Thursday, August 6, 2009

Three's a Crowd

Naksakay ako sa isang jeep. Sa front seat. Ang dapat sanang upuan ng pasaherong pandalawahan ay nagsiksikan kaming tatlo.

Ako, nakaupo katabi ng drayber. Sa bandang labas ay ang binata. sa pagitan naming dalawa ay hindi kalakihang ale at hawak niya ang batang mga dalawang taong gulang.

Mahirap. Masikip.

Habang umuusad ang jeep, gumegewang-gewang kami na lalo pang nagpalala ng sitwasyun. Idagdag mo pa ang napakainsensitive na drayberna humahawi ng binti ko animuy tablang dos por dos na hinahampas ng palakol na bakal sa tuwing hahagilapin niya ang kambya ng jeep. Na siya namang usog ko sa direksyon ng katabi kong ale.

Idagdag mo din ang trapik na siyang dahilan kung bakit naiinis ang drayber kaya pabugso-bugso ito kung pumreno at amagrelease ng clutch. Na siya namang dahilan para magpaubaya ang ale sa kung saang direksyon tumilapon wag ang masaktan ang kanyang anak sa kanyang lap.

Idagdag mo din ang sandamakmak na na butas sa daan animuy alun-along dagat. na siya namang dahilan ng binata para kumapit ng mahigpit sa hawakan ng jeep dahil baka kung saan ito pupuluting planeta . kaya naman ang kawawang ale naiipit sa pagitan naming dalawa. pilit niyang ikinukubli sa aming mga siko ang kanyang anak baka pagdating sa bahay nila ay durog-durog na ito....

kung bakit kasi mahilig tayong makisiksik kung saan-saan; sa kung anu-ano.

Kasi natatakot tayong maubusan ng masasakyan. O kung hindi man, masyado lang tayong nagmamadali. O kaya naman, di tayo makakapag-antay ng konting panahon...

Parang karir ko din. Dalawang linggo bago magpasukan ngayong taong ito, nakonfirm ko na hindi na pala irerenew ang kontrak ko ng pinapasukan kong skul. Kaya naman nagpanic ako. Sino ba naman ang hindi. Kaya nag-apply ako kung saan-saan. Sa takot kong maubusan ng mapapasukang trabaho, hindi ko binitawan ang isa ko pang pinapasukang skul na kasabay nuon ng nagpalayas saken na skul. Sa aking pagmamadaling makakakita ng kapalit ng sumibak na skul, tinaggap ko ang isang pagkaktaong mag-aral sa isang english proficiency course. Na sinabayan naman ng isang tawag mula sa isang aeronautics school. Ayun grab din ako. Sa ayaw kung maghintay ng konting panahon kahit alam kong me kasiguraduhan sa aero skul ay pinatulan ko din ang offer ng isang electronics skul.

Ayun nang mag-umpisa ang pasukan di ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero kahit hirap ako at parang binalibag ang katawan ko sa pagod at sakit sa gabi ay hindi iyon naging dahilan para sumuko.

Kahit naiipit ako sa kabi-kabilang commitments, meetings, lessons, exams ng tatlong skul ay hindi iyon ang dahilan para hindi ko gawin lahat ng responsibilidad. kelangan kung kumapit sa tatlong skul hindi dahil ayaw kong mawalan ng trabaho kundi pagtanaw ng utang na loob sa kanilang magandang pagtanggap sa'kin matapos ang aking tadyakan ng dati kong pinapasukan.

Salamat!

No comments: