Thursday, December 25, 2008

AMA NAMIN

(Tatlong Kwento ng mga Ama sa Mata ng Kanilang mga Anak)

Paano ba tinitingnan ng isang anak ang kanyang ama? Siya ba ang taong tinatakbuhan ng mga anak pag sila’y nangangailangan? O siya ba ay ang taong parating wala sa isang tahanan at iniiwan sa kanilang mga asawa ang kanilang mga anak? Siya ba ang taong naging dahilan kung bakit nabigyan ng buhay ang isang anak? Ang mga susunod na kwento ay hango na naman sa isang totoong buhay ng tatlong mga anak at inilalarawan nila ang kani-kanilang mga ama sa pamamagitan ng kanilang mga nakikita. Titingnan natin kung paano napagdugtong-dugtong ng panahon ang tatlong mga anak na ito na pilit naghangad ng isang ama.

Lunes…

Sa isang maliit na kainan malapit sa isang eskwelahan, duon nakaupo sa isang mesang pandalawahan ang dalawang tao. Isang trenta anyos na lalaki at isang desisyete anyos na babaeng estudyante. Tatawagin nating Daduz ang lalaki dahil yun tawag sa kanya ng batang babae. Tatawagin nating Belle ang batang babae. Belle, isang karakter sa fairy tale, ibig sabihin ay beauty.
Si Belle nagkukwento sa kanyang Daduz. Isang kwentong sana sa ina’t ama sinasabi. Ngunit hindi magawa ni Belle. Sa kadahilanang takot ang batang babae malaman ng ni isa sa pamilya niya ang tungkol sa kanyang pakikipagboyfriend. Iba ang religion nila Belle sa lalaking napili niya. Sa tradisyon ng pamilya nila, ang lalaki’t babae dapat ay magkapareho ng paniniwala ng sa gayun ay magiging matiwasay ang kanilang pagsasama. Pero hindi naniwala duon si Belle. Ayun sa kwento ni Belle hindi rin ganun ang nangyari sa mama niya. Siya at ang kapatid niya ay bunga ng isang malaking pagkakamali. Sa tradisyon uli ng religion nila naniniwalang tama ang arranged marriage. Kaya ang mama niya pinakasal sa isang lalaking hindi nito minsan at ginawang mahalin. Ngunit dahil sa reputasyon ng pamilya pinilit nitong makipag-ayos. Ngunit ang reputasyon ding iyon ang nagbuwag ng isang pagsasama. Kaya naiwan si Belle at ang kapatid nito sa kanyang ina. Ang kanyang ama nagpakasal sa iba at meron din itong mga anak.
Para maitaguyod ng maayos ang kanilang pamilya nag-asawa muli ang kanyang ina – na siyang kinikilalang ama ngayon ni Belle. Totoong walang anak ang kanyang ina sa bagong asawa ngunit masyadong mahigpit ang pamamalakad ng kanyang ama-amahan sa kanila. Hindi naging madali para sa isang nagdadalagang anak na wala sa piling ng tunay na ama. Paano niya maiintindihan ang pagpoprotekta ng kanyang ama-amahan sa kanya gayung alam niya na hindi ito magiging bukal sa sarili?
Kung ilang beses naghanap ng pagkakataong maintindihan ang isang nagdadalagang anak. Kinailangan niyang magsinungaling na sumali siya sa isang beauty contest. Kinailangan niyang magsinungaling na sumama sa kanyang mga kamag-aral sa isang outing. At sa muli kinailangan niyang magsinungaling na may boyfriend siyang hindi magkatulad ang kanilang paniniwala.
Paano ba ang isang Belle mabubuhay ng normal kung napapalibutan ito ng pader ng paniniwala? Paano ba ang isang Belle maniniwala sa isang kautusan kung nakita na niya ang epekto nito? Siya na naging biktima ng isang arranged marriage. Siya na biktima ng isang paniniwalang panrelihiyon. Masisi ba niya ang ama kung bakit sila iniwan? O masisi ba niya ang taong binigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng ama muli?
Para sa isang Belle na naghahanap ng isang isang ama. Nandun si Daduz niya para alalayan siya sa isang bahagi ng kanyang buhay.

Martes…

Sa isang faculty room tumunog ang message tone ng isang cell phone. May lumapit sa isang N76 model na gadget at binuksan. Binasa niya ang text message. Bitbit ang cell phone bumalik ang lalaking iyon sa kanyang kinauupuan at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Maya’t maya may dumating na isang disesyete anyos na batang lalaki. Lumapit sa taong nadun sa room na iyon at umupo sa tabi niya. Ang batang lalaki, tatawagin nating Lumiere. Ibig sabihin tagadala ng candelabrang punung-puno ng kandilang nakailaw. Nabibigay liwanag at magdadala sana ng liwanag sa buhay at isip ng ibang tao. Ang taong nilapitan niya, tawag niya ay Sir.
Si Lumiere, nang makaupo ay nagsimulang magkuwento. Isa siyang anak ng isang OFW. Panganay sa apat na anak. Nakatira sa bahay ng kanyang lola. Me sarili silang bahay ngunit ayaw niyang pumirmi duon. Sa totoong bahay nila, nanduon ang kanyang ama. Walang permanenteng trabaho, at nakadepende ang buong buhay sa kaniyang ina na kumakayod sa ibang bansa. Ang ina niya rin ang tumataguyod ng kaniyang pag-aaral. Ang ina din nya ang taong inspirasyon niya upang ipagpatuloy at pagbutihin ang kanyang pag-aaral. Para matulungan din ang kanyang sarilli at ina, minsan ay sumasama siya sa kanyang tiyahin sa kanilang catering business.
Ang kaniyang “dakilang” ama ay walang ginawa kundi maghintay ng rasyon ng kanyang ina. At higit sa lahat wala man pangalawang pamilya ang kaniyang ama, meron naman itong mga anak sa labas.
Si Lumiere sa murang edad ay naging saksi kung paano umikot ang buhay ng kanyang ama. Sa murang edad ay nakita niya kung paanong ang isang tao ay hindi natuto sa bawat taon na dumadagdag na kanyang edad. Sa murang edad ay natuto siyang magalit sa kanyang ama. Nakikita man niya ang kanyang ama – parati at sa anumang oras niya gustuhin, para kay Lumiere mas ikakabuti pang hindi niya nakilala ang kayang ama.
Paano ba magiging isang mabuting ama sa hinaharap kung ang sarili mong ama sa kasalukuyan ay hindi nagbigay sayo ng tamang halimbawa? Paano ba maintindihan ang isang inang pilit na isinisiksik ang sarili sa kanyang asawang ni hindi siya binibigyan ng kahalagahan? Siya, si Lumiere, biktima ng isang maling pag-ibig. Siya ay biktima ng isang maling halimbawa. Masisi ba niya ang kanyang ama kung naging iresponsable ito sa kanila?
Para sa isang nagbibinatang anak na nagnanais na maging huwarang ama balang araw, ang paghahanap ng isang amang mag-aalalay sa kanya sa daan patungo sa magandang kinabukasan ay tapos na. Si Sir tutulong sa kanya upang buuin ang nasirang tulay ng pagiging ama dulot ng bagyong dala ng kanyang ama.

Miyerkoles…

Sa isang Internet Shop nakaupo ang isang tao at gumagawa ng kanyang blog. Lumapit ang isang binatilyong mga diseotso anyos. Malungkot ang mukha, tila may sasabihing alam niyang ikagagalit ng nilapitan niya. Ngunit naglakas – loob pa rin itong lumapit. Siya ay tatawagin nating si Cogsworth. Ibig sabihin, isang fantasy character ng orasan. Ang lalaking nilapitan niya ay tinatawag niyang Amay (ibig sabihin sa Hiligaynon Ama).
Si Cogsworth, lumapit sa kanyang Amay at humingi ng dispensa. Isang dispensa ng pagtanggi sa isang okasyon. Krismas parti ng mga kaklase kasama ang nag-iisang Amay nila. Wala siyang nakitang kakaibang reaksyon sa mukha ng kanyang kausap. Wala ring pagtutol sa mukha ng kanyang Amay sa kaniyang naging desisyon. Mas lalong wala rin halos ang atensyon ng kanyang kausap sa kanya.
Mula sa isang mahabang katahimikan nagsimulang mag-eksplika ang binatilyo. Siya, Cogsworth, anak ng kanyang ama. Lumaki siya na ang kanyang kasama sa buhay ay ang kanyang ama, at dalawa pang nakababatang kapatid. Walang ina na nasilayan ang isang Cogsworth. Ayun sa kaniyang kwento, maliit pa sila iniwan na sila ng kaniyang ina. Hindi na niya halos nakilala ang ina dahil sa ama na siya lumaki. Simula’t sapul galit ang nasa puso niya para sa ina.
Ngunit ang galit na iyon ay hindi nagtagal. Isang katotohanan ang gumimbal sa kanya. Mali man na iniwan sila ng kanyang ina, mas karumaldumal isipin na apat na taong lumipas ng umalis ang ina ay may kalaguyo na rin ang kanyang ama. Sa loob ng hindi kahabaang panahon inakala niya isang huwaran ang ama ay hindi pala.
May pangakong iniwan nuon ang kanyang ama na walang magbabago kahit may iba na itong pamilya. Ngunit hindi iyon nangyari, kagaya rin lang ng pangakong binitawan nuong umalis ang kanilang ina na hindi na siya mag-aasawa pang muli. Dalawang pangakong napako sa isang katotohanan-na siya, si Cogsworth, nabubuhay na walang inang nag-aalaga at walang amang gumagabay.
Paano ba aakuin ng isang anak ang responsibilidad na iniwasan ng isang ama? Paano ba makikihati ang isang anak sa atensyon ng isang ama? Siya si Cogsworth, biktima ng isang maling desisyon. Siya ay biktima ng isang pagkakataon na umaayon lamang sa ibang tao. Masisi ba niya ang kanyang ina kung bakit sila iniwan nito? Masisi ba niya ang kanyang ama kung bakit ito nag-asawang muli? Hanggang kelan matatapos ang kwento ng mga ulilang anak? Sa anong oras ba at panahon mangyayari ang isang pagkakataong hindi na kinailangan ni Cogsworth na makilimos sa pagmamahal at paggabay ng isang ama.
Para sa isang nagbibinatang humihingi ng pagkakataong mabuo ang pamilya niya, nahanap niya ang pagkakataong maunawaan siya sa isang ama-amahang tintawag niyang “Amay”. Si Amay ang naghihimuk sa kanya upang malagpasan ang dagok ng pag-aalinlangan.


Si Belle, si Lumiere, si Cogsworth. Tatlong anak na nagkwento at naglarawan ng kani-kanilang mga ama. Kung paano ang kanilang mga ama nakaapekto sa buhay ng kanilang mga ina. Si Daduz, si Sir, si Amay. Tatlong karakter ngunit iisang tao lamang. Siya ang nagdudugtung-dugtong ng mga kwento. At sinusubukang maging ama sa kanila.

1 comment:

johanN said...

.....hayz! Dadudz!... (jujujujuju) daw mahibe nmn koH......
(jujujujuju)

.....thanx 4 olwayz bieng der 4 me!...
....tani ikw nlang ang true dadudz koh!....(jujuju)

bztah kun malayas koh sal.un mo ko hah!?...(jajajajajaja) jowk!

dadz, thnx 4 all the little things you do That makes my life worthwhile....

jejejejeje.....

lab you!...

muah.......