Friday, March 13, 2009

Ang Simbolo ng Aking Kalandian

(Inspired by Maldito, the Blogger)


BABALA: STRONG WORDS, HARSH EXPRESSIONS, DIRTY TALK ARE INCLUDED IN THIS BLOG

Ano yan???

Tanong ng aking mga estudyante isang lunes ng pumasok ako sa skul. Pero hindi lang sila ang nagtatanong, marami sila. Mga kasamahan ko, mga kaaway ko, mga pakialamero sa buhay ko.
At hindi lang tanong ang mga ginawa nila. Nagtawanan pa ang mga hinayupak. Akala mo naman ang gaganda at gugwapo ng mga putang ina. Ang sarap nilang buhusan ng asido sa mukha ng maramdaman nila kung anung kahihiyan ang inabot ko dahil sa isang namumula at kumpol-kumpol na butil na mukhang tigdas na tumubo sa aking mukha.

At ang mga walang hiya ay sinundan pa nito ng tanong na...

“Parang herpes?!”

At ang mga hayop na iyon. Para namang mga santa at santo. Pavirgin effect pa ang drama nila, ha! Parang ako lang ang nakakaranas nito. Helo? Sinundan pa ng isa nang...
“Ayan kasi mahilig sa bawal na pagniniig. Pakalat – kalat kung saan, kaya kung anu-ano ang napupulot!”

May hirit pa ang HR namin nang...

“Ay, ano yan? Ang pangit mo. Siphillic beauty ka ngayun.” Tapos sinundan pa ng pagkalakas lakas na tawa at pandidiri.

Ngumingiti na lang ako! Wala rin kasi akong choice eh. Nangyari na ang di dapat mangyari. Kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba kung bakit ako nagkaganito?

Nag-enjoy lang naman ako ah! Ikaw ba kung papipiliin ka sa dalawang bagay: ang maging maligaya ka o maging satisfied ka? Siyempre pinili ko ang dalawa. Nagpakaligaya ako at nagpakasatisfied ako. Given ang dalawa for free eh. Anong gagawin ko? Tanga ako paghindi ko ginrab ang mga opportunities na naka lay down sa mga palad ko.

Oo. Tama ang mga nababasa nyo. Nag-enjoy ako nuong mga panahong yaon. Balikan natin ang gabi ng aking kaligayahan. Nakahain sa aking harapan ang isang katakam-takam na bagay. Nagmula ito sa mamasa-masang lugar. Nang aking hinaplos; Ouch! Mainit. Ramdam ng aking kaibuturan ang singaw ng nag-aalab na mula sa bagay na iyon.

Sinamantala ko ang pagkakataon na lamunin ang mamula-mulang kariktan. Nilaro ng aking malikot na dila ang bawat sulok na naging dahilan para lumabas ang kanyang katas. Hindi lang minsan ko ginawa. Maraming beses; paulit-ulit. Marami kasi sila; iba’t – ibang kulay, hugis, haba, kurba, taba, at kakayahan.

Paminsan-minsan ay nadidistrak ako sa mga hibla na sumasabay sa aking paglalaro; kaya napapatigil ako at hinuhugot ko muna ang mga balahibong sumasabit sa pagitan ng aking mga ngipin.

Ahhhh... ang sarap.... shiit... OMG!

HIPON...

MARAMING HIPON...

Ang aking naging kaligayahan nuong gabing yaon. Nakalimutan ko allergic pala ako sa seafoods. Nakalimutan ko ding uminum ng aking anti-histamin drug. Ang alam ko lang masarap

ang bawal. Dahil sa hipon, na aking nilandi! Kaya ako ay nangati na hinayaan ko lang ang sarili kong kamutin ang makakating parti ng aking mukha. Kaya ang litrato sa kilid ang naging kaisa-isang saksi kung paano ang simbolo ng aking kalandian nabuo...

No comments: