Friday, August 7, 2009

Jinx

Pag ang tao daw inabot ng malas, kadalasan maramihan... Pero pag ang tao ipinanganak na malas, buong buhay niya puro na lang kamalasan...

Ito ang kwento ng aking kamalasan. Tatlong taon ng sunud-sunodna tuwing nalalapit ang birthday ko, tila yata pinipeste ako. Two years ago, three weeks before my birthday naospital ang tatay ko. Ayun, sa isang private room ng isang sikat na ospital ako nagcelebrate. buti na lang at niregalohan ako ng isang hapunes kong student ng pagkalaki-laking cake na binili niya sa coffee break. Isang platito ang circumference, mga dalawang inches ang taas at may nakapatong pang isang red cherry. Alangan namang violet di ba? Magrereklamo sana ako kaya lang naalala ko di pala bagay sa'kin ang mga 7 layers cake kasi fetus pa ako. Pero thankful pa rin ako kasi first time kong nagkacake sa buong buhay ko.

Last year, subsub naman ako sa trabaho sa araw ng birthday ko. The funny thing is, ni isa sa officemates ko walang bumati sa'kin. Dajil wala ni isa sa knila nakakaalam na birthday ko. Tama ba yun? Sabagay alang office nuon dahil linggo nung araw na iyon. Pumunta lang ako sa skul para tapusin ko pinapatapos sa kin nang superior ko.

This year, mas malala ang nangyari. Two weeks before my birthday, nakatanggap ako nang balitang tanggal na ako sa tinatrabahuhan kong skul. after a week, kinunfirm ko ang balita. And positive! Ayaw na nang admin na irenew ang contract ko. So wala akon nagawa. Sino ba ang makakapagcelebrate ng maayos kung wala ka nang trabaho? Eto pa!

On the same week as my birthday, i took an assessment. Due to bigat na dinadala ko from termination, ayun at nafail ako.sayang kasi yun pa naman sana ang ipagmamalaki ko sana sa skul nagterminate sa kin. E wala, malas talaga...

Ilang birthdays ko pa ang dadaan na magdadala ng frustration sakin? kung ganyan lang din, ayoko nang magbirthday. Skip ko na lang ang arawna iyon.

Whatever!

No comments: