Friday, March 13, 2009

Ang TANGA (bow!)

Paano ba maging tanga? Anu-ano ang mga ginagawa ng mga taong tanga? Sinu-sino ang mga tangang ito? Nilikha ba sila ng maykapal para maging spice sa buhay ng iba? Sila ba ay sinadyang hubugin ninuman para maging gabay sa kanilang kapwa tanga?

Narito ang mga palatandaan at mga gawain ng mga taong TANGA...

Babala: Basahin mo ito ng maigi baka isa ka sa kanila...

TANGA # 1: Tangang Mangingibig

Marami akong kilalang ganyan. Sila ay mga babaing nagpakatanga ng dahil sa pag-ibig. Unahin natin ang tatawagin nating si Maria Clara. Siya ay babaing sobrang hinhin. Masyadong prim and proper ‘ika nga. Siya’y hindi masyadong matipid magsalita. Tawag niya sa sarili niya ay “Ang Dalagang Pilipina”. Ito ang kanyang kwento.

May kaibigan siya. Siyempre lalaki. Nang hindi pa uso ang tao sa mundo, siya ang pinakagwapong hayop sa balat ng lupa. In fairness, wala siyang trabaho dahil isa siyang volunteer worker sa isang hindi ko alam na organisasyon. Nagpahayag ito ng pag-ibig sa ating dalaga ngunit dahil tanga ayaw niyang patulan ang akalay biro lamang. Hindi ko rin alam kung seryoso ang lalaki dahil hindi kami close. Hindi nga kami nagkita sa mata dahil hindi naman ako interesado. Pero hindi lang isa ang lalaki sa buhay ni Maria Clara. May isa pang manliligaw sa kanya. Alam niyang may intensyon ito ngunit ayaw niyang patulan ang intensyon lamang dahil nais niya’y marinig ang salitang manliligaw sa bibig mismo nang lalaki. Dahil tanga hinahayaan lang niyang maging sunod-sunuran ang lalaki sa kanya samatalang naging sunod-sunuran ito sa unang lalaking pinakilala ko. Ayaw niya sa unang lalaki dahil super sweet sa text. Ayaw niya sa ikalawang lalaki dahil super sweet ito sa personal.

Sa kabuuan, pinahihirapan lang ni babae ang kaniyang sariling pumili sa dalawang lalaking ayaw lang din niya. Sa kung dahilan hindi ko alam. Masyado akong nako-confuse sa mga sinasabi niyang mga kwento. Kaya ko nasabing tanga siya dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya at natatakot siya sa maaring daratnan ng mga disisyon niya. Tanga siya dahil nais niyang maging perpekto ang lahat sa buhay niya. Good luck na lang sa kanya...

Pangalawang tangang mangingibig. Tatawagin natin siyang Maria Kristina. Ito ang kanyang kwento.

Ilang beses niyang inaming mahal niya lalaking tatawagin nating Yamashita. Ilang beses din niyang sinabing hindi siya mahal ng lalaki. Ilang beses din niyang sinabing hindi na nito itetext. Ilang beses dinn niyang pinahayag na tanga siya. Ngunit ayaw pa rin niyang tantanan ang paghangad sa lalaking si Yamashita. May shota daw ang lalaki. Pero parang hindi din daw.

Niloloko lang daw si Yamashita ng babaeng iyon. Pero ano ba pakialam ni Maria Kristina? Kung hindi ba naman tanga? E di sana hinayaan na lang niya si Yamashita na magdisisyon ito sa buhay niya.

Ilang beses pa ba dapat iiyak si Maria Kristina? Sabi ko nga sa kanya, para marelease ang sakit na nararamdaman niya, bumili siya ng lobo. Puti. Pumanhik siya sa tuktok ng mataas na building saka niya paliparin ang lobo. Simbolo na nirirelease na niya ang kanyang nararamdaman. Tapos tumalon siya mula sa kanyang kinatatayuan para matapos na lahat.

Buti naman naintindihan niya ang mga sinabi ko. Hindi niya sinunod yung pangalawa kong suggestion. Ayun buhay pa naman siya at pilit pa ring isinisiksik sa mga usapan namin si Yamashita. Kasi nga po, TANGA!

Ang ikatlong tangang mangingibig na isisiwalat ko ay ang pag-ibig ng isang babae sa isang lalaki na nakikipaglaro lamang. Tatawagin natin ang babaeng si Maria Leonora Teresa. Aminin ko hindi masyadong maganda si babae. Pero kahit papaano e, charming naman. Si lalaki tatawagin nating si Leon. May itsura (daw?) si lalaki. Nagsimula ang lahat sa pakikipagtextmate. Aside from the fact na magkatrabaho sila. Masyadong kikay si babae, masyadong nagpapaprim si lalaki. Pero hindi nagtagal, na involve si babae sa ibang lalaki na pinipilit lang ng iba pa nilang mga kasamahan. Ang kaso ang lalaking iyon ay may komitment na sa iba. Sinakyan naman ng ating bida ang iba niyang kasamahan, ngunit nanatili pa ring si Leon ang kanyang love-interest.
One time nagtext si babae. “Magmamadre na lang ako.” Reply ni lalaki, “Kung magmamadre ka, magpapari na lang ako. Dahil ang madre para sa padre.” Hindi ko alam kung tama ang sinabi niya ha? Kinowt ankowt ko lang po ang text. Baka pagalitan ako ng mg alagad ng simbahan.

In otherwords kinilig to the bones si babae. Na naging dahilan naman ni Leon lalaki para tumawa ng malakas. Hindi ko alam kung nagjojoke lang si lalaki, ang alam ko lang seryoso si babae. Sana hindi. Pero ito pa may mga bali-balita na si lalaki ay may isang indecent relatioship sa isa nilang kasamahan na hindi masyadong lalaki. Bahala na kayo mag-isip kung ano siya. Ah, basta si babae ay isang tanga. Hindi dahil hindi siya kaaya-aya, kundi hindi niya inaalam ang totoong intensyon ng lalaki sa kanya. Maligayang kaTANGAhan po!

TANGA #2: TANGANG VAKLUSHI

Ito ang mga kwento ng mga tangang pambakla.

Unang bakla natin ay tatawagin kong si BB Machong Hari. . . Okey naman siya. Masyado lang siyang pilit na magpakalalaki. Pagkatapos ng isang kaguluhan ng pagbubuking ng kanyang katauhan sa mga websites na binubuksan niya sa kanilang opisina, naging maingat naman siya infairness. Bagkus naging lalaki pa nga ang dating niya ngayon.

Ngunit isang bubuwit ang nagsumbong sa inyong lingkod na itong ating bida ay “confirmed jugi”. Si bubuwit na ito mismo ang kanyang biktima. Enjoy naman daw si bubuwit. Kaya lang ayaw pahalata pa rin ni BB. Dahil tanga akala niya siguro lahat ng ginagawa niya ng palihim ay hindi malalaman. E ang kaso si bubuwit/biktima mismo ang kumanta. TANGA itong si BB dahil ang biniktima niya ay malapit sa inyong lingkod. Kaya buking ang TANGAng si BB.

Dahil pangalawang kwento natin ito sa pangalawang serye ng mga tanga, dalawang bakla ang ibibida natin. Sila ay sina Joel Torres at Jeri Co. Nagmistulang karnabal ang isang lugar ng araw na iyon ng biglang idinuro-duro ni Jeri Co si Joel Torres. Nabigla naman si Joel Torres at sinubukan din nitong lipulin si Jeri Co. Isang kaguluhan na nag-uugat daw sa pagsasabi ng isang kaklase ni Jeri Co sa kanya na pinagtatawanan siya nila Joel Torres at mga kaibigan nito. Kaya daw nagngitngit si Jeri Co at kinunfront si Joel Torres. Kaya nauwi sa isang matinding upakan sana. Buti na lang hindi natuloy. Hindi naman nagdanak ng dugo at nag-usap sila sa opisina ng kanilang punong-guro. Mga TANGANG bakla pinag-awayan ang isang walang kakwenta-kwentang bagay. Buti sana kung ang pinag-awayan nila lalaki, maiintidhan ko pa. Kaso TANGA!

Ang Simbolo ng Aking Kalandian

(Inspired by Maldito, the Blogger)


BABALA: STRONG WORDS, HARSH EXPRESSIONS, DIRTY TALK ARE INCLUDED IN THIS BLOG

Ano yan???

Tanong ng aking mga estudyante isang lunes ng pumasok ako sa skul. Pero hindi lang sila ang nagtatanong, marami sila. Mga kasamahan ko, mga kaaway ko, mga pakialamero sa buhay ko.
At hindi lang tanong ang mga ginawa nila. Nagtawanan pa ang mga hinayupak. Akala mo naman ang gaganda at gugwapo ng mga putang ina. Ang sarap nilang buhusan ng asido sa mukha ng maramdaman nila kung anung kahihiyan ang inabot ko dahil sa isang namumula at kumpol-kumpol na butil na mukhang tigdas na tumubo sa aking mukha.

At ang mga walang hiya ay sinundan pa nito ng tanong na...

“Parang herpes?!”

At ang mga hayop na iyon. Para namang mga santa at santo. Pavirgin effect pa ang drama nila, ha! Parang ako lang ang nakakaranas nito. Helo? Sinundan pa ng isa nang...
“Ayan kasi mahilig sa bawal na pagniniig. Pakalat – kalat kung saan, kaya kung anu-ano ang napupulot!”

May hirit pa ang HR namin nang...

“Ay, ano yan? Ang pangit mo. Siphillic beauty ka ngayun.” Tapos sinundan pa ng pagkalakas lakas na tawa at pandidiri.

Ngumingiti na lang ako! Wala rin kasi akong choice eh. Nangyari na ang di dapat mangyari. Kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba kung bakit ako nagkaganito?

Nag-enjoy lang naman ako ah! Ikaw ba kung papipiliin ka sa dalawang bagay: ang maging maligaya ka o maging satisfied ka? Siyempre pinili ko ang dalawa. Nagpakaligaya ako at nagpakasatisfied ako. Given ang dalawa for free eh. Anong gagawin ko? Tanga ako paghindi ko ginrab ang mga opportunities na naka lay down sa mga palad ko.

Oo. Tama ang mga nababasa nyo. Nag-enjoy ako nuong mga panahong yaon. Balikan natin ang gabi ng aking kaligayahan. Nakahain sa aking harapan ang isang katakam-takam na bagay. Nagmula ito sa mamasa-masang lugar. Nang aking hinaplos; Ouch! Mainit. Ramdam ng aking kaibuturan ang singaw ng nag-aalab na mula sa bagay na iyon.

Sinamantala ko ang pagkakataon na lamunin ang mamula-mulang kariktan. Nilaro ng aking malikot na dila ang bawat sulok na naging dahilan para lumabas ang kanyang katas. Hindi lang minsan ko ginawa. Maraming beses; paulit-ulit. Marami kasi sila; iba’t – ibang kulay, hugis, haba, kurba, taba, at kakayahan.

Paminsan-minsan ay nadidistrak ako sa mga hibla na sumasabay sa aking paglalaro; kaya napapatigil ako at hinuhugot ko muna ang mga balahibong sumasabit sa pagitan ng aking mga ngipin.

Ahhhh... ang sarap.... shiit... OMG!

HIPON...

MARAMING HIPON...

Ang aking naging kaligayahan nuong gabing yaon. Nakalimutan ko allergic pala ako sa seafoods. Nakalimutan ko ding uminum ng aking anti-histamin drug. Ang alam ko lang masarap

ang bawal. Dahil sa hipon, na aking nilandi! Kaya ako ay nangati na hinayaan ko lang ang sarili kong kamutin ang makakating parti ng aking mukha. Kaya ang litrato sa kilid ang naging kaisa-isang saksi kung paano ang simbolo ng aking kalandian nabuo...

Monday, March 2, 2009

Laro sa Ibabaw ng Apoy

Nakaupo ako sa isang upuan. Komportable. Nalalanghap ko ang amuy ng isang tasa ng cappuccino habang nilalaro ng aking kanang kamay ang plastic stirrer ng kape. Ninananam ko ang bawat bulang dadaan sa dila ko habang pilit na sumisiksik sa aking kalamnan ang bawat hibla ng hangin sa tuwing ito ay iihip. Pinag-iinit lamang ang aking pakiramdam ng mga magagandang musika na nagpapacify din sa ingay na likha ng mga kumpol-kumpol na tao sa paligid-ligid. Sa kailalimlaliman ng gabi at sa gitna ng mga taong di ko kakilala ay bigla akong nagtaka kung anu ang ginagawa ko sa 24 hour coffee shop na iyun.

(Flash back muna tayo few hours before)

Tumunog ang cell phone ko alas diyes ng gabi. Nakatanggap ako ng isang text message. Tiningnan ko ang cell phone ko. May naka-appear na pangalan, Smeagol. Binasa ko ang mensahe. Ito ang nakasaad,
“Pudraax, tulungan mo me. What will I do with this thing? Here me Bree (24 Hour Coffee Shop). Please come and save me from the doom of Sauron.”

Without much further ado, ride si Strider (ako po iyon) sa kanyang kabayo at dumiretso sa sinasabi niyang lugar. Hinanap ko siya ng aking mga mata dahil hindi ko siya halos makita. Marami kasi silang naduduon. Mga hobbits, elves, dwarves, wizards, men of rohan, men of gondor, kahit mga orcs, uruk-hai, ents, at mga Ringwraths ay naroon din. Ngunit duon sa isang sulok ay nakita ko ang aking dakilang mag-aaral na kaupo, si Smeagol (siyempre code name lang).

Ngumingiti siya habang papalapit ako. Alam ko na na may problema siya. Ano pa ba? Dapat bang naduon ako kung walang problema? Pagkaorder ko ng coffee mula sa isang ko pang estudyante (pero hindi sila magkakakilala ha?, madami akong estudyante kasi) ng cappuccino, nagtanong na ako sa kanya. “Bakit ka nagtext?”

At siya ay nagkuwento…

Nagsimula ang lahat sa isang paghahanap. (Hindi ng singsing, pero parang ganun na rin!) Hinahanap ni Smeagol ang kanyang sarili kung kayat naisipan niyang sumali sa isang hindi gaanung normal na web social networking. Sinasabi kong hindi normal dahil ang mga kasali rito ay mga lalaking naghahanap ng kaligayahan at pang-uunawa sa kapwa nila lalaki. In otherwords, a website for gays and bi-sexuals. Naglagay siya ng number niya sa account na iyun at sinamahan pa nito ng pagkalandi-landing larawan na animuy macho dancer sa isang gaybar. Hindi naman nabigo si Smeagol. Maraming mga eba sa porma ni adan ang nabighani sa kanyang kariktan. Inakala nilang totoong tao ang kanilang mahahanap. Ang hindi nila alam isang laro lang ang lahat kay Smeagol (ang totoong hinahanap niya kasi ay singsing, hehehe). At sa inaasahan, marami ang nagtext sa kanya. Nagpapahiwatig ang mga ito ng pagkainteres sa kanya. Yung iba kaibigan lang (daw kunwari), yung iba diretsahang sinasabi ang nasasaloob. At may mga indecent proposals din at an instant. Kayat minabuti ni Smeagol na pag-aralan ang mga alituntunin ng isang true to life game of stupidity.

Dahil wais (kasi po nakasurf) na tao itong si Smeagol, pag walang picture hindi niya pinapatulan. In other words, rejected! Ngunit may isang nagkainteres sa kanya na pinapalagay niyang makakasundo niya. Dalawampung taong gulang daw, matangkad, matalino (kasi magaling umingles), at gwapong-gwapo sa mga larawan nito. Marami siyang larawan. May mga disente, may mga hindi masyadong disente at meron ding dehinsente dahil ang saplot ay kwintas lamang. O di naman kaya ay si Pooh lang ang nakatakip duon. (in other words, swerte ni pooh).

Dahil din sa paghahanap ni Smeagol ng kanyang sarili, naisipan niyang kaibiganin ito. Nais niyang alamin kung anu talaga siya at anu ba ang hinahanap niya (talong o talaba?, hehehe). Nagpalitan sila ng mga mensahe sa cell phone. Enjoy naman ang ating bida. Hindi kalaunan, after 48 years nagpasiya ang dalawa na magkita. Syiempre siniguro muna ng ating bida na nakapaligo, toothbrush at nagsuklay siya bago umalis ng boarding haus niya. Di ko lang alam kung nagpalit siya ng underwear, hindi naman niya sinabi sa kin sa text eh.

Ayun at sa Bree nga sila magmimit. Pumunta duon ng maaga ang ating bida. Sinabi niya sa kanyang “kaibigan kuno” na ang suot niya’y pula at ang buhok niya’y green. Pero ang totoo, naka-all black siya at walang buhok (sa ibabaw po!). Diniscribe naman ni “kaibigan niya kuno” ang kanyang sarili, na napansin na nga ni Smeagol ang lalaking panay ang tingin sa kanya mga isang oras (OA lang) na ang nakaraan. Pilit na itinatago ng bida natin ang kanyang pagtitext para mapatunayan kung sino nga ba itong lalaking nagtutugma ang description sa sinasabi ng “kaibigan” niya.

At tumpak nga ng nagmis call siya ay sasagot sana ang “kaibigan” niya ngunit pinutol din nito bigla para hindi siya mahalata. Hala! Ang tanong bakit parang umatras itong ating bida?
Ayun, bago ko sagutin ang tanong na yan, darating muna ako sa eksena. Charaaaaaaannnn… ayan na andiyan na nga ako. Kinuwento niya ang lahat-lahat at ako na mismo ang magsasabi kung ano ang itsura ng lalaking iyon. Mga singkwenta anyos na ata (kung hindi lang ako OA), marami na ang puti ng buhok na pinatotohanan naman ng kanyang mga kulubot sa mukha. In otherwords, matandang Sora na ang lolo mo!

Pero ako siyempre dahil may malasakit sa mga nakakatanda sa akin pinayuhan ko ang bida natin na lapitan mo at kausapin mo ng maayos. Sabihin mo na “P**** i** niya, sinungaling siya.” Tanungin niya kung bakit nagsinungaling ito para maayos na matapos ang lahat.
Ayun nilapitan na nga ni Smeagol si WormTongue (kaibigan niya kuno). Nag-usap sila. Hindi naman nagdanak ang dugo. Umalis ng mahinahon si Worm Tongue…

(Balik na po tayo sa present…)

Ngayon alam ko na ang sagot sa tanong kung bakit ako nandun sa 24 Hour Coffee Shop na iyon. Para iligtas sa matinding lawa ng apoy ang aking anak. Nang bumalik siya mula sa paglalabas ng mga masasamang likido sa kanyang loob, pinayuhan ko na lang. Kailangan niyang hanapin ang sarili niya. Oo. Lahat tayo dumadaan sa paghahanap ng ating sarilli. Huwag lang nating hayaan na masira ng paghahanap na ito ng mga balakid sa ating daraanan. Kung meron man ay harapin natin ito ng maayos at huwag nating talikuran o mag-iba tayo ng landas.

