Tuesday, December 9, 2008

HINDI AKO MABAIT!

Hindi ako mabait. At mas lalung hnid ako santo. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Bakit ako magiging apektado sa sasabihin ng iba? Marami daw nasasaktan sa mga sinabi ko. E nagsasabi lang naman ako ng totoo.

Kapag sila magpakita ng totoo nilang nararamdaman, hinahayaan ko lang. pinababayaan kong gutay-gutayin nila at durug-durugin ang aking wasak ng pagkatao.

Pero bakit pag ako naghiganti sa kanila, nagagalit sila. Lumalabas in the end ako ang may kasalanan. Well, sa isip ko insecure sila. Teka, ang tanong ano ba ang dapat nilang ikainsecure sa akin? Helo? Isa lang akong simpleng tao, simpleng likha ng Diyos, na may simpleng hangarin sa buhay at may simpleng kaligayahan.

Pagiging simpleng tao?

Wala akong kiyeme at arte sa katawan. Walang relo, walang alahas, old-fashioned ang cell-phone, gasgas ang sapatos, gasgas ang tsinelas. Oo, nagtatie ako! Pero, helo? Uniform kaya yun… pagnakacivilian ko; t-shirt, shorts, tsinelas at sombrero (baseball cap) lang solve na ‘ko. Siyempre dapat nandiyan ang aking walang kamatayang backpack at may bitbit pang tuwalyang pamunas ng pawis at sipon. Kaya nga ako nasita one time dahil pumunta ako sa skul ng “NAKACIVILIAN”. Akalain mong sinita ako Friday, wala akong pasok at take note past 6 pm na. Wala naman akong balak mag overnight duon. Nagdrop by lang ako para kunin ang laptop ko. It just happened na inantay ko ng sampung segundo ang nag CR kong kasamahan. Well, the scolding line was :”#$%%&^%*(pangalan ko kunwari) next time do not come into the skul with your tsinelas and shorts. You don’t look DECENT in that attire.” Siyempre naalimpungatan ako. Bakit kasi ang salitang ginamit eh, DECENT! As in negative ng DECENT! In other words INDECENT! Wow ha! Syempre sinagot ko naman na: “*&^%$#@! (pangalan niya) ibig mong sabihin mukha akong POKPOK? Baka ibig mong sabihin UNPROFESSIONAL? ”

Well, whatever yaya. I don’t care whatever the exact word should be. The bottom line that “scolder” wanted to tell me is, hindi raw ako karespe-respeto. Again in all capital letters KARESPE-RESPETO! How nice! Sino kaya sa amin ang hindi KARESPE-RESPETO: ang taong nakikijam nang pagsisigarilyo sa mga estuyante anytime of the day o ako na nagsuot ng shorts at t-shirt sa skul past six na nang gabi at wala pa akong duty ng araw na iyon para mag drop by lang ng laptop ko? Kayo na ang humusga. Whatever yaya!

Pagiging simpleng likha ng Diyos?

Oo. Napakasimple kong nilikha ng Diyos! Ika nga eh, isang simpleng obra maestra ng Diyos. Simple lang ako kasi wala akong masyadong iskedyul sa pagsimba. In other words, hindi ako OA sa pagkareligious. Well, no offense sa mga daily mass attendees. Sorry. Peace tayo. Hindi sa tinatamad ako, kundi siguro kulang ako sa motivation. O di kaya eh kulang ang time ko para magsimba. Pero kanina may naginterview sa akin na mga students. Assignment daw nila sa Communication Skills subject nila. And my question goes this way: (hehehe) “What is the first thing that you do when you wake up in the morning?” Syempre shocked ako! Alam mo yung feeling na para kang contestant sa Ms Universe. Starstruck ka sa mga tanong. Takot ka na baka ka “mabackstroke” sa sarili mong sagot. Siyempre in a split of a second nag-isip ako. (Kahit kokonti na lang ang utak ko, dahil naagnas na sa sobrang init ng Pilipinas, hehehe) At ang naisagot ko in straight forward manner at hindi halatang scripted ay: “The first thing I do in the morning before everything, before brushing my teeth, before facing the mirror, before removing the ‘muta’ in my eyes, is to pray”(Clap naman diyan!)O perfect di ba? Pero may dagdag pa yan. And it goes this way: “The last thing I do before I sleep and the first thing I do in the morning is to pray. Wanna know what I pray for? To thank God for giving me another brand new day, brand new challenge, brand new life to live on.” Palakpakan uli sila ni Fritz.”

Oo. Totoo. I pray at night and in the morning. Pero ito pa. kailangan niyong tumambling sa isa ko pang kuwento. One time kami naman ni Joemar ang magkasamang pauwi. Gabi na. Mga bandang alas nuebe na nang gabi. E hindi pa ako nagdodorm nun. Habang nag-aabang kami ng masasakyan, biglang may pumarang sasakyan sa di kalayuan. Tumakbo si Joemar papalapit duon. Maya’t maya tinawag ako ni Joemar. Nakihitch kami sa sasakyan ng tiyuhin niya. Bingo! Iba talaga pag may pananalig sa Diyos. Pero bago ako makababa nuon, tinanong ako ng may-ari na siya ring drayber ng, “Sir, do you know Jesus?”

Siyempre shocked na naman ako. Wow! Naisip ko , what a question. Wala akong maisip na sagot sa mga sandaling iyon. Nablangko ako at hindi ko namalayang sumagot ako ng “YES”. Dali-dali na sana akong bababa ng biglang sinundan niya ng isa pang tanong na, “Then who is Jesus?” Gusto ko nang magfreak out. Sana sinabi ko na lang hindi para wala nang tanong-tanong pa! Pero dahil nakihitch lang kami, therefore I conclude, magtodo project ako para hindi naman mapapahiya ang lolo mo. Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis at sabay nag-isip. Pero walang nakarehistro na sagot sa aking memory chip. Para akong nagsuffer nang temporary loss of memory. I was simply trapped in a rib cage. Buti na lang nadun ang guardian angel ko at may ibinulong siya sa akin. And I answered franctically without hesitation pero cool na cool ang dating with matching poise, bearing and projection plus proper diction and delivery na:

“Tita, Jesus is my savior.”

Panalo ang ninong mo! Palakpakan na naman uli dapat. Nagulat din ako sa sinabi ko. Pero mas nagulat ako sa reaction niya pagkatapos na pagkatapos kong sumagot. Napasigaw siya ng, “Alien! Praise The Lord!” Natuwa naman ako na naapreciate niya ang sagot ko. O di ba? Simple lang akong niliha ng Diyos. Kahit wala sa itsura ko at sa aura ko ang pagiging relihiyoso, lalung – lalo ang aking malisyosong pag-iisip at matabil na mga labi, idagdag mo pa ang aking mga makamandag na mata at nakakatetanung dila, pero paminsan-minsan relihiyoso din ako. Lalo na pag nagigipit ako!

Ako ang taong may simpleng hangarin sa Buhay!

Bakit ‘kamo? Dahil simple lang ang gusto ko sa buhay. Ayoko ng marangyang buhay. Kasi natatakot akong maholdap. O di kaya’y makidnap at hihingan nang ransom money ang pamilya ko. Ayokong magkakotse kasi takot akong magmaneho. Ikaw ba nama ang reregalohan ng color blind na mga mata, anong gagawin mo? Ayoko nang maraming damit. Hindi ako marunong maglaba at mamalantsa. Ang totoo alam ko rin tinatamad lang ako. Ayoko magkaroon nang malaking bahay. Tinatamad din akong maglinis. Gusto ko lang ang simpleng buhay. Walang kaaway. (Dahil walang pumapatol sa akin.) walang maraming girlfriend. (O baka boyfriend?) Walang maraming magulo sa buhay ko. Nais ko lang ay ibahagi sa mga kabataan ang aking mga walang kwentang kaalaman ng sa gayon ay masasabi din nila sa kanilang mga sarili na kakaiba ako. Indi dahil sa magaling na magaling ako kundi dahil sa naging parti ako ng buhay nila. Sa maigsi gusto ko lang magturo. Gusto kong maiahon ang kanilang papalubog na kaisipan. Gusto kong iangat ang kanilang kaalaman mula sa tradisyunal patungo sa makabagong teknolohiya. Gusto kong maging outspoken sila nang marinig naman ng lahat ang boses nila (kahit pangit itong pakinggan). I want them to enjoy their college life. I want to share laughters with them. I want to be part of their struggles to get the degree they want. I want to be complete.(Commercial muna!) kaya dapat panindigan ko kung ano man ang nasimulan ko. At iyon ay ang pagiging guro, teacher, mentor, educator, trainor, tutor at kung anu-ano pang tawag sa mga taong bumabahagi ng kanilang kaalaman (kung meron man o kung may kabuluhan man) sa mga kabataan. Yun lang ang gusto ko. Yun lang ang aking simpleng hangarin sa buhay. In other words, “Man, I just simply love teaching.”

Simple lang din ang kaligayahan ko.

Kagaya ng hangarin ko, ang kaligayahan ko ay ang makita ang mga estudyante kong maggrow. As in GROW. Hindi lang grow up, ha! Hindi din sudden growing. Yun bang pasasalamatan ka nila hindi dahil tinuruan mo sila hindi lang tungkol sa lesson nila sa araw na iyon, kundi tinuruan mo din sila kung paano tawirin ang nagbabadyang alon ng kanilang buhay sa araw-araw na lumipas. Yun bang pagkausap mo sila, pasasalamatan ka nila dahil nandun ka para makinig sa mga hinaing nila sa buhay. Hindi rin dahil may gagawin ka( kunwari babayran mo ang tuition nila) kundi dahil alam nila na nandun ka para damayan sila. Magpapahid ng luha. O di kaya’y sabayan siyang kumain o uminom. O di kaya’y sabayan siyang magdisco. Wag lang mag druga. Masama yan.

At pagkatapos ng ilang taong pagsasama ninyo, gagradweyt sila, magdedepart kayo from one another. Magtatrabaho sila; magiging propesyunal din sila katulad mo. Pero mas mararamdaman mong mas masarap namnamin ang mga salita nilang “Sir” kapag tapos na sila. Kasi duon mo marerealize na, these people nung panahong nag-aaral pa sila, napipilitan lang silang tawagin kang “sir” dahil baka i-fail mo sila. Pero pag tapos na sila wala ng dahilan. Wala ng behavior, quiz, attitude at grade na basehan. Pero tinatawag ka pa rin nilang “sir o mam”. Dahil yun na ang nakasanayan nila. Iyon na ang gusto nilang itawag sayo. Iyon na ang respeto nila sa yo. Dahil nakita na nila ang dahilan para respetuhin ka nila. Alam na nila ang dahilan kung bat mo sila minumura-mura nuon. Alam na nila ang dahilan kung bakit mo sila sinisigaw-sigawan at pinagagalitan nuong araw. Dahil iyon ay para sa kabutihan nila. Wala kang gagawin na ikapapahamak nila. Dahil alam mong sa bawat dapang ginawa nila ay kabiguan sa iyong parti. Kayat ayaw mong maging isang talunan ang bawat isa sa kanila sa gubat ng pakikipagsapalaran.

Yan lang ang kaligayahan ko. Simple lang dahil simple akong tao.

At higit sa lahat hindi ako mabait! Simple ako, oo, pero hindi ako mabait! Bow…

No comments: