Nakaupo ako sa isang upuan. Komportable. Nalalanghap ko ang amuy ng isang tasa ng cappuccino habang nilalaro ng aking kanang kamay ang plastic stirrer ng kape. Ninananam ko ang bawat bulang dadaan sa dila ko habang pilit na sumisiksik sa aking kalamnan ang bawat hibla ng hangin sa tuwing ito ay iihip. Pinag-iinit lamang ang aking pakiramdam ng mga magagandang musika na nagpapacify din sa ingay na likha ng mga kumpol-kumpol na tao sa paligid-ligid. Sa kailalimlaliman ng gabi at sa gitna ng mga taong di ko kakilala ay bigla akong nagtaka kung anu ang ginagawa ko sa 24 hour coffee shop na iyun.
(Flash back muna tayo few hours before)
Tumunog ang cell phone ko alas diyes ng gabi. Nakatanggap ako ng isang text message. Tiningnan ko ang cell phone ko. May naka-appear na pangalan, Smeagol. Binasa ko ang mensahe. Ito ang nakasaad,
“Pudraax, tulungan mo me. What will I do with this thing? Here me Bree (24 Hour Coffee Shop). Please come and save me from the doom of Sauron.”
Without much further ado, ride si Strider (ako po iyon) sa kanyang kabayo at dumiretso sa sinasabi niyang lugar. Hinanap ko siya ng aking mga mata dahil hindi ko siya halos makita. Marami kasi silang naduduon. Mga hobbits, elves, dwarves, wizards, men of rohan, men of gondor, kahit mga orcs, uruk-hai, ents, at mga Ringwraths ay naroon din. Ngunit duon sa isang sulok ay nakita ko ang aking dakilang mag-aaral na kaupo, si Smeagol (siyempre code name lang).
Ngumingiti siya habang papalapit ako. Alam ko na na may problema siya. Ano pa ba? Dapat bang naduon ako kung walang problema? Pagkaorder ko ng coffee mula sa isang ko pang estudyante (pero hindi sila magkakakilala ha?, madami akong estudyante kasi) ng cappuccino, nagtanong na ako sa kanya. “Bakit ka nagtext?”
At siya ay nagkuwento…
Nagsimula ang lahat sa isang paghahanap. (Hindi ng singsing, pero parang ganun na rin!) Hinahanap ni Smeagol ang kanyang sarili kung kayat naisipan niyang sumali sa isang hindi gaanung normal na web social networking. Sinasabi kong hindi normal dahil ang mga kasali rito ay mga lalaking naghahanap ng kaligayahan at pang-uunawa sa kapwa nila lalaki. In otherwords, a website for gays and bi-sexuals. Naglagay siya ng number niya sa account na iyun at sinamahan pa nito ng pagkalandi-landing larawan na animuy macho dancer sa isang gaybar. Hindi naman nabigo si Smeagol. Maraming mga eba sa porma ni adan ang nabighani sa kanyang kariktan. Inakala nilang totoong tao ang kanilang mahahanap. Ang hindi nila alam isang laro lang ang lahat kay Smeagol (ang totoong hinahanap niya kasi ay singsing, hehehe). At sa inaasahan, marami ang nagtext sa kanya. Nagpapahiwatig ang mga ito ng pagkainteres sa kanya. Yung iba kaibigan lang (daw kunwari), yung iba diretsahang sinasabi ang nasasaloob. At may mga indecent proposals din at an instant. Kayat minabuti ni Smeagol na pag-aralan ang mga alituntunin ng isang true to life game of stupidity.
Dahil wais (kasi po nakasurf) na tao itong si Smeagol, pag walang picture hindi niya pinapatulan. In other words, rejected! Ngunit may isang nagkainteres sa kanya na pinapalagay niyang makakasundo niya. Dalawampung taong gulang daw, matangkad, matalino (kasi magaling umingles), at gwapong-gwapo sa mga larawan nito. Marami siyang larawan. May mga disente, may mga hindi masyadong disente at meron ding dehinsente dahil ang saplot ay kwintas lamang. O di naman kaya ay si Pooh lang ang nakatakip duon. (in other words, swerte ni pooh).
Dahil din sa paghahanap ni Smeagol ng kanyang sarili, naisipan niyang kaibiganin ito. Nais niyang alamin kung anu talaga siya at anu ba ang hinahanap niya (talong o talaba?, hehehe). Nagpalitan sila ng mga mensahe sa cell phone. Enjoy naman ang ating bida. Hindi kalaunan, after 48 years nagpasiya ang dalawa na magkita. Syiempre siniguro muna ng ating bida na nakapaligo, toothbrush at nagsuklay siya bago umalis ng boarding haus niya. Di ko lang alam kung nagpalit siya ng underwear, hindi naman niya sinabi sa kin sa text eh.
Ayun at sa Bree nga sila magmimit. Pumunta duon ng maaga ang ating bida. Sinabi niya sa kanyang “kaibigan kuno” na ang suot niya’y pula at ang buhok niya’y green. Pero ang totoo, naka-all black siya at walang buhok (sa ibabaw po!). Diniscribe naman ni “kaibigan niya kuno” ang kanyang sarili, na napansin na nga ni Smeagol ang lalaking panay ang tingin sa kanya mga isang oras (OA lang) na ang nakaraan. Pilit na itinatago ng bida natin ang kanyang pagtitext para mapatunayan kung sino nga ba itong lalaking nagtutugma ang description sa sinasabi ng “kaibigan” niya.
At tumpak nga ng nagmis call siya ay sasagot sana ang “kaibigan” niya ngunit pinutol din nito bigla para hindi siya mahalata. Hala! Ang tanong bakit parang umatras itong ating bida?
Ayun, bago ko sagutin ang tanong na yan, darating muna ako sa eksena. Charaaaaaaannnn… ayan na andiyan na nga ako. Kinuwento niya ang lahat-lahat at ako na mismo ang magsasabi kung ano ang itsura ng lalaking iyon. Mga singkwenta anyos na ata (kung hindi lang ako OA), marami na ang puti ng buhok na pinatotohanan naman ng kanyang mga kulubot sa mukha. In otherwords, matandang Sora na ang lolo mo!
Pero ako siyempre dahil may malasakit sa mga nakakatanda sa akin pinayuhan ko ang bida natin na lapitan mo at kausapin mo ng maayos. Sabihin mo na “P**** i** niya, sinungaling siya.” Tanungin niya kung bakit nagsinungaling ito para maayos na matapos ang lahat.
Ayun nilapitan na nga ni Smeagol si WormTongue (kaibigan niya kuno). Nag-usap sila. Hindi naman nagdanak ang dugo. Umalis ng mahinahon si Worm Tongue…
(Balik na po tayo sa present…)
Ngayon alam ko na ang sagot sa tanong kung bakit ako nandun sa 24 Hour Coffee Shop na iyon. Para iligtas sa matinding lawa ng apoy ang aking anak. Nang bumalik siya mula sa paglalabas ng mga masasamang likido sa kanyang loob, pinayuhan ko na lang. Kailangan niyang hanapin ang sarili niya. Oo. Lahat tayo dumadaan sa paghahanap ng ating sarilli. Huwag lang nating hayaan na masira ng paghahanap na ito ng mga balakid sa ating daraanan. Kung meron man ay harapin natin ito ng maayos at huwag nating talikuran o mag-iba tayo ng landas.
Naalala ko tuloy nung bata pa ako. Wala kaming ilaw na de-kuryente noon. Sabi ng nanay ko, sabi ng nanay ni Rizal may isang gamu-gamu na mahilig maglaro sa apoy. Pinagbawalan na ito ng kanyang ina ngunit sige pa rin ng sige. Kaya’t nakalaunan ay nahagip ng ilaw ng apoy ang gamugamu at nasunog. Umiyak ang nanay na gamu-gamu. Parang si Rizal din, sinabihan na ng nanay niya na tigilan na niya ang pagsusulat laban sa mga Kastila pero hindi pa rin tumigil si Rizal. Kaya ayun hero si Rizal ngayon.
Pero ako hindi gamu-gamu. Hindi rin si Rizal. At ayokong maging hero. Pero sinubukan ko ring paglaruan ang aming ilaw. Sa flame idinadaan ko ang aking daliri ng pagkabillis-bilis. Totoo ngang hindi ako napaso. Ngunit may linya ng usok na naghulma. Duon ko natanto na ang paghulma ng usok ay isang alaala ng aking pagiging mapusok.
Parang itong aking estudyante, dahil sa kapusukan ng paghahanap ng sarili, na nauwi sa isa sanang karumal-dumal na pagniniig. Isang paalala na hindi lahat ng gugustuhin natin ay nangyayari. At maari tayong mapaso sa ilaw na tayo mismo ang may likha…
No comments:
Post a Comment