masira ang pag-aaral nya dahil sa sitwasyun niya. Oo, nga naman. Pero sa kabilang banda, sabi ko nga sa kanya, hindi naman lahat ng ninanais natin for ourselves eh naabot natin di ba? Hindi din naman siya sure kung mawawala ang pinagbubuntis niya eh makakapagpatuloy siya sa pag-aaral dahil alam na nga ng parents niya. Pano kung mas masisira pa lalu ang buhay niya pagnawala iyon. Kung ano man ang nasira sa kanya, ang anak niya ang magpapatuloy nung itinigil niya at magpapatuloy ng kanyang nasimulan. Alagaan lang niya at palalakihin ito sa kabutihan.
Ngunit tinanong pa rin niya ako kung tama bang ipalaglag niya. Siyempre sinabi ko sa kanya na, Go! Pero tanungin mo muna sarili mo alin ang kakayanin mo. Ang sasabihin ng ibang tao sa loob ng siyam na buwan na pagbubuntis o ang pag-uusig ng konsensya mo habangbuhay. Malinis ka nga sa harap ng maraming tao, pero malinis ka nga ba sa sarili mo? We can always lie to others but not to ourselves.
Nakikita ko naman na unti-unti nagliwanag ang kanyang mukha. Pero may isa pa siyang problema idinulog. Kung magpapakasal ba daw siya o maging single mom. Kasi hindi daw siya sigurado sa sarili niya eh. Sa nararamdaman niya. Pano kung bigla na lang aayaw na siya sa lalaking iyon. Sayang din naman ang pagpapakasal. Sabi ko naman sa kanya, ang pag-ibig parang halaman yan. Paghinayaan mong mabilad sa araw at kulang sa pag-aalaga, malalanta at mamamatay. Pero pag-inalagaan mo at diniligan mo ito, yayabong at mamumukadkad.
Natapos na lang ang pag-uusap namin ng nagsimula na ang one o’clock class ko. Its a two-hour class kaya natapos kami 3 pm. Dali-dali naman akong pumunta na sa party ng debutant nung araw na iyon. Masaya ang party nila. May poi – fire dancing. Siyempre mainit nga di ba? Mainit din ang pagtanggap sa kin. Kasing init ng mensaheng ibinigay ko sa debutant. Ang message ko kasi has something to do with the gift na ibinigay ko sa kanya as treasure. Marami nga ang nagtaas ng kilay sa binigay kong gift kasi nga kwentas na panlalaki. And my speech goes something like this:
Once there was a little girl, who came out from nowhere,
She was an angel to her family and to her friends;
Now that little girl is going to celebrate her womanhood.
And that little girl is you.
Now that you are a woman, your parents can’t hold you back for relationships.
Whether they like it or not you will someday look for the man –
Whom you will love and share your life with.
How will you choose the man to love?
Love not a man for treasures, for riches dont last;
Love not a man who loves you now, because impulse is temporary;
Rather, love a man who can survive the test of time,
for only time is capable of understanding what true love is all about.
I am giving you this gift not for you to wear, but for the man you choose to love-
for the rest of your life.
Do not just give this to any man who doesnt deserve it. Give this on the day
of your wedding.
How do you look for someone to share your life with?
Look not for a man whom you think perfect for no one is.
Look not for a man whom you are in compatible with, for you might get suffocated.
Rather, look for the man whom you are in complement with, to make you complete.

At sa speech ko nasagot lahat ng tanong nilang bakit panlalaki na kwintas ang binigay ko. Afterall, I am a father to her and that is my treasure for her. Pagkatapos ng party, hindi pa kami dumiretso ng uwi. Nag night out kami ng mga students ko. Sa isang coffee shop kami natigil. Hindi kami umabot ng dalawang oras sa pagkakaupo ng napapansin kong kakaiba ang kilos ng isa sa kanila. Tawagin natin siyang Chikinini.

Si Chikinini, balisa. Hindi alam ang gagawin niya ng mga oras na yaon. Siyempre nahalata ko. Sinubukan ko siyang kausapin. Natatameme siya at times ngunit naghihimagsik at nag - aalab din ang mga salita niya minsan. Nagsimula akong mag-imbistiga direkta sa kanya. Ayaw niyang magpahalata na uneasy siya sa akin. Nagsimula ako. Sabi ko, may hindi ka sinsabi sa akin. Tumaas ang kilay niya. Ano daw iyon. Wala daw. Siyempre tinanong ko siya uli. Ano ba problema. Wala pa rin daw. Deadma lang ako. Pero pinapapili ko siya sa dalawang bagay. Revelation o confrontation. Nagtaka siya. Sabi ko sa kanya, pagkusa kang magsasalita, thats revelation. Pag ako nagtanong sa ‘yo, that’s confrontation. Dun siya nagimbal sa sinabi ko. Alam na niya na may idea ako sa mga nangyayari sa kanya. At nagsimula siyang magkwento. Si Chikinini in-love pala. At may karelasyon. Si Cute. Si Chikinini, gwapo, si Cute gwapo din. Ibig sabihin, same sex relationship. Okey lang. Sana. Kaya lang on-the-rock ang relationship nila. May doubt si Chikinini na niloloko lang siya ni Cute. Ewan ko lang si Cute kung may dudang niloloko siya ni Chikinini. Nakikipaglaro din kasi ‘tong si Chikinini eh.(Sa pagkaka-interpret ko ha?) ano ba pwede kong maadvice sa same sex relationship? Hindi ako against, pero hindi ko rin pinopromote. Tinanong niya ako kung mali bang makipagrelasyon sa same sex. Sinabi kong hindi. Totoo namang hindi di ba? For as long as mahal mo ang isang tao and you’ve been happy being with that person, so be it. Ang mali kung pareho niyong niloloko ang mga sarili niyo. Parang sila ni Chikinini at Cute.
Hindi nga fully defined ang relationship nila eh. Parang wala lang. Parang sila na hindi. Pero infairness naman nagkakaintindihan naman sila sa text. Sa text lang. Tinanong uli ako ni Chikinini kung paano ba niya malalaman kung totoong mahal siya ni Cute o kahit minahal man lang. Simple lang sagot ko. Makipagbreak ka! I mean pormal na break up. Ang tanong niya pano nga malalaman. Ang sagot simple lang din uli.
“ Kung gagawa siya ng paraan to win you back then he could have loved you and is still willing to love you more. Pero kung hahayaan ka lang niyang mawala, then he could not have loved you. In full qoute; if you love the person set him free, if he comes back he is yours, but if not, he was never yours.”

Masakit man para kay Chikinini tinanggap naman niya ang sinabi ko. It was indeed a test for him and for Cute.

Hindi man naging maganda ang ending ni Chikinini sa karelasyon, hindi naman iyon naging dahilan para tumigil ang mundo niya. Hindi pa man klaro para kay Debutant kung para kanino ang kwitas na iyon, hindi iyon naging hadlang para hanapin ang lalaking para sa kanya. Hindi man naging bukal kay Barbie Doll ang disisyong magpakasal, hindi naman dahilan iyon para kitlin ang isa pang buhay sa kanyang sinapupunan.

Oo. Si Chikinini, si Debutant, at si Barbie Doll, minsan ding naging langgam sa buhay ko. Sinubukan kung tulungan sa abot nang makakaya ko. Ang disisyon sa kanila pa rin. Salamat na lang at nakikinig pa rin sila sa akin kahit papaano. Isa akong langgam na hinihingan ng tulong ng iba pang langgam. Para din akong pader na sinasandalan ng langgam para wag mahulog.

Kung ako ang pader na sinsandalan ng langgam, paano ako? Saan ako sasandal? Saan ako kakapit para manatiling nakatayo?

Ikukuwento ko ang sagot sa susunod kong article... (Pader, episode 2)

Da Who ( Number 2)

(Ito ang aking pangalawang Da Who. At bahala na kayo...)

SOOBDYEK: GURLALU Duo

Da Who itez GURLALU na best in collections the boylets in her life?

Itez the storyline...

CODENAME: GURLALU Duo. Whyness? Si Gurlalu may duo. As in double dutch flavoring boylets in her life. Hindi lang one but two boylets at the same time. Da Who the first boylet ba? Da first boylet, tatawagin nating si Foot Long. (Ha? As in 12 inches...) Hindi. Long time boylet ni Gurlalu si Foot Long. As in long time na. Mga 48 years na ‘ata. (Tapos?) Happiness naman attachment nila. Kaya lang, once upon a time, da Gurlalu make hanap a textmate. ‘Sang intrimitida ang best in facilitate a textmate to Gurlalu. And so be it.

Si Gurlalu, may I see you ang drama kay Texonomy (ah katextmate). Si Texonomy may I apply ang drama din kay Gurlalu na hired naman ang jending nila. Siyempre wiz nowang ang Foot Long sa kaek ekan ni Gurlalu. Sealed with a kiss ‘ika nga ang lihim na pagtatagpo. Hindi lang once sila best in meeting kundi times one thousand up to da nth level. Derfor, si Gurlalu nalaglag ang puson, ay este puso pala, kay Texonomy. Vice versa naman si Texonomy kay Gurlalu.
Naglaglagan sila ng puso.

One day, isang araw, si Gurlalu nag opening remarks kay Texonomy na may Foot Long din siya. Becoz understanding si Texonomy, wiz comento na lang lolo mo. Da story still goes on and on for Texonomy and Gurlalu.

Nung graduation day ni Foot Long may nag givsung ng gift ever sa ninong mo nang Putok! (Hindi po sa kili-kili, Baril Po! Ay!) Famous line ni Foot Long kay Gurlalu, “Itez bariles, tegokers u pagnowang shukon na may ader boylet u.” Alarmed si Gurlalu. Tegokers da beauty pag nowang ni Foot Long...

May nowang nga kaya Foot Long? Itez follow up...
Si Foot Long homecoming sa housing project ni Gurlalu one morning. Countless sa dami ng bubuwit sa area nila. Seeing ang beauty ni Gurlalu, SSWW ang drama with Foot Long. In da afternun, si Texonomy naman homecoming sa housing project ni Gurlalu. Zino zsa? Tanong ng bayan? SSWW pa rin sila ni Gurlalu. Zeeeee Lola Dearie ni Gurlalu yawyaw ever siya. Famous line, “I dont like u doing na Gurlalu. Zorayda Sanches na yan... Givsung mo naman one of dem shukon...”

Da who itez Gurlalu na may duo? Clue: petite monde, legally blond, valle verde.

Da who itez Foot Long? Clue: petite monde, cheese cake.

Da who itez Texonomy? Clue: Genting Highlands, Slim Fit

Yun na!

At Babu na ang Da Who!