Naalala ko tuloy nung bata pa ako. Wala kaming ilaw na de-kuryente noon. Sabi ng nanay ko, sabi ng nanay ni Rizal may isang gamu-gamu na mahilig maglaro sa apoy. Pinagbawalan na ito ng kanyang ina ngunit sige pa rin ng sige. Kaya’t nakalaunan ay nahagip ng ilaw ng apoy ang gamugamu at nasunog. Umiyak ang nanay na gamu-gamu. Parang si Rizal din, sinabihan na ng nanay niya na tigilan na niya ang pagsusulat laban sa mga Kastila pero hindi pa rin tumigil si Rizal. Kaya ayun hero si Rizal ngayon.

Pero ako hindi gamu-gamu. Hindi rin si Rizal. At ayokong maging hero. Pero sinubukan ko ring paglaruan ang aming ilaw. Sa flame idinadaan ko ang aking daliri ng pagkabillis-bilis. Totoo ngang hindi ako napaso. Ngunit may linya ng usok na naghulma. Duon ko natanto na ang paghulma ng usok ay isang alaala ng aking pagiging mapusok.

Parang itong aking estudyante, dahil sa kapusukan ng paghahanap ng sarili, na nauwi sa isa sanang karumal-dumal na pagniniig. Isang paalala na hindi lahat ng gugustuhin natin ay nangyayari. At maari tayong mapaso sa ilaw na tayo mismo ang may likha…

This Guy is In-Love with You, Pare

I was sitting in a 24 – hour coffee shop at 4:16 in the morning thinking stupid things when two men in black (one wearing a cap) caught my attention. They were sipping one cup of coffee one after the other alternately. They were facing in the same direction and both were almost together in sucking cigars while conversing in soft voices as if talking in secret. They didn’t even care the people around them. They were actually enjoying the company of one another sharing each other’s happiness. Two men making their own cosmos at the midst of a chaotic world. What else do they have in common? What else do they have shared? Can they have the same secret? Could it be possible that two men share one common secret?

A flashback from the not so distant past emerged from nowhere. Here in this same place, same time, I recalled a narrative account from someone close to me who shared one common secret with his fellow. He called himself Sander; his fellow’s Piston.

They started as friends. They call each other “best”, a shortened word for “bestfriend”.
They were both intelligent, responsible and most of all hunks. They compete at every aspect, trying to outdo one from the other. Since grade school, they were labeled to be close rivals. In grade one Sander got first place over the whole class while Piston ranked second. But in the second grade Piston took the lead. The pattern continues on the succeeding years. Though, there is no problem for both of them. When high school came, they don’t just compete with scholastic records but also with who to be their girlfriends should be. At the same time they both count how many girls cried for the love of them in a year, a month, a week, or maybe a day? Whoever got the highest point in that aspect, it brings no big deal for them. Rather competition brings them closer together. In other words, there is no problem for them at all. Not until their senior year came.

It was their prom night. He and his bestfriend enjoyed so much that triggered them for a drink. Both were managing themselves better. But the night was long and mysterious. After the prom, they decided to go home together. Although they were walking in a zigzag motion due to alcohol in take, they still managed to move on because they have each other supporting one not to let the other stumble. For no reason at all, they stopped on a parked jeepney.

It was one starry night and both of them were stargazing. Without hesitation Piston told Sander “Best, can I kiss you?” Sander was surprised but he did not refuse. And the next thing that happened was part of the common secret the two have.

From then on, they made a homosexual relationship. After all Sander is shortened name for Alexander and Piston is a nickname for Hephaeston.

The Fragrance of a Rose

Beep…

My message tone sounded. I tried to catch my cell phone out of the dark. I opened my eyes and saw a glimpse of light coming from the backlights of my phone. I reached it and read the message. It says,
Please pray for the soul of Rosalinda Rosal. She passed away at 2:30 this morning.

I looked at the clock from my phone. I was 4:00 a.m. I closed my eyes again to sleep because the message did not register in my mind.

Six o clock in the morning when my alarm clock made noise. I was awakened by David Cook’s Always be my Baby. I fixed myself for the morning job. It was past seven in the morning when I finally left the dorm and took a ride to the workplace.

While sitting on the jeepney, my attention was caught by the design of a rose pendant hanging down the neckline of a young lady passenger on the other side. What a beautiful design! A symbol of purity, fragrance, beauty and life full of mixed emotions: the ROSE – a beautiful flower. It symbolizes womanhood too. It reminds me of how beautiful life is because of its naturally perfected petal architecture. It reminds of how fragrant life is because of the fumes it shares. It reminds me of the purity of one soul because of its finest feature. It reminds me of how difficult life could be because of its thorns. It reminds me too of a woman named after the flower – Rosalinda Rosal. Her smile, her happy face, her voluptuous body, her fashion, her very own trend, her “kikay” talks, her wit, her proudness, her music and her … death? Ahhhh … her DEATH!

I suddenly remembered the text message I received 4:00 a.m. this morning. I opened my cell phone and read the message again. And this time it was confirmed because two text messages read the same content. The first message was received 4 o’clock in the morning; the second message was received 7:00. They came from two different senders.

At that moment, few lines from this woman flashed on my mind. Two weeks ago, I got a chance to talk to her. She was sitting uncomfortably on a rocking chair. The respirator lies on her nose. Obviously, she felt very hard in breathing. But she still managed to smile and tell me the words:
“If God wanted to take my life, I will let Him. But one thing I’ll ask from him is take my life in a peaceful manner. I just wanted to sleep and die. No more struggle, no more pain.”

I was almost crying at that time but I hold my tears. Then I ask my self: “Why will I cry for the death of a person? Death, I should define is an end of one chapter in a person’s life. But the journey of existence do not end there.” I may not be a good Christian but I believe in heaven and hell. Death is also an escape from the present life to an eternity. It is the split up between the sinful body and the pure soul.

My mental flashback stopped for a while when the jeepney did a sudden deceleration. That causes all the passengers to lean forward. A young lad bumped unto my shoulders. I looked at him and told him: “Have a strong grip on the steel handle, boy. Hold on to your position not to stumble.”

Then I saw a different face from within the lad, he is transforming into the face of Rosalinda Rosal. And her memories got back into my mind.

“Hold on!” Her mother told her crying. “Fight death, for you are still young to die.”
Yes, Rosalinda Rosal was only 43. So young that death should not come yet. Then she told her mother with a smile:
“Mang (mother), I wanted to die to set you free from the agony of taking care of me. I am supposed to take good care of you!”

Her mother would just shrug her shoulders and give her a bitter smile. And some teardrops would fall down her eyes. Rosalinda Rosal was right. The whole family has been sacrificing for her since four years ago. She diagnosed of having colon cancer in 2004. Then she had her first major operation in the same year. It was declared successful. Though there were many doubts of having the illness back, the strong woman continued to live a normal life. And she’s happy to take good care of her two sons. After three years the illness came back. And this time not on the intestines but it affects her lungs and other respiratory organs.

She underwent several chemotherapies; she even once considered a patient-tester for a brand of cancer medicine. But it did not last long, when her doctor announced, there is no way for her to get over the malignant illness.

But despite of that, she still continued to share her fragrance, beauty, smile and most of all her virtue.

During her battle with the illness, she fulfilled many things. She made a marriage with the man who is her long time live-in partner. It was her dream to be married. She bridged the gap between her families conflicts. She made a very beautiful inspiration to Gabriel.

Ahhh… Gabriel, the son of her son. Her first grandchild. She may lost her soul but one came.
The petals of Rosalinda Rosal fell down, and her thorns no longer strong, her colors faded along with her wonderful scent. She may be gone but her memories remain into the hearts of the people who loved her very much…

Then I let the jeepney stopped for my workplace is already on site. Then I go down and I saw a white rose on the stairway up the building where we used to work together. The scent of the white rose is the fragrance of Rosalinda Rosal.