Monday, August 30, 2010

Ngiting Walang Sigla

Maghihintay ka ba ng apat na oras kahit alam mong hindi siya darating?
Aasa ka bang darating siya kahit alam mong imposible?
Kahit pa imposible ay paniniwalain mo ba ang iyong sarili sa isang kasinungalingan?
Kahit alam mong kasinungalingan, magiging tapat ka pa rin ba?

Mahirap ang maghintay sa wala,
Nakakabagot mag - isip na wala ka namang iniisip;
Nakakainis kilalanin ang isang taong walang mukha,
At nakakabaliw maghintay sa mga text.

Maniniwala ka ba sa isang mensahe lang?
Kahit alam mong maaring ito'y linyang pantanghal?
Aakuin mo bang maging tanga-tangahan?
Kahit alam mong maaring ikaw ay pinaglalaruan?


Ngunit paano kung sa kabilang banda lahat ay totoo,
Mga mensahey nanggagaling sa kanyang puso;
Mas pipiliin mo bang magduda na lamang?
At ang importanteng tao ikaw ay mawalan.

Hindi na baleng maghintay sa wala,
Kung itong disisyon ay dapat at tama;
Mabuti pang kahit kapiranggot ay umasa,
Kesa maniwala sa haka haka at ikulong ang sarili sa walang hanggang pagdududa.

No comments